terti eyt

3 0 0
                                    

Euphee's POV

Nagising ako dahil may mabigat na bagay na nakadagan sa may bandang tiyan ko. Ay kamay lang pala iyon ni Nick.

Ibig sabihin hindi ako nanaginip kagabi at talagang magkatabi kaming natulog?!!

Nag-iba ako ng pwesto para makaharap siya. Pusang kinalbo naman talaga!!! Ang pogi pogi niya pa rin kahit tulog na. Mas napagmasdan ko tuloy ang pogi niyang mukha. Nagawi ang mga mata ko sa mga labi niya. Ang sarap pa naman niyang humalik. Tutal lagi naman niya ang ninanakawan ng halik, ako naman ngayon hehehehe. Inilapit ko na ang mukha ko sa kaniya at hinalikan siya. Smack lang sana yun pero nauwi sa french kiss gising na pala ang lokong to.

"Good Morning Shorty" sumilay ang nakakaloko niyang ngiti.

"G-good Morning P-pogi" siguradong mas lalong pumula ang pisngi ko.

"Pinagsasamantalahan mo ako habang tulog." Akala ko babangon na siya pero lumipat lang pala siya ng pwesto. Nasa ibabaw ko na kasi siya ngayon. Nararamdaman kong may tumutusok sa bandang puson ko. Shit naman!!

"Ahhhmmmm... kasi....." hinalikan niya akong muli. Napakapit naman ako sa batok niya.

Tok... tok... tok...

"Anak gumising ka na at ng makakain na" naitulak ko si Nick. Putya! Boses ni Dadsy yun ah. Nakauwi na pala siya.

"Opo!!"

"Kailangan mo ng umalis pogi. Siguradong babarilin ka ni Dadsy kapag nakita ka niya dito". Bulong ko sa kaniya.

"Okay see you at school. Bye Shorty"

"Bye Pogi". Sa veranda pa rin siya dumaan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay na siya sa bugatti niya. Dun niya pala pinark sa likod ng bahay. Sana naman di siya nakita ni Manong Guard. Magsusumbong yun panigurado kay Dadsy.

Paalis na ako ng bahay ng may marinig akong nag-uusap. At dahil curious akong tao. Sunundan ko ang mga boses.

Sila Momsy at Dadsy pala. Aalis na sana ako pero meron akong narinig na nakakuha ng interes ko.

"Sigurado ka bang si Hailey ang nabuntis niya? Eh diba maraming naikama ang tarantadong yun." Sino kayang chinichismis ng nga magulang ko. Tsismosa pala si Momsy? Baka isa sa mga kapit bahay namin.

"Yan ang sabi ni Master. Kay Hailey lang naman siya nagseryoso". Master?

"Wala ka ba talagang balita kay Hailey? Best friend mo siya diba?".

"Babe naman ang kulit mo din. Wala talaga, after naming umuwi dito sa Pilipinas ni Hailey ay nagkaniya-kaniya din kami. Ang sabi niya maghahanap daw siya ng trabaho para mabuhay siya. Sinabi ko nga na samin na lang siya tumuloy pero ayaw niya gusto niyang maging independent" sino kayang Hailey yun?

"Talaga babe? Sinabi niya lahat ng tagalog yun?" Hinampas ni Momsy si Dadsy.

"Bwisit ka talaga! Malamang tinagalog ko na lang, alam mo namang German yun eh. Bahala ka diyan! sa sala ka matutulog mamaya". Nagwalk-out si Momsy.

"Babe naman! Paano na si Baby number 4? Kailangang makabuo tayo bago mag pasko". Sabay habol niya kay Momsy. Natawa na lang ako sa mga magulang ko. Feeling teenager eh.

Pero sino kaya sa mga kapitbahay namin ang pinagchi-chismisan nila?


School.

Ang boring naman dito. Tinignan ko ang katabi ko at ayun tulog na. Buti na lang maganda pwesto namin kaya hindi kami agad mapapansin.

Ting...........

"Okay, may quiz tayo next meeting, okay? Okay". Lumabas na si prof Okay.
Gigisingin ko pa si Pogi may practice game pa kasi sila. Malapit na ang inter school games at sa January na yun.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon