ten

21 2 0
                                        

Euphee's POV

Binuksan ko ang pinto at pumasok naman si Dadsy.

"Ano po yun Dadsy?"

"Anak baka hindi ako madalas makauwi."

Isa lang ang ibig sabihin nito. Naririto na sa bansa ang boss ni Dadsy. Hindi din kasi sila nakakauwi ni Momsy ng madalas nung andito ang boss nila.

"Andito na po ang Boss ninyo di po ba?"

"Oo anak, biglaan nga. Hindi ko alam kung ano ang sadya ni Boss dito sa bansa".

"Kung ganoon po, sino ang mag-aasikaso sa restaurant natin?"

"Ang Auntie Angela mo na ang bahala. Naka usap ko na siya kanina sa telepono. Siya na din muna ang makakasama ninyo dito sa bahay habang wala ako"

"Balik na naman po kayo bilang secretary ng Kompanya?" Yun kasi ang trabaho ni papa bago nila itinayo ni Momsy ang BRILLANTE'S si Momsy naman ay Doctor.

"Ah... eh... o-oo tama, tama ka nga anak." Hmm... parang may something eh. Hayaan na nga lang may tiwala naman ako kay Dadsy.

"Kailan naman po ang start ninyo sa RK. Kasama po ba si Momsy?" Yun kasi ang pangalan nung kompanya. Ang alam ko kilala ang RK group of companies world wide. Meron silang Hotels, Resorts at Malls.

"Bukas na anak. Hindi na sasama ang Momsy ninyo. Yun kasi ang napag-usapan namin. "

"Hmmm...... Dadsy bakit po ganun? Kapag nandito lang po ang boss ninyo, tiyaka lang po kayo bumabalik sa pagta-trabaho?"

"Hindi naman sa ganoon anak, pumupunta-punta naman ako duon para i-check ang kompanya ni Boss pero ngayong andito na siya sa bansa ay kailangan niya ako lagi sa Kumpanya". Ang alam ko kasi nasa Germany ang Main Branch ng RK.

"Ahhh ganun pala. Siguradong mami-miss ka ng kambal Dadsy".

"Ako ba hindi mami-miss ng panganay ko?" Ay naku! Nagpapalambing si Dadsy kaya naman yinakap ko siya ng bonggang bongga.

"Siyempre naman, ikaw kaya ang the best Dadsy in the world. Basta uuwi ka pa din tuwing weekends ah?".

"Susubukan ko. Anak lagi kang mag-iingat. Ikaw muna ang bahala sa Momsy at mga kapatid mo"

"Opo Dadsy malakas ata ko. Siyempre magaling kaya kayo ni Momsy na magturo. Kita mo tong mga muscles ko?" Inangat ko naman ang manggas ng shirt ko sabay pakita ko kay Dadsy ng mga muscles ko.

"Hahahahaha. Maloko ka talaga anak. Sige na matulog ka na at may pasok ka pa bukas"

"Opo Dadsy. Good Night po".

..............KINABUKASAN.........

Maaga akong nagising dahil sa katok ng kambal. Pagdating ko sa Dining ay nakita kong anduon na sila pati si Auntie Angela.

"Auntie anong oras ka dumating?"

"Kaninang mga 4 am."

Kinakapatid ni Dadsy si Auntie Angela. Namatay kasi sa car accident ang mga magulang ni Auntie kaya ang pamilya nila Dadsy ang nag-alaga sa kaniya. Wala kasi sa mga kamag-anak niya ang gustong kumupkop sa kaniya.

"Kumusta naman ang rancho Angela". Tanong ni Momsy.

"Okay naman Ate, sina Mang Kulas na ang bahala roon."

"Mabuti naman kung ganoon. O siya magdasal na tayo at nang makakain na".

"Yes!!!! Im hungry na po Momsy" natawa kaming lahat kay Paul.

SCHOOL

Nakatambay ako sa malaking puno malapit sa soccer field . Kakatapos lang ng klase at ayaw muna naming magsi-uwi. Nauna na akong pumunta dito dahil nag-CR pa sina Corinne, Natasha at Anais kailangan daw kasi nilang mag retouch.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon