Euphee's POV
Putya naman talaga oh.............. kung minamalas ka nga naman. Akala ko pa naman walang tao sa CR dahil kalagitnaan ng Klase. Hindi pa naman ako makajebs ng maayos kapag may tao sa paligid.
"Look who's here... andito ang mang-aagaw".
"Hoy.. wala akong inaagaw sayong babae ka". Sagot ko naman sa kaniya. Feelingera din to!
"Anong wala?! maraming nakakita sa inyo na magkasama kayong kumain ni Nick sa isang Resto malapit sa mall. Sabay din kayong pumasok kanina sa school. Akala ko ba si Gregory ang nilalandi mo?". Bilis talaga ng mga maritess eh no?
Nung nakaraang araw pa sila nagbreak ah? Eh kanina lang naman kami nag date ni Nick (kahit sabi niya hindi).
"Oh.. eh ano naman ngayon sayo? Wala kang paki kung ano mang trip namin. Isa pa, wala kaming relasyon ni Greg. Ang fake news ninyo mga letche! ".
"I can't believe na sa isang pandak lang ako ipinagpalit ni Baby Nick". Yuck baby daw.
"Hindi ka na nahiya dalawang lalaki pa ang nilalandi mo!" Singit ni minion 1.
"Oh edi wow! Kayo na ang may mahabang biyas. Kahit maliit ako natural beauty to hindi fake. Hindi ko nga nilalandi ang kaibigan ko. Bingi ka din no?" Turo ko pa sa minion niya. " Wag ninyo kong inisin at baka masuntok ko yang ilang mo na retokada". Napanganga sila sa sinabi ko.
Totoo naman na fake ang ilong niya. Fake din yung boobs at pwet niya 'lam ninyo na iba na ang nagagawa ng pera. Salamat po doctor.
"How dare you!!!! Girls hawakan ninyo siya at ng maturuan ng leksyon yang pandak na yan". Agad naman akong pinuntahan ng dalawang minions niya.
Mabilis kong hinawakan yung braso ni minion number 1 at tiyaka ko ito pinaikot napa-aray naman siya sa sakit habang sinipa ko naman sa puwet yung isa kaya naman napaupo si minion number 2.
Lumapit ako kay Lorelei habang tinitignan ko ito ng masama..
"Sa susunod pipili ka ng kakalabanin mo. Hindi ako natatakot sayo. Ayaw na sayo ni Nick kaya tigilan mo na siya. Maghanap ka na lang ng iba na hindi mapapansing retokada ka."
Sasampalin niya sana ako pero pinigilan ko siya. Jebs na jebs na ko pota!
"Hindi ka ba talaga nakikinig!" Sigaw ko sakaniya. Nanginig naman siya sa takot at nagmamadaling umalis kasama ng mga minions niya.
Pasalamat sila najejebs na ako kaya naman nagmamadali akong pumasok sa isa sa mga cubicle.
.
.
.
.
.
.
"Wooh success!!" Sigaw ko paglabas sa cubicle. Nakaagaw pala ako ng atensyon. Nakakahiya! Kaya nag madali akong lumabas para sumakay sa elevator.
Habang papunta sa canteen pinagtitinginan naman ako ng mga estudiyante yung iba bubulung-bulong pa pero naririnig ko naman.
"Siya yung kasama ni Nick kanina".
"Siya ba yun? Hindi naman kagandahan yan at ang liit pa. Mas maganda pa ko diyan" Ay kala mo kung sinong perpekto tong mga to ah. Hindi daw kagandahan? Bulag tong mga to.
"Hindi ba syota ni Gregory yan?".
"Baka nga lagi silang magkasama".
"Baka naman nakakasabay lang niya, mukhang yan? Hindi papatulan nina Gregory at Nick yan". Nagtawanan pa sila. akala mo kung sinong magaganda. Mukha namang dinikdik sa espasol yung mukha nung isa hindi pa pantay ang paglagay ng foundation niya bandang leeg. Yung isa mukhang clown na sa sobrang kapal na ng make-up dapat nag-enroll to kay Corinne at ng maturuan ng tamang pagme-make up.
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
General FictionEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...
