eyt

23 1 0
                                    

AN:
Continuation pa rin po ng storya nung tatlo. POV pa rin po ni Euphee

Nagising na lang ako sa hindi pamilyar na kwarto. Uupo sana ako pero naramdaman ko ang pagkirot ng tagiliran ko. Oo nga pala nasaksak ako nung Kalbo. Kinapa ko din yung mukha ko. Na feel ko naman na may band aid sa kaliwang pisngi ko. Naku po!!! dapat mawala to bago makauwi sila Momsy at Dadsy nasa trabaho kasi sila kaya ako lang muna mag-isa sa bahay. Sa linggo na pala ang uwi nila.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa guardian angels ko.

"Ay buti naman nagising ka na Miss. Dalawang araw kana kasing tulog."

Dalawang araw lang pala.......

ehhh?????????????????

"Ano???!!! Ibig sabihin huwebes na ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo ganun na nga" sagot naman niya.

"Pusang kinalbo! Paano gagaling agad ang mga to." Kinapa ko pa ang mga sugat at pasa ko sa katawan. "Mapapagalitan ako ng mga magulang ko nito at higit sa lahat...... sayang ang beauty ko......." naiiyak kong sabi sa kaniya.

"Hahahahahaha yan talaga ang pinoproblema mo". Ay pagtawanan daw ba ako?

Muling bumukas ang pinto at pumasok ang isa pang guardian angel ko na may kasamang Manong.

"Nagising ka na pala. Oh bakit umiiyak ka?" Tanong niya na may pag-aalala. "Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Pinaiyak ka ba ng gagong to?" Sunod sunod naman niyang tanong.

"Aba!wala akong ginagawang masama sa kaniya". Wala daw eh pinagtawanan niya kaya ako. 

Tumingin naman sila sa akin.

"Paano kasi p-papangit ako nito baka m-magkaron ako.... ng peklat. Sa-sayang naman ang ganda ko. Hindi din ako maaaring makita nila Momsy at Dadsy nang ganito siguradong maga-grounded ako huhuhuhuhuhu". tuluyan na nga akong umiyak.

Natawa naman silang lahat sakin. Ang sasama nila kitang umiiyak na nga ko pagtatawanan pa nila ako.

" Hija wag kang mag-alala maliit na sugat lang naman ang nasa pisngi mo. Medyo malalim ang sugat mo sa tagiliran pero sisiguraduhin kong hindi yan magpepeklat".

Bigla naman akong tumigil sa pag iyak sa sinabi ni Manong.

"Talaga po ba Manong?"

"Oo Hija. Pasasalamat ko na rin ito sa pagligtas mo sa anak kong si Gregory."

Yun pala ang pangalan nung isa.

"Ay hindi po Manong ako po ang dapat magpasalamat sa kanila. Kung hindi po sila dumating malamang na gang rape na po ako at lumutang na po ang bangkay ko sa ilog". May ilog kasi malapit sa lugar na yun eh.

Bigla kong naalala yung manong na nakahandusay.

"Ay yung Manong po na nakahiga. Ano pong nangyari sa kaniya?"

"Maayos na siya hija. Nakauwi na rin siya sa pamilya niya. Bago siya umalis ay pinapasabi niyang maraming salamat daw sa pagtulong mo."

"Maliit na bagay". Yun na lang ang nasabi ko.

"Ano namang pumasok sa kukote mo at kinalaban mo yung  limang lalaki na yun. Hindi ka ba natakot sa kanila? Kaliit liit mong babae kinalaban mo sila". Sabi nung isa na may itim na buhok. Ngayon ko lang napansin si Gregory kasi Blonde ang buhok pati si Manong. Infairness gwapo silang tatlo kahit si Manong gwapo din kahit may katandaan na.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon