Euphee's POV
May Webinar kami sa school ngayon kaya andito kami da School Theatre
Naglabas ng popcorn si Sean at binuksan ito. Ang walang hiya di man lang nag-alok, nagsolo pa.
"Hoy Sean mamigay ka naman!"- Anais.
"Oo nga ang damot mo" - Corinne.
"Pare bigyan mo na sila". - Greg.
"Oo nga ang takaw mo nang-iinggit ka pa". - Natasha.
"Ayoko nga". Sabay subo ng popcorn habang nakatingin samin nang inggit pa talaga ehh.
"Bahala ka, magtatae ka niyan pag di ka namigay". Sabi ko sakaniya.
Napilitan nga siyang mamigay pero kay Greg lang. Nang-aasar talaga to eh. Dumakot ng marami si Greg at binigyan kami. Nung makakuha ako,inalok ko si Nick.
"Pogi, gusto mo?"
"No thanks, alam ko namang kulang pa sayo yan".
"Ay grabe siya basta ako willing ako mag share".
"No, its okay, go on eat it". Kinain ko naman yung popcorn na nadampot ko. Sabi niya eh.
Maya-maya pa ay binigay ni Sean kay Greg yung popcorn niya.
"Hoy wag ninyo kong uubusan ah, sasagutin ko lang ang tawag ni Mama . Hello Ma, nasa klase po ako." at tuluyan na nga siyang lumabas. Pinagpasa pasahan ng buong klase yung popcorn ni Sean pati si Nick napilit naming makikain na rin. Nung iaabot na sakin ulit ni Natasha bigla itong nahulog.
"Ay! Naku nahu-log-log-log-log." Kanta ko pa.
"Corinne, bilis silipin mo si Sean ikaw ang look out".- Anais.
Si Corinne kasi ang malapit sa may pintuan, dahan-dahan niyang binuksan yung pinto at sumilip.
"Clear, kausap pa niya Mama niya. Ano nang gagawin natin?".
Nagkatinginan kami nina Natasha at Greg at sabay na ngumisi.
"Dali damputin ninyo at ibalik sa lalagyan. Wala pa namang 5 minutes". Natawa naman lahat ng mga kaklase namin.
Siguradong kakainin niya yan at di niya mahahalatang nalaglag na sa sahig ang mga popcorn. Advance kaya ako mag-isip.
Dinampot naman nina Anais at Natasha yung popcorn. May napunta sa gawi namin ni Nick kaya nagpulot na rin ako. May nakisali din kasi tumapon sa gawi nila yung pop corn. Carpeted naman yung floor kaya okay lang yan.
"Are you sure you're going to do that?" Natatawang tanong ni Nick.
"Hmm, hayaan mo at ng maturuan yan. Ang damot eh"
Ibinalik din namin kay Greg yung popcorn ng mapulot na namin lahat.
"Walang tatawa hangga't di pa siya kumakain, okay? Pigilan ninyo kahit na anong mangyari" - Natasha.
Nagsitanguan naman kami. Yung iba di mapigilan ang tawa.
"Andiyan na siya, act normal guys". Nagmamadaling bumalik sa puwesto niya si Corinne at naglabas ng Cellphone. Kaniya-kaniya ding pagkaka-abalahan yung mga kaklase namin.
Bumukas ang pinto at pumasok na si Sean.
"Anak ng-- pare ano ba yan sana hindi na kayo nagtira. Halos mumog na lang laman nito". Padabog niyang kinuha yung popcorn at tinungga niya iyon.
"Puta pare, patay gutom ka talaga, tinungga mo". Palusot ni Greg habang tumatawa.
Tawa na rin ng tawa yung mga kaklase namin.
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Ficción GeneralEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...