nayn

18 2 0
                                    

AN:Last part na po ito ng Flashback nila.

Iba din ang trip ng mga tao dito. Siguro may mga hidden camera dito at patuloy pa rin ang taping. Shit!! Hindi ako na inform na nakasali pala ako dito. Tapos binisto ko pa sila. Dapat go with the flow lang ako. Shunga mo talaga Euphee!!!

"Eupheemia totoo lahat ng nakita mo. Walang taping dito. Alam mo bang nang dahil duon pwede kang mamatay". Sabi ni Uncle. Amazing din tong si Uncle ah... galing ng acting.

"Uncle wala pong kinalaman dito si Euphee. Ako po ang may kasalanan. Parusahan ninyo na lang po ako sa kapabayaan ko sa pagbabantay sa kaniya. Wag ninyo po--". Sabi naman ni Sean.

"Manahimik ka Sean alam kong wala kang kinalaman dito". Wow best actor naman tong si Greg. Ang voice cold na cold.

"Eupheemia ngayong alam mo na ang sikreto namin. Kailangan mong mamili. Sasali ka ba sa amin?" Tanong niya.

"Ano pong mangyayari kapag hindi po ako sumali".

"Kailangan mong mamatay. Walang dapat makaalam samin". Grabe action film pala to good mahilig ako sa mga action movies.

"Ay sasali na lang po ako". Sagot ko sa kanila. Lumapit pa ako sa kaniya at sinenyasan ko siyang may ibubulong ako.

"Pangarap ko ding maging artista Uncle". Bulong ko sa kaniya.

Biglang tumawa ng malakas si Uncle. Hala baka magalit yung director. Ang alam ko sa mga ganitong eksena dapat seryoso eh. Bakit siya natawa? Bakit wala ding Direktor na nagsasabing cut? Ang tagal namang ng eksenang to. Ayyy... baka action-comedy ang genre?

Nagtataka naman silang lahat kay Uncle.

"Kayong lahat maaari na kayong umalis maliban kina Gregory, Sean, Eupheemia at Mendez" utos sa kanila ni Uncle. Siya ata ang director dito.

"Yes master" sagot naman nilang lahat. Master?

"Eupheemia, Hija. Kakaiba ka talaga.... ngayon lamang ulit ako tumawa ng ganito." Huh? Ano namang ginawa ko. Bakit ba sinasabi nilang kakaiba ako? Mukha pa din naman akong tao ah!

"Dad you don't have to do this. Baka naman pwede mo nang ibalato sakin to". Sabi naman ni Greg.

"Master, hindi po tayo pwedeng lumabag sa mga rules". Sabi naman ni Mr. Mendez

Teka....anong rules?

"Makinig ka sakin Hija. Isa kaming Mafia".

Ahhh... gets ko na.... ito siguro yung isa sa mga storya ng taping nila.

"Ganun naman po pala". Sabi ko sa kanila na may kasamang tango.

"Hindi ka ba natatakot sa amin Hija?" tanong niya ulit. Parang kinakabahang tanong ni Uncle. Natatae kaya siya?

"Hindi po ang bait ninyo nga po sakin eh. Linigtas ninyo po ako at pinatuloy ninyo pa po ako rito sa magandang mansyon ninyo". Yan, dapat act natural lang.

Para namang nabunutan ng tinik si Uncle sa sagot ko.

"Kung ganun Euphee gusto mo bang talagang sumali samin?" Yaya naman ni Greg.

"Oo naman ". Sure na sure na sure na sagot ko kay Greg.

"Kung ganun kailangan mong sumama samin para sa initiation mo" sabi naman ni Sean. Ibang klaseng movie tong ginagawa nila. Kailangan mo pang mag attend ng initiation para maging artista. Baka ganito na siguro ang uso ngayon.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon