nayntin

10 0 0
                                        

Euphee's POV

Maaga akong nagising dahil ngayon kasi ang huling araw ng Enrollment at ngayon din kami mag e-enroll. Siyempre yan tayo eh, mahilig sa last minute.

Magde-date ang mga magulang namin kaya ako muna ang babysitter ng kambal. Si Auntie naman kailangan sa Brillante's kaya no choice bantay bata ako ngayon.

"Wag kakalimutan ang seat belt". Kinabit ko ang seatbelt ni Paul. Excited na excited na nga siyang umalis. Two seater lang kasi ang lambo kaya siya na muna ang sasabay sa akin.

"Let's go na po Ate. After sa school mo punta tayo sa Mall?" Kinurot ko muna ang matataba niyang pisngi bago ko sabihing 'oo' sa kaniya. Nasa Sasakyan na ni Dadsy si Elsie ihahatid muna nila kami bago sila mag date. Pinaandar ko na ang Lambo ko at nag drive na papuntang University.

Nauna kami ni Paul dito sa School kaya naman nakaupo na kami sa mga benches dito sa boulevard.

"Ate tapos bili mo po akong ruru... ay laru.. ay toys na nga lang".

"Hahahahahaha Laruan yun Baby. La-ru-an" kinurot kong muli ang pisngi niya kagigil.

Nakita kong papalapit na sa pwesto namin sina Sean at Greg.

"Hello po mga parekoy". Parekoy ang tawagan nilang tatlo. Tumakbo siya papunta sa kanila.

"Andito pala si Euphee little boy Version, kamusta ka na parekoy?". Itinaas pa ni Sean ang kamay niya para makipag appear kay Paul.

Oo nga pala fraternal twins sina Paul at Elsie. Kamukha namin ni Paul si Dadsy samantalang si Elsie ay kamukha ni Momsy.

"Hello din parekoy" nakipag-appear din si Paul kay Greg.

"Babysitter ka ata ngayon? Yan ba ang parusa ni Uncle Philip sayo? Hahahahahaha buti nga" nang-asar patalaga tong si Greg eh.

"Sira hindi. Magde-date lang daw sila ni Momsy. Kagabi lang kasi ulit umuwi si Dadsy galing sa trabaho niya".

"Nga pala siguradong matutuwa ka sa sasabihin ko. Sasabay daw si Captain sa pag e-enroll. Uyyyyyyyyy kilig si taba" Balita ni Greg. Automatikong sumilay ang ngiti sa king mga labi pero sinuntok ko siya sa sikmura. Tumawa lang din ang gago.

"Ate andito na po sina Momsy". Tumakbo na papalapit sa amin si Elsie. Pwedeng mag marathon ang mga batang to ang hihilig tumakbo eh. Kasama na rin nila Dadsy sina Anais at Corinne.

Nagmano sina Sean at Greg kina Momsy At Dadsy.

"Tatanda ako sa inyo nito. Bantayan ninyong mabuti si Eupheemia, at baka may kalokohan na namang gawin to." Talaga tong tatay ko.

"Opo Uncle. Pasensya na po. Hindi po talaga namin siya napigilan".

"Ay ang daya hindi kayo nagsasabi. Naol nagbonding". Nagtatampong sabi ni Anais.

"Truely" segunda naman ni Corinne.

"Sorry mga Beshie biglaan lang yung lakad namin nung nakaraang gabi" sabi ko na lang sa kanila.

"Bless po Uncle, Auntie" nagmano si Natasha sa kanila. Kasama naman niya si Lazarus at nagmano din siya.

"Nga pala Dadsy, siya si Lazarus, manliligaw ni Natasha". Ay, namumula pa talaga si Natasha.

"Siya ba yung nagpahiram ng Kotse sayo?" Tanong ni Dadsy sakin. Tumango naman ako bilang sagot.

"Maraming salamat sa ginawa mo Hijo. Balita ko ay nagasgasan pa ang Ferrari mo. Magkano ba ang kailangan para mapaayos mo iyon?".

"It's okay Mr. Brillante. Napadala ko na po sa Casa. Ako na po ang bahala". Ba! May GMRC  si Kuya. Muling nagpasalamat si Dadsy sa kaniya at hindi na din sila nagtagal at nagpaalam na sila Dadsy para magdate.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon