Euphee's POV"Miss can I have a piece of paper?" Tanong ng katabi ko. Pusang kinalbo!!! Si Nickolaus Aiden Garcia lang naman katabi ko. Isa sa mga Hotties ng University at ang pinagnanasan ko este crush pala.Hindi ko namalayan na ka block mate din namin pala siya. Yan kasi doodle pa more. As in nag slo-mo ang paligid ko ang pogi talaga ni Nick.
Those green eyes of his na laging mukhang galit pero mas lalong nakaka inlove. Napakatangos din ng kaniyang ilong. Mas nakakadagdag sa kaniyang sex appeal ang dark blonde messy hair niya.
"Wag ka ng humingi pa diyan Nickolaus ito na lang ang gamitin mo" sabay kaming napatingin sa nagsalita na Pusit. Umagang-umaga dark make-up agad.
"No, that paper is so cheap. Mas maganda itong gamitin". Sabay abot kay Nick. May nakisali pang isa.
"Don't mind them. Here take this". Aba't may humabol pa.
Tinignan ko lang sila ng mata natakot sila at mabilis silang nagsi-ayos at nagkaniya-kaniya ng sagot sa papel nila.
Ganiyan nga matakot kayo sa tingin. Sabi nila mukha daw akong inosente pero kapag nagalit nakakatakot.
"Heto, kapag kulang pa. Wag kang mahihiyang humingi ha? Kung gusto mo pati puso ko sayo na" kinindatan ko pa siya. Baka sa kaling makuha siya sa banat at landi.
"Tss. This is enough" yamot niyang sabi. Ano ba yan hindi man lang niya na nagustuhan yung banat ko. Hindi din nalandian kahit konti man lang. Wala ding thank you!
Masagutan na nga.
Maya maya ay tumayo na si Nick at nagpasa na ng papel kay Prof Corpuz sabay alis na sa loob ng classroom. Narinig ko ang ilan sa mga kaklase ko na nagsalita
"Woohh bangis!!! Iba talaga itong si Nick ". Sabi ni classmate no. 1
"O.M.G!!! Ang tali-talino talaga ni Fafa Nick."-C2
"Kaya lalo akong nai-inlove sa kanya."Susungalngalin ko to eh aagawan pa ko kay Nick. Kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa na tsugi si pusit.
"Yabang"-C3
"Inggit ka lang"-C2
Isa si Nick or Nickolaus Garcia sa mga Hotties ng Universoty kasama ang mga kaibigan niyang sina Lazarus Zantiere at Drei Basch. Sa kasamaang palad kabilang din sina Sean at Greg sa mga tinitilian. Hindi ko nga alam kung bakit nasama yang dalawang pangit na yan.
"Wag nga kayong maingay. Sagutin ninyo na lang yan at pwede na din kayong lumabas". Saway ni Prof.
Nang tumungin ako sa relo dito sa classroom 20 mins pa lang ang lumilipas ah. Hanep talaga yang si Nick tatlong accounting problems yung binigay ni prof ang bilis niyang sagutan. Ako nga nasa kasalukuyan ko pa lang sinosolve yung pangalawang problem.
After ng 1st class ay balik na naman sa cheating arrangement. Kaya magkakatabi na kami ng mga kaibigan ko sa bandang likod na kami pumwesto. Si Nick naman nakapwesto sa kabilang dulo ng Classroom.
"Beshie ang swerte mo, nakatabi mo na yung crush mo. Kanina ko pa sana gustong sabihin sayo kaya lang busy ka naman sa pag drawing mo. Ikaw na! Uuwi na kami panalo ka na." Sabi ni Anais, isa sa mga beshies ko, mahaba ang buhok niya at medyo waivy na kulay blonde, half american kasi siya. Si Anais ang pinakamabait sa amin.
"O sige umuwi kang mag-isa mo at magsayang ka ng pamasahe ang layo pa naman ng bahay ninyo." Sabi ko na lang sa kaniya. Inirapan lang naman niya ako bilang sagot sabi sainyo ambait eh.
"Nakakahiya naman sayo Anais naka dorm ka na nga dito malapit sa school pero nale-late ka pa din no." Sita sa kaniya ni Corinne. Siya ang pinakabunso sa aming magkakaibigan pero parang tumatayo na siya ang pinakamatanda samin. She has a mid-shoulder length hair at Burgundy ang kulay nito. Pinangingilagan siya ng mga tao dahil nakaka-intimidate ang aura niya pero once na makilala mo na siya ay malalaman mo na mabait siya at madaldal.
"Wow!!! Coming from you Corinne nale-late ka din lagi.". Totoo naman talaga naka apartment din tong si Corinne at medyo malapit din sa school.
"Uyy di kami late ngayon ni Corinne ang aga kaya namin ngayon"
"Siyempre 1st day ganiyan naman kayo lagi ni Corinne every sem" nag peace sign na lang yung dalawa habang natatawa kaya nagtawanan na lang kami. Since freshmen kami, kami-kami na ang magkakasama.
"Pero Euphee aminin kinilig ka kanina no?" Si Natasha ang nagtanong. Kulot ang buhok ni Natasha na medyo mahaba din. Siya ang pinakawholesome na tao na nakilala ko (ehem).
"Hindi kaya" pagsisinungaling ko sa sakanila. And lastly me, ako ang baby nila sa grupo dahil alam ninyo na....... ako ang pinakamaliit at mukha daw akong baby....... kapag natutulog.
Bigla namang natawa si Sean.
"Weh? Huling huli kita nasa likuran lang ako ni Nick naka pwesto kaya narinig ko kayo. Bumanat lang naman siya ng pick up line sabi pa nga niya kung gusto mo pati puso ko sa------ aray ko naman Euphee! ". Bago pa tapusin ni Sean ang panggagaya sakin ay pinaghahampas ko na siya sa braso niya.
"Oo nga tawa kami ng tawa ni Sean buti na lang nakapagpigil kami hahahahahaha". Talagang sinang-ayunan pa siya ni Natasha.
Sina Sean at Greg naman ay------ wag na sa idescribe susunod na lang bwisit lang yang mga yan.
Pinagtawanan nila tuloy ako. Napilitan tuloy akong magkwento para i-explain yung nangyari pero lalo pa silang natawa at kinantiyawan pa nila ako.
Mabilis lumipas ang oras. Nagkataon na yung free time namin ay 12nn. May 2 subject pa kami pagkatapos ay uwian na. Pumunta kami sa canteen sa basement ng bldg. na 'to pero wala na kaming mapwestuhan.
"Guys ano sa mall na lang tayo kumain? Tutal 2 hrs. naman yung break natin." Tanong sa amin ni Corinne.
No choice na kasi talaga malamang puno na din yung ibang canteen lunch break kasi. Walking distance lang naman yung mall kaya okay lang na dun muna kami tumambay.
Habang naglalakad kami papunta sa mall ay nagtanungan kami kung saan kami kakain puro "kayo ng bahala", " kung san ninyo gusto", "kahit saan,okay lang" ang sagot. Sa huli sa Jollibee na lang kami kumain, si Sean na ang nagdesisyon para samin na madalas namang mangyari kumbaga siya yung may final say pag dating sa kainan.
Yung 2 boys at si Anais ang nag-order ng mga pagkain namin.
Tiyempo namang nahagip ng mga mata ko si Nick na lumabas sa mall. Malapit lang kasi yung Jollibee sa entrance ng mall. Kaya nagpaalam na ko kina Corinne at Natasha na magsi-cr lang pero ang totoo susundan ko lang si Nick.
Sinundan ko si Nick at huminto siya sa parking lot nagtago ako sa isa sa mga sasakyang nakaparada dito. Inangat ko ng kaunti yung ulo ko hanggang sa eye level lang para di ako mahalata. Silip silip lang baka makita ako eh.Nakita kong lumapit si Nick sa apat na mga lalaki. Ampapanget amputya.
Sa una nag-uusap lang naman sila ng maayos pero maya maya lang ay nagsusuntukan na sila. Naunang sumugod yung isa sa mga kausap ni Nick pero agad niya itong nailagan. Sumugod na rin yung iba naiilagan lahat ni Nick yung mga atake ng kalaban niya.
Maya maya pa ay umatake na rin siya sinuntok niya yung panga sapul si kuya kaya ayun tulog. Sisipain niya sana yung pangalawa pero nakaiwas ito. Akmang aatake ulit yung pangalawa pero naunahan niya ito. Nahawakan ni Nick yung braso nung kalaban niya at agad niya itong binigyan ng suntok sa tiyan... naks parang si Ippo lang ah. Napadaing sa sakit yung kalaban kaya napahiga ito. Sabay na sumugod yung natitirang dalawang pangit gaya nung una panay iwas niya lang sa mga yun. Nung nakakita siya ng pag kakaton tinandiyakan niya yung isa kaya napaatras ito sakto namang nasa likuran yung isa kaya nadamay sa pagbagsak. Mukhang malakas yung sipa ni Nick kasi tumilapon muna yung dalawa bago bumagsak eh.
Ayy tapos na? Sasali sana ako pero sa nasaksihan ko tama lang na hindi nako nakisali pa. Chicken na chicken lang kay Nick yung mga bakulaw na yun. Totoo pala talagang malakas siya mabilis niya lang napatumba yung apat na kalaban niya. Ni wala man siyang sugat o galos poging-pogi pa rin siya. Tatayo na sana ako pero biglang napatingin sa gawi ko si Nick kaya napaupo akong bigla sa pwesto ko. Pusang kinalbo nakita niya kaya ako?
AN:
May nagbabasa po ba nito?
Mag comment po kayo kung ano pong masasabi ninyo sa Chapter na ito.

BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
General FictionEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...