twenti tu

9 1 0
                                        

Euphee's POV

Hala! Anonamang nagawa ko at nagkakaganito siya? Hindi na nga siya masiyadong nagsusungit sakin nitong mga nakaraang araw eh. Bakit ngayon galit na naman siya.

Ibinigay nga niya yung susi ng Lamborghini ko kay Manong Guard. Base sa pakikinig ko kanina si Greg na ang bahala dun.

Walang masiyadong sasakyan kaya sobrang bilis ang pagpapatakbo niya.

"Teka lang naman pogi, pwedeng huminahon ka, wala tayo sa race track". Ang higpit din ng hawak niya sa manibela eh.

"Shut up!! And don't mention anything about that fucking race track" anong meron dun sa race track? Hindi kaya yung kiss? Ayaw niya kaya yun? Grabi naman.

"D- don't pout your lips! It's kinda annoying". Ang dami namang bawal.

Tumingin na lang ako sa bintana.
Maya maya lang ay naririnig kong nagsasabi-sabi siya.

"Nagri-ritual ka ba?"

"What?"

"Eh kasi bulung ka ng bulung diyan eh".

Tinignan niya lang ako ng masama at binalik niya na agad yung tingin siya sa daan.


Nick's POV

Fuck! Ang init ng pakiramdam ko. Tinodo ko pa lalo ang aircon.

"Huy, ang lamig-lamig na oh".

Napatingin ako sa kaniya. Lalong umikli ang damit ko sa kaniya ngayong nakaupo siya. Kaya na expose ang mapuputi niyang legs.

Fuck! Damn those legs!!

Binuksan ko na ang dalawang butones ng suot kong polo.

Napansin niya ata ang ginawa ko.

"Naiinitan ka pa sa lagay na yan? Naka todo na nga yung aircon mo eh. Kahit pa na may suot akong cardigan manipis lang to no. Hihinaan ko ah lamig na lamig na ako. Ang ikli pa naman nitong damit mo sakin."

"Wag!" Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" Hinawakan niya ang balikat ko.

Tinabig ko naman ito. Napapaso ako sa mga hawak niya kailangan ko siyang pigilan dahil baka makagawa ako ng hindi maganda sa kaniya.

"Don't fucking touch me!". Biglang lumungkot ang mga mata niya.

Nanahimik naman siya at tumingin sa bintana.

"Ibaba mo na ako diyan". Sabi niya.

"The fuck! Sa tingin mo hahayaan kitang makauwi ng ganiyan ang suot mo lalo pa at gabi na!"

"Basta ibaba mo na lang ako diyan sa tabi!". Humikbi siya.

"Fuck, are you crying?"

Inihinto ko ang kotse ko sa gilid ng kalsada.

Iniharap ko siya sa akin. Bahagya akong natigilan ng nakita kong umiiyak nga siya.

"Bakit ka ba nagkakaganiyan ha? Wala naman a-akong ginagawa ....sayo. Ang dami mo pang pinag....babawal. Ka-kanina mo pa rin ako sinisi...gawan at higit sa lahat kanina pa ko nilalamig. huhuhuhuhuhu!". Tuluyan na siyang humahulgol ng iyak. Tila nawala na lang lahat ng nararamdaman ko ng makita ko siyang umiiyak pati ang init na nararamdaman ko sa katawan nawala din. Kasalanan ko ba na lalaki lang ako?

Yinakap ko naman siya.

"I'm sorry". Lalo pang lumakas ang iyak niya. The fuck? Paano ko siya patatahanin. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na naapektuhan ako nang dahil sa suot niya.

The Leader: Nickolaus AidenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon