Euphee's POV
"Hey Euphee... Okay ka lang ba?"
"Ha?" Papunta kami ni Ben 10 sa Mall
"Ang sabi ko ano pa ba ang gusto mong kainin bukod sa spicy chicken ng KFC?"
"Sure!" nginitian niya na lang ako at hindi na kami nagka-usap pa.
Naalala ko na naman yung mukha ni Pogi kanina. Mukha siyang nalugi pero.... Baka namamalikmata lang ako.
"Ay Shit!" Buti na lang naka seat belt ako kung hindi
"Tang ina!!! Nasaktan ka ba Eupheemia?" Bigla kasing huminto sa pagmamaneho si Ben 10. May asul na Bugatti kasi ang humarang sa dinadaanan namin buti na lang wala kaming kasunod.
Wait...... Asul na bugatti? Isang tao lang naman ang kilala kong may bugatti.
Padabog na lumabas ng kotse si Benedict. Galit na kinakatok niya ang bintana ng bugatti.
Lumabas na din ako para pakalmahin si Ben 10. Malapit na kasi siyang maging si Heatblast.
"Tama na yan Ben 10. Hayaan mo na yan". Itinigil naman ni Ben 10 ang pagsigaw niya sa driver na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas.
"Pero Euphee. Muntik ka ng mapahamak. Kailangang malaman ng tarantadong to ang kalokohang ginagawa niya. Hoy!! Lumabas ka diyan sabi!". Pinagpatuloy niya ulit ang pagkalampag sa bintana ng bugatti.
Ilang sandali pa ay bumaba na rin ang driver na walang iba kundi si Nick.
"Ano bang problema mo Garcia?"
"She will not go with you so stay away from MY WOMAN".Pareho kaming natulala ni Benedict sa sinabi ni Nick kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon para mapaghiwalay niya kami. Tuluyan niya na akong kinaladkad papunta sa Bugatti niya.
Namalayan ko na lang na nakasakay na kami ng kotse niya. Unti-unti na ring nag bo-volt in sa utak ko ang nga sinabi niya kanina. Pinalo ko naman ang braso niya.
"What?!" Aba siya pa ang may ganang magalit ah.
"Ano ba?! Hindi ako pwedeng sumama sayo, naka oo na ako kay Benedict. Nakakahiya naman na iwanan ko siya dun. Pupunta daw kaming KFC." Kailangang magpabebe pero deep inside sasabog na ang matris ko sa sobrang kilig.
"You can't go with him, Boyfriend mo nga ako".
"Ako ba ay ginu-good time mo Nickolaus Antonius ha? Hindi ba si Shaine ang Girlfriend mo? May nakahalikan ka pa sa bar diba? Makaalis na nga. Ibaba mo na nga ko diyan sa tabi" huminto naman siya sa gilid ng kalasada. Aba! Masunurin.
Akmang lalabas na ako ng pihitin niya ako.
"Ano ba! Biti-hmmm" hinalikan na naman ako ng magaling.
Tuloy lang siya sa paghalik sakin pero nagpupumiglas ako.
"Hmmmph.. ano ba??! Kung makahalik ka parang shota na kita."
"Hindi naging kami. Paano mong nalaman na may kahalikan ako sa bar? Andun ka ba?" Shit!! Ba't ba ang daldal ko.
"Hindi no! Malakas ang sources ko pagdating sayo." Wooh! Mga palusot mo Eupheemia.
"Really?" Mukhang hindi siya naniniwala at kailangan ko pang mag-isip ng paraan.
"Ah basta bahala ka. Babalikan ko na talaga si Benedict yung manliligaw ko?" Biglang naman siyang nangunot.
"Sinasagot na kita". Ha????
"Hahahahaha.....N- nababaliw na ata ako" Tama nababaliw na nga talaga ako kung anu-ano na ang naririnig ko."
"Damn it! You're not the one that is Crazy, I am. I like you Eupheemia. I don't know when and how. And Fuck! you are not long legged and you're not even close to my Ideal Woman. Hell yeah I guess I am definitely Crazy."
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Fiksi UmumEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...
