Euphee's POV
Andito naman po kami sa may ilalim ng puno malapit sa quadrangle. Talagang pinanindigan nila ang panunuod ngayon sa practice ng soccer team kasi may mga pogi daw. Time out daw mu
na sa basketball players yung tatlo. Nagsawa ata sa pagmumukha ng mga ferson na nandon.Sina Sean at Greg ayun may training tuwang-tuwa nga nung sinabi naming pass muna kami sa panunuod sa kanila. Napapagalitan kasi sila sa coach nila. Paano ba naman hindi makapag concentrate yung mga players niya sa tatlo. Oo tama silang tatlo lang.. matino kaya ako. Kay Nick lang naman ang buong attention ko.
Hindi sana ako sasama sa tatlong 'to kaya lang sabi ni Anais kailangan ko ding magpa-miss ng konti kay Nick, as if naman mangyayari yun no. Hindi ko nga din siya masiyadong tinitignan sa classroom.
Hindi na naman kasi ako pinansin ni Nick. Inalok ko nga siya kanina ng pagkain. Eto ang nangyari.....
"Pogi eto oh Bingo masarap yan Choco-orange flavor" sabay abot sa kaniya.
Napa-aga na naman kasi ang pasok ko kanina kaya naabutan ko siya. Magkatabi pa naman kami every 1st and last subject.
Hindi niya ako pinansin..... kinuha niya yung earphones at sinaksak sa tenga niya atsaka siya yumuko sa armchair niya. Di bale magta-try pa din ako araw-araw. Napapansin kong nakabukas palagi ang bag niya kaya naman shinoot ko na agad para di niya ako masita. Tapos kapag uwian na nagmamadali siya laging lumabas ng Classroom.
Di ba? ma-mimiss ba niya ako sa lagay na yan?
"Mga beshie ang dami ding gwapo dito sa soccer team natin. Tingnan mo yung number 10 nakatingin dito sa gawi natin oh" sabi sa amin ni Corinne
"Oo nga no, shocks ang gwapo niya Corinne. Ano kayang name niya? Teka tignan ko lang yung garter ng panty ko kung andito pa". Ang loka loka naman sisilipin talaga ang panty niya pinigilan lang siya ni Anais.
"Baliw ka talaga Natasha". Sabi ni Anais na natatawa pa.
Hinayaan ko lang naman silang tatlo na mag-usap. Iidlip muna ako ng konti para makabawas ng bad trip ang daming quizzes at recitation kanina.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Shit! papunta dito yung bola!!!!!" mura ni Natasha. Naramdaman kong may mabilis na bagay na papunta sa min.Nagising ako at mabilis na sinalo ang bola gamit ang aking mga kamay. Shit!!! muntik nang tumama sa mukha ko.
"Uh... oh.. patay for the galit na ang ferson". Sabi ni Anais. Sinong hindi magagalit kung nakukuha mo na yung tulog mo at may istorbong gigising sayo?!!.
Maya maya ay dumating ang ilan sa mga soccer players sa gawin namin.
"Sorry miss napalakas yung sipa ko sa bola". Sabi ni no. 10 gwapo nga siya pero mas gwapo ng sampung beses si Nick.
"Ganun ba?" Sagot ko habang nakangiti.
"Lagot na talaga." Narinig kong bulong ni Natasha."Sige na mga kuya kunin ninyo na ang bola ninyo". Alam kasi nilang ayaw na ayaw kong nabibitin sa tulog.
Kinukuha ni Natasha yung bola mula sakin pero hindi ko binigay sa kaniya.
"Halika ka na Euphee umalis na tayo dito. Ibigay mo na yung bola nila." hinawakan ako sa braso ni Corinne para mailayo sana sa lugar na yun pero tinanggal ko ang pagkakawak niya. Hawak ko pa rin ang bola kaya naman binaba ko ito at sinipa ng malakas na naging dahilan para mapunta ito sa bubong ng storage room malapit dito sa quadrangle.. na may kalayuan din yun.
Napanganga silang lahat sa ginawa ko.
Umalis na ako sa lugar na yun at baka masuntok ko pa yung si Number 10. Hindi naman sila mahihirapang kuhanin yung bola.

BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Ficción GeneralEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...