Euphee's POV
Tok....tok... tok.....
"Momsy....tu...tulungan ninyo po si Nick Momsy. Huhuhuhuhu". Patuloy pa rin ako sa pagkatok ng kwarto nila Momsy.
"Anak, anong nangyari sayo? Bakit may dugo ka sa damit? Ayos ka lang ba anak? May masakit ba sayo?" Sinuri naman ni Momsy ang buong katawan ko. Umiling-iling naman ako sa kaniya.
"Si Nick po Momsy may tama ng baril. A-ayaw ninyang magpadala sa Ospital eh. Kaya sayo ko na lang siya dinala ". Yinakap niya ako para pakalmahin.
"Tahan na anak. Huminga ka muna ng malalim, okay? Ako ng bahala. Dalhin mo na siya sa basement."
"A-andun na po siya. Tinulungan po ako ni Mang Carding sa pagbubuhat sa kaniya. Ang bigat niya Momsy eh".
"O sige tatawagin ko lang ang Auntie mo. Kami na ang bahala".
Nagtapos kasi sa kursong medicine si Momsy at siya ang nagsilbing Company Doctor ng Boss nila ni Dadsy dati. Si Auntie naman ay graduate ng nursing pero mas piniling niyang mag manage ng rancho ng aming pamilya.
"Angela ikaw na muna ang tumingin sa kaniya. Bubuhayin ko lang ang mga makina." Utos ni Momsy kay Auntie habang hinahanda ang mga gamit ng kakailanganin niya.
"Ate may tatlong tama ng bala ang pasyente. Marami na ring dugo ang nawala sa kaniya. Kailangan niya nang masalinan ng dugo."
Nagsagawa ng test si Momsy at nalaman naming type A pala si pogi. Mabuti na lang at pareho kaming type A ni Momsy pero ako na ang nagvoluntaryong magbigay ng dugo.
Maswerte kami at halos kumpleto ang mga kagamitan dito sa Mini Hospital sa basement. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin kung bakit meron niyan dito sa bahay namin at kung bakit hindi lang gawing clinic talaga ni Mommy para magamit ang napag-aralan niya.
Ilang oras din ang inabot sa pangagamot nila kay Nick. Mag-uumaga na ng matapos sila. Mabuti na lamang ay mayroong kagamitan si Momsy dito.
"Anak wag ka ng umiyak. Okay na ang crushie mo. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya".
"Maraming salamat po sa inyo Momsy, Auntie. Magpahinga na po kayo. Ako na po ang bahala dito". Nakakahiya naman kila Momsy kung sila pa ang gagawa nun.
"Sige na anak, Angela halika na".
"Euphee, Behave". Si Auntie talaga nang-asar pa eh.
Naupo ako sa gilid ng kama. Shit! Asan ang hustisya bakit ang gwapo niya pa din kahit may mga pasa na siya.
Ano ba yan Euphee! May sakit na nga yung tao pinagnanasaan mo pa.
Pero bakit kaya siya sinusundan nung mga Mamang may baril?
Nick's POV
I woke up and saw two pair of hazel brown eyes staring at me.
"Kuya Pogi is already awake Elsie".
"Alam ko Kuya. Kita ko kaya".
Ang huling natatandaan ko ay nasa loob pa ako ng sasakyan ni Shorty. Tinignan ko ang buong paligid at mukhang nasa Ospital ako. Tsk. Sinabi ko namang ayoko sa Ospital.
"Kids why are you here in this Hospital? Asan ang Ate ninyo?" Hindi ba niya binabantayan ang mga kapatid niya?
"Ay nasa house po namin kayo Kuya Pogi, andito po tayo sa mini Hospital ni Momsy dito sa basement". Sabi sakin ni Paul.
Mini Hospital?
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Shorty na may dalang gamit.
"Hay nako mga panget nagising ninyo ata si Pogi eh".
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Fiksi UmumEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...