porti

5 0 0
                                    

Nick's POV

Pagpasok ko pa lang sa loob ay inundayan na ako ng suntok sa mukha ng Tatay ni Shorty.

"That's for kissing my Princess. Ayaw mong paawat eh". I must say malakas nga siya. Lumagabog yung pinto nung tumama ang likod ko. Talagang may mata siya sa bawat sulok ng bahay nila.

Magkamukha nga sila ng tatay niya. Kumbaga si Shorty ay ang girl version niya.

"Pogi. Buhay ka pa ba?!" Sigaw niya mula sa likod ng pinto. I shouted "yes" to her para hindi na siya mag-alala pa. Tsk. Black eye na naman, I guess I will not get another kiss for tonight.

"Paunang bati pa lang yan bata. Wala pa yan sa mga gusto kong gawin sayo. Simple lang naman ang larong to kapag natamaan mo ako kahit saang parte ng katawan ko hindi ako tututol sa relasyon ninyo ng anak ko." Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon para sumagot sinugod na naman niya ako ng suntok pero naiwasan ko na. Nabigla lang ako kanina kaya nakatama siya. Malakas pa man din yun.

"Magaling bata. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo." Puro depensa lang ang ginagawa ko ayoko siyang atakihin dahil nagpapa good shot ako sa kaniya may mga ilang tama din ako. Hindi ko alam kung papatulan ko ba ang alok niya. Mabilis kumilos si Mr. Brillante at malalakas ang mga atake niya.

"Tang ina ang boring naman! Bakit hindi ka lumaban bata?"Hinayaan ko lang siya at patuloy pa rin ako sa pag salag sa mga suntok at sipa niya.

Huminto siya at pumunta siya sa sulok kung saan nakalagay ang mga kunai at shuriken kumuha siya ng mga ilang piraso. Mukhang pahihirapan talaga ako.

Inihagis niya ang mga shuriken sa akin nailagan ko naman ang mga ito pero may tumamang isa sa pisngi ko. Fuck!

Sumugod siyang muli pero hindi ko siya linalabanan. Mukhang seryoso talaga siya. Kailangan kong gawin ang sinasabi niya para kay Shorty.

Nagsimula na akong umatake. Nag attempt akong suntukin siya sa tagiliran pero nasalag niya ito gamit lang ang kaliwang kamay niya at pinansuntok naman niya ang kanang kamay niysa sa sikmura ko.

Fuck! I felt that one.

Nagpatuloy lang ang pambubuno namin. Hindi ko pa din siya matamaan pero nakakarami na ako ng tama mula sa kaniya.

"Oh bata! Wala ka namang kwentang kalaban. Puro ka kasi gigil, mag-isip ka ng magandang paraan kung paano mo ako matatamaan" tinamaan na naman ako sa sikmura mas lalo lang ako nainis sa sinabi niya. Paano ko ba siya matatamaan?!

Wala ngang mangyayari sakin kung paiiralin ko ang inis ko. Kailangan kong mag focus. Bumalik ako ulit sa defensive mode at inobserbahan ang mga atake ni Mr. Brillante. Fuck! Bakit ngayon ko lang nalaman na may pattern ang bawat tira at galaw niya.

Naghihintay lang ako ng tiyempo para umatake. Susuntok na naman sana siya pero nakaiwas ako sa pamamagitan ng pag upo at pagsipa sa kanang binti niya. Tinipon ko ang lahat ng lakas ko kaya naman napaupo siya.

Hindi pa ako nakuntento sinipa ko pa siya sa tiyan kaya napahiga na siya. Biglang nandilim ang paningin ko. Susuntukin ko sana siya sa mukha ng natauhan naman ako sa ginawa ko kaya pinatama ko sa gilid ng ulo niya ang kamao ko. Nag crack naman ang puting tiles sa pagkakasuntok ko. Napatulala ang tatay niya sa ginawa ko.

Ano bang nangyayari sakin?!

"So-sorry po Mr. Brillante hi-hindi ko po alam kung bakit ko nagawa yun nandilim po kasi ang paningin ko pero sinubukan ko nama-" natigil ang pagsasalita ko ng ako naman ang sinuntok niya sa mukha kaya napaupo ako.

"Hayaan mo na, nagawa mo naman akong patamaan. Magaling ka bata pero may mailalakas ka pa, kailangan mo pang mag-sanay. Tang ina! ang sakit ng sipa mo ah, kung natuloy yung suntok mo na yun malamang yung bungo ko basag na". Tumayo naman siya at itinayo niya din ako.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon