Euphee's POV
"Huy!!!"
"Ay ano ba?! Aatikihin naman ako sayo Anais!" Kainis to nanggugulat. Tinawanan lang ako ng bwisit.
"May nasagap akong tsismis. Break na daw si Lorelei at Nick" sabi ni Natasha.
Yes!
"Hala di niya tinanggap yung suhol mo?" Tanong ni Corinne. Umiling ako sa kaniya. Hawak ko pa rin kasi yung inumin na bibigay ko sana kay Pogi.
"Yaan mo na nga hindi ko pa rin siya titigilan hanggang sa magwagi ang kagandahan ko."
"Dapat sinuggaban mo na agad ng kiss."
"Gaga ka talaga wag mo ko turuan ng mga galawan mo Natasha."
"Wag kang mag-alala di ko pa naman ginawa yan".
"Hay ewan ko sayo tara na nga at ng makauwi na. Kailangan ko pa ding mag-aral no". Sabi ko sa kaniya.
"Oo tama yan, aral na pagkatapos maglandi"segunda pa ni Natasha diba parang baliktad?
Dumeretso na sila sa parking lot samantalang kami ni Corinne ay sa Main Gate pumunta. Walking distance lang kasi ang Dorm niya at ako naman ay magko-commute. May kotse naman ako kaso tamad ako magdrive eh.
Dumaan muna ako sa mall. Bibilhan ko muna ng pasalubong ang kambal.
Hmmmm... alam ko na!! Cake na lang bibilhan ko. Mahilig sa Cake ang mga batang yun.After kong bumili ay umuwi na ako sa bahay. Papasok pa lang ako sa Gate ng....
"Ate!!!!" Sigaw ng dalawa.
"Hello mga babies. Behave ba kayo sa school?"
"Opo ate tignan mo meron akong seven stars". Pinakita sakin ni Paul ang dalawang braso niyang may mga tatak ng stars.
"Ako din po ate meron din ako five stars. Andaya ang dami nung kay kuya". Awww ang cute ni Elsie parang maiiyak na din siya.
"Di bale Elsie sa susunod galingan mo para madami ka ding stars kamukha kay kuya Paul. Dapat lagi kayong magtataas ng kamay kapag alam ninyo yung sagot sa mga tinatanong ni teacher. Para sakin pareho kayong very good ni kuya. Tignan mo both arms ninyo may mga stars oh."
"Oo nga Elsie. Tara ate tulong ka gawa ng homeworks namin" yaya ni Paul.
Sakto namang dumating si Dadsy nung tapos na naming magawa ang assignments ng kambal. Nag laro muna kami saglit at pagkatapos ay pumunta na kami sa dining area para kumain.
SCHOOOOOOLLLLLL.....
Pagdating ko sa classroom, nakita ko si Nick nakaupo na sa seat niya. Katabi ko nga pala siya ngayon sa 1st subject.
"Hello pogi ang aga mo ata ngayon ah" with matching smile mga besh.
Tinignan niya lang ako na parang sinasabi niyang wala-kang-pake. Ngumiti na lang ulit ako sa kaniya.
Linabas ko naman ang baon kong bingo cookies at kinain. Nakakadalawang pirasong bingo na ako ng inalok ko ang huling piraso sa kaniya.
"Eto oh. Gusto mo ba? Masarap to promise".
"No thanks". Maya maya pa ay narinig kong tumunog ang tiyan niya. Hala!! Gutom ang pogi. Agad siyang tumayo at lumabas ng classroom. Sinundan ko naman siya ng mabilis.
"Huy!! Teka lang pogi sandali lang naman. Nick!! Huy!!". Putya ang bilis tumakbo. Ano naman kayang problema niya at bigla siyang umalis ng classroom?
"Huy malapit ng magsimula yung klase bakit ka umalis?"
![](https://img.wattpad.com/cover/130865091-288-k256100.jpg)
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
General FictionEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...