Euphee's POV
Nagising ako at mukha ni Paul ang nakita ko.
"Momsy, Dadsy.... I told you Ate is Going to wake up soon".
"Paul wag kang maingay baka magising ang Ate mo" Boses yun ni Dadsy. Nakauwi na pala siya.
"No Dadsy, Ate is already awake na po."
"Yan din ang sinabi mo kanina Baby. Come here". This time boses naman ni Momsy ang narinig ko. Nakaupo sila ni Dadsy sa Sofa habang nanunuod sa TV.
Lumapit naman sa akin si Elsie.
"Momsy, Kuya Paul is saying the truth po. Ate is awake na po". Agad naman akong nilapitan ni Momsy at Dadsy.
"Kamusta ka na anak? Anong nararamdamam mo? May masakit ba sayo? Sabihin mo". Natatarantaang tanong ni Momsy. Hindi niya din alam kung anong una niyang gagawin.
"Na.. nau..uhaw po ako".
"Babe pahingi ngang tubig". Kumuha naman si Dadsy at pinainom nila ako.
"Anong nara?" Si Dadsy naman ang nagtanong ngayon.
"Wala naman na pong masakit Dadsy. Okay lang po ako Momsy".
"Mabuti naman kung ganun. Lalabas muna ako ha? Tatawagin ko lang ang Doctor". Tinanguan ko lang si Momsy kaya naman lumabas na siya.
"Pinag-alala mo kami ng husto anak. Akala namin ay mamatay ka na. Malapit kasi sa puso tumama ang bala. Mabuti na lang at iniligtas ka ng Momsy mo. Nakiusap siya na siya ang manguna sa pag-oopera sayo". Mabuti na lang at Doctor si Momsy. Ang galing naman ni Momsy pwede na siyang maging kasama ni Doctor Black Jack sa mga operasyon.
Dumanting din ang Doctor ko at sinabing kailangan ko pa daw mag stay ng mga ilang araw dahil may mga test pa daw silang gagawin sa akin.
Dinalan din ako ni Momsy ng makakain.
"Oy. Kamusta na? Nang dahil sa katakawan mo napahamak ka." Bahagya pa akong nagulat sa nagsalita.
Anong konek ng magiging matakaw . sa pagkaka ospital ko?
Siniko ni Lazarus si Drei kaya naman dumaing sa sakit si Drei.
"Don't mind this asshole Eupheemia. Okay ka na ba ngayon? Sabi kasi ni Sean ay pumu--------".
Bakit kaya wala pa siya? Hindi niya ba ako dadalawin? Oh kumustahin man lang? O kaya naman ka-----
Click!!
"Ay Shit!!! Ang sakit sa mata!!!!" Bigla kasi akong nasilaw.
"hahahahahaha. Nakakatawa ka sa sa picture. Mukha ka kasing tanga na nakatingin sa pintuan. Alam ko na!!! Inaantay mo kaibigan namin no? Iba talaga ang tama mo kay Nickolaus!!" Flash pala ng camera yun.
Sasapakin ko sana si Drei kaso biglang kumirot yung tama ko.
"Stop teasing her Drei. Hindi siya makakapunta. May importante siyang lakad".
Nawalan ako ng ganang kumain sa sinabi ni Lazarus.
"Sabagay, sino ba naman ako para pag-aksayahan niya ng oras? Hahaha. Hindi naman niya ako kaanu-ano."
"Maybe you're friends?" Sabi pa ni Drei.
"Ni hindi nga kami mag-kaibigan eh. Thanks for reminding me na wala akong papel sa buhay niya."
"Naaksidente ka lang humugot ka na. Pwede naman kasing ako na lang. Ako ang pinakagwapo, pinaka hot at pinaka macho sa aming tatlo". Nang dahil sa sinabi niyang iyon, sinapak naman siya ni Lazarus.
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
General FictionEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...