Euphee's POVSumilip ako ng kaunti para malaman kung nakita ako ni Nick. Shit! Nakita niya nga ako papunta na kasi siya sa gawi ko. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras tumakbo na ako para bumalik ulit sa loob ng mall pero sa kabilang entrance na ako dumaan. Nararamdaman ko na hinahabol niya pa rin ako. Hindi na ko lumingon pa sa likuran ko para di niya ako mamukhaan. Buti na lang lunch break kaya maraming tao sa mall. Binilisan ko na lalo ang pagtakbo papuntang Jollibee.
"Oh bakit hingal na hingal ka diyan? Sa CR ka ba talaga galing?" Tanong ni Corinne. Ang Hirap magsalita hingal na hingal ako eh.
"Ahh.....(hingang malalim) o-oo naman."
"Talaga lang ha?" Lakas talaga ng radar ng babaeng to.
Sakto namang bumalik na sina Sean, Greg at Anais. Nagtanong pa si Corinne sa akin at buti na lang nakumbinsi ko siya sa mga palusot ko. Si Natasha naman busy sa paglalaro ng games habang naka earphones kaya di niya narining ang pag-uusap namin kanina.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami agad sa classroom. Inaantok ako kaya pumwesto ako sa may bandang likod sumunod naman sila sakin at nagkaniya kaniya na ring upo.
"Hey wake up" sino naman kayang storbo to. Tapik pa rin ng tapik sa king braso kung sino mang epal to. "You should wake up now 'cause Atty. De Vega is here." Napabangon ako agad nung marinig ko ang pangalan na yun. Kilala kasing terror yang si Atty. Nambabagsak daw kasi siya lalo na kapag nahuli ka niyang nangongopya at tutulog tulog sa klase.
Wala siguro yung prof bago si Atty. Kasi last subject na to.
Saktong nakaupo na si Atty. Napalingon ako sa tabi ko kung sino ba ang gumising sakin. Nanlaki ang mata ko ng marealize kung si Nick pala yun.
Teka ang alam ko bago ako nakaidlip katabi ko si Natasha tapos nung makita ko nakaupo na ito sa harap ko. Sakto namang lumingon ito sakin ng may nakakalokong ngiti. Kaya sinimplihan ko na lang siya ng salitang 'pakyu with feelings' tawang tawa pa talaga ang gaga bago ibalik ang atensyon sa harap.
"Okay students. I will give you the topics that we will discuss next week blah blah blah......" di na ko nakinig kay Atty. Wala na rin ang atention ko sa kaniya dahil nasa tabi ko na si Nick.
Shit naman talaga magkakasala talaga ako sa lalaking to. Nakasuot lang naman siya ng white v-neck shirt na hapit sa kaniyang katawan at saka mga beshies yung mga maskels niya ohhlala!!! nag he-hello sakin oh.
"What are you doing?" Naman eh!!! Hindi ko pa nga siya tapos pagpantasyahan idedescribe ko pa na naka ripped jeans siya at naka-
"Hey woman, I said what are you doing?! Why is your face like that huh? Fuck!! Are you even listening?" Di naman siya galit habang sinasabi niya yan konti lang.
"Yeah" sagot ko habang nakatulala lang sa kaniya.
"You know what?"
"What?" Pilosopo talaga ako. Can't help it.
"Fuck!! Are you making fun of me?"
"Nope. I'm just staring"
"STARING IS RUDE WOMAN" diin niyang sabi.
"Nah. Staring is good. Especially if its you".
"Your creepy, you know that?"
"No. Im just pretty" okay!! Confidence level 2000%
"Whatever" sumuko na si pogi. Hindi niya na ko pinansin pa at humarap na lang siya kay atty.
Natapos ang klase sa law na wala akong matandaan ni isa
Nagmamadali namang lumabas si Nick ng classroom.
"Hoy gagang to. Lakas ng loob mong sagut-sagutin si Nick pinangalandakan mo pang tinititigan mo siya." Sabi ko na nga ba nakikinig tong si Corinne eh nasa harap ko silang tatlo nina Natasha at Anais. Yung 2 boys naman sa harapan nila.
"I'm so proud of you beshie. Ibang klase talaga yang utak mo. Sinong nagturo sayo niyan?" Pagdating sa kalokohan si Natasha ang maasahan ko diyan. Partners in crime talaga kami neto.
"Ikaw gaga. Nagtanong ka pa no?"
"Pakyu".
"Pakyu ka din" bawi bawi din pag mag time.
"Hoy! talagang dito pa kayo magmamaritess. Uwian na uy". Tawag samin ni Sean excited naman masiyadong umuwi to. Nakalabas na pala sila ng classroom.
"Maghintay ka gago! Atat ka? Atat?" Sigaw sa kaniya ni Natasha. Napakamot na lang sa ulo si Sean.
"Nga pala guys may raket tayo mamayang gabi birthday kasi nung anak ng amiga ni mommy." Sabi ni Anais
"Ayos pandagdag allowance din yan" tuwang tuwang sabi ni Natasha.
"Sino ba ang may birthday?" Tanong ni Corinne
"Si Drei Basch" sagot ni Arianne.
"Yung kaibigan ni Nick na may-ari ng School?" -Corinne
"Opo!!" High pitch na sagot ni Natasha.
"Okay, san ba gagawin?" Tanong ko naman.
"Sa Arcadios Hotel."
Hindi ko alam pero parang may mangyayaring hindi maganda. Hayaan ko na nga, baka natatae lang ako.
"Sa Hotel ninyo pala Greg" sabi naman ni Natasha.
Sina Greg ang may ari ng pinakakilalang Hotel dito sa lugar namin bukod pa dun meron din silang ibang branches sa iba pang lugar dito sa Pilipinas.
"Oo nga pala imbitado din kasi ang buong basketball team". Inform samin ni Greg. Miyembro rin nga pala ang dalawang panget nato. Andun din si Nick. Shiyet!! Nakaka-excite.
"Paano kita-kits na lang tayo maya maya dun. Wag ninyong kakalimutan wala ng matutulog sa pag-uwi ." ay grabe si Anais sakin oh. Tumingin naman silang lahat sakin.
"Hoy Sean ikaw tutulog tulog ka sa klase mahiya ka naman". Sisi ko sa kaniya.
"Wow! Talagang mandadamay ka pa".
Umuwi na yung dalawang boys sa mga bahay nila habang kami namang mga girls ay bumalik ng mall para makabili ng damit na maisusuot mamaya at didiretso na sa Apartment ni Corinne pagkatapos mamili. Siya na daw ang mag-aayos samin.
7 pm daw ang start nung party. Weh? Pusyahan alas oyso talaga. Buti na lang at sapat ang oras para maayusan kami ni Corinne. Pagka ganitong bagay talaga maasahan siya. Dark make up ang ginawa samin ni Corinne. Nagsuot din kami ng mga wig.
Nakasuot kami ngayon ng Discount victorian Dress.
Pagdating namin ay nandun na ang dalawang itlog. Infairness nagmukhang tao sila sa suot nilang three piece suit.
"Buti di kayo na late kasama ninyo ba naman yang sina Corinne at Anais". Pang-aasar ni Greg.
"Hoy ikaw Gregorio sasamain ka talaga sakin."
"Pikon ka talaga Anais"
"Mga bata tama na nga yan at pumasok na tayo sa loob". Sabi ko naman sa kanila.
"Hindi kami mga bata"/ " Siya lang lang isip bata" sabay na sabi nina Anais at Greg. Nauna ng naglakad ang dalawa pero bago yun sinapak muna ni Anais si Greg. Malamang tong dalawang to talaga magkatuluyan sa huli. Isang alaskador at isang pikon nice pair. Isa pa matagal ng may gusto si Greg kay Anais.
"Tama na nga yan isuot na natin yung mga mask para walang makilala satin". Sabi ko sakanila. Half mask lang naman ang mga ito. Trip lang kasi ni Natasha para may pagka-mysterious daw kami.
Sa back entrance kami dinala ng mga staff ng Hotel dun daw kasi pumapasok yung mga magpeperform. Pagkapasok pa lang namin ay kinutuban na namn ako ng hindi maganda parang may masamang mangyayari. Sana.....mali ang kutob ko.

BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Ficción GeneralEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...