twenti nayn

17 0 0
                                        

Euphee's POV

May pasok na naman at nandito kami sa Canteen para mag lunch.

"Beshie nakakatakot ka na. Bakit kanina ka pa nakangiti?". Tanong ni Anais.

Sino bang hindi ngingiti sa sinabi ni Pogi? Importante daw ako sa kaniya. Kailangan ku pang magpursigi sa panliligaw.

"Wala, masaya lang ako. Bawal na bang mag-saya?" Inikutan niya lang ako ng mata.

"Hindi naman pero sobrang creepy mo na. Baka mamaya mahanginan ka at tuluyang mabaliw". Si Corinne naman ang nagsalita.

"Hindi ka na virgin no?" Tinakpan ko ka agad yung bibig ni Natasha. Walang hiya talaga. Nasa Canteen pa man din kami.

"Gaga ka. Virgin pa ako no. Hinaan mo nga boses baka may makarinig sayo at isiping totoo". Binatukan ko pa siya pagkatapos.

"Aray. Pakyu ka!"

"Pakyu ka din".

"Tama na yan. Bunganga ninyo talagang dalawa". Saway samin ni Anais.

"Oh. Mga mahal na Prinsesa eto na ang mga pagkain ninyo". Dala dala na nina Greg at Sean yung mga kakainin namin. Ayos kainan na!!!


"Okay, may I have your attention? Okay" Putya naman! Istorbo naman tong si Ma'am. May quiz kasi kami ngayon sa subject niya. Nakalimutan ko tuloy yung formula na gagamitin sa problem nato. Ops! Bago ang lahat, gumuhit muna ako ng dalawang vertical line sa scratch ko. Pang 57 na okay na ito ni Ma'am.

"Alam naman natin na malapit na ang University Days natin at isa sa mga inaabangang Event ay ang Mr. and Ms. Rosilean".

Sa University of Rosilean nga pala kami nag-aaral at ipinangalan ito sa Great Grandmother ni Drei na si Rosile Basch.

"Isulat ninyo sa 1/8 sheet na yellow paper ang mga gusto ninyong maging representative natin hindi naman siya mandatory pero mas maganda kung magpass pa rin kayo ay isabay ninyo na din sa pag papasa ng answer sheet ninyo, okay? Any questions? Yes, Ms. Natasha?"

Bahala sila basta ako busy sa pagsagot may kahirapan pa naman itong quiz. Gumuhit na naman ako ng panibagong linya sa scratch ko. Yung okay na lang ni Ma'am ang pakikinggan ko. Wala akong pakialam sa mga magiging representative.

"Ma'am may Height requirement po ba?"

"Sa pagkaka alam ko wala naman. Sino pang may tanong? Yes, Alfred?".

May pinag-usapan pa sila na hindi ko na inalam pa dahil abala pa din ako sa pagsagot.

"Okay time's up pass your papers". Tumayo na ako para mag pass. Lilima na lang pala kaming natira.

"Oh, Ms. Eupheemia hindi ka magpapass ng boto mo?" Takang tanong ni Ma'am. Hindi ba sabi niya hindi naman mandatory.

Nginitian ko na lang si Ma'am at ipinasa ang papel ko sa kaniya.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko dahil siguradong magbubunganga na naman si Corinne dahil nahuli na naman ako sa pagsagot.

"Hahahahahahaha siguradong masaya to. Hindi na ako makapag antay sa U-days". Dinig kong sabi ni Corinne. 4 months from now nga pala ang University days

"Uyyy... anong lagay?" Bahagya pa silang nagulat sa sinabi ko. Ano naman kayang meron?

"Ah.... hehehe. Wa-wala yun Euphee halika na at ng makauwi, may gig pa tayo mamaya." Ay oo nga pala naimbitihan kaming magperform mamayang gabi.

Wala pa namang nakakakilala kung sino talaga kami. Si Anais nadin ang tumatayong Manager namin dahil siya ang kinokontak kapag may gustong kumuha samin.

The Leader: Nickolaus AidenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon