piptin

16 2 1
                                        

Nick's POV

I'm bored AF.... there's nothing to do in this house. Nakakasawa namang mag-bar at uminom lang. Not in the mood to hit some girls too.

Beep.......

Kinuha ko ang phone ko sa lamesa at tinignan kung sino ang nag text.

Drei:

Tol, tara sa race track.
SMS 10:30 pm.

Perfect timing din tong si Drei. Nag-reply naman ako sa kaniya na duon na ako didiretso.

Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko pa si Mom na nagbe-bake.

"Mom, why are you still baking at this hour? Gabing-gabi na." Nakasuot siya ng apron. Tinutulungan naman siya ng mga kasambahay namin.

"Your sister will come home tomorrow so I'm baking her favorite chocolate carrot cake".

"What? Serene is going home and you didn't even tell me?" Uuwi na pala siya.

"Oh, anong meron dito at nagluluto pa kayo?" Biglang nagsalita si Dad sa likuran ko. Mukhang kakagising lang niya.

"Alam ninyo na bang uuwi na si Serene bukas Dad?"

"Ano?! Ni hindi man lang nagpapasabi. Honey, alam mo na ba ang biglaang pag-uwi ng anak mo?". Hay nako mahilig talaga sa biglaan ang batang yun.

"I'm so sorry boys. We're keeping it a secret from the both of you, but I can't help it. My baby girl is going home tomorrow". Exicted pa na pagkakasabi ni Mom. Binalik niya ulit ang attention niya sa pagbe-bake.

Si Serene ang bunsong kapatid ko. Graduating na siya sa highschool. Bigla niya lang daw napagtripan na mag-aral sa US kaya duon siya nag highschool.

"Dad, I have to go. May lakad kami nina Lazarus at Drei".

"San ba lakad ninyo? Gabing gabi na".

"Car racing".

"Sige anak mag-iingat ka. Ako ng bahalang magpalusot sa Mommy mo." Dad is really kind. Sinusuportahan niya ako palagi at siya ang kakampi ko kay Mommy. Mas mahigpit kasi si Mommy kesa sa kaniya.

Paalis na ako ng bigla akong niya akong tinawag.

"Son, consider this as my early graduation gift" inihagis ni Dad ang isang susi. Sinalo ko na man ito at pagtingin ko ay nanlaki ang mata ko sa sobrang tuwa. May nakalagay kasi na Bugatti sa susi.

"Thanks Dad".

"You're welcome Son, just be careful kundi, pareho tayong lagot sa Mommy mo." Bahagya pa akong natawa kay Daddy.

"Yes Dad, I will".

Tinungo ko ang garahe at nakita ko ang Bugatti Chiron na kulay blue at black. Sumakay na ako at dumiretso na sa race track.

Magpapark pa lang ako pero agaw atensyon na ang bagong kotse ko. Pagkababa ko ay papalapit na sa pwesto ko yung dalawa.

"Nice car". -Lazarus

"Tol, wow!!! Bugatti. Ganda pa ng kulay." Kumento ni Drei habang sinisipat-sipat ang bagong kotse ko.

"Dad gave it to me. Early graduation gift daw."

"Bait talaga ni Tito. Sana ganiyan din Kabait lolo ko".Puro kasi kalokohan si Drei kaya hindi siya madalas pagbigyan ng  lolo niya.

"Nga pala tol, yung manliligaw mo astig talaga. Hayun makikipaglaban na".

Shorty?

"Sinong kalaban?" Tanong ko.

"Si Coltier." Fuck! Bakit sa lahat ng makakalaban niya ay si Coltier pa. Isa kasi siya sa pinakamagaling na racer dito. Minsan nga natalo sina Lazarus at Drei sa kaniya. Napunta kay Coltier ang Ferrari ni Lazarus at yung Porche naman ni Drei regalo sa kaniya iyon ng lolo niya pero naipatalo niya. Pero hindi umubra sa akin ang Coltier na yan. Nang linabanan ko siya ay nabawi ko ang kotse nung dalawa kaya naman tuwang tuwa sila. Minsan lang naman ako nakipaglaban dito at hanggang ngayon ay kinukulit pa din ako ni Coltier para sa isang rematch.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon