twenti wan

12 0 0
                                        

Euphee's POV

Gamit ko ang bagong Lamborghini ko papunta sa school.

Gaya ng laging ginagawa tuwing 1st day of school  puro pagpapakilala lang at nagdidismiss ng maaga ang mga Prof. Katabi ko si Nick sa lahat ng subject ngayon, (tili sa utak). Sabi ng mga prof eh graduating daw kami ulit kami kaya choose your own seat na. May mga pusit pa ngang nakikipag unahan sakin pero pinanlalakihan ko lang sila ng mata at wala na silang magagawa. Masama nga lang ang tingin nila sakin.

Hmph, wala akong pake sa inyo mga pusit, basta susulitin ko ang last sem ko dito.

At dahil may training na ang mga basketball players dun muna kami tatambay bago umuwi.

Pinagtitinginan kami habang naglalakad. Siyempre ganiyan talaga kapag mga diyosa.

Natatanaw ko mula sa entrance ng gym sina Lorelei tibay din ng mukha nito ah.

"Hoy, tumabi nga kayo diyan, nakaharang kayo sa daraanan ng mga diyosa" sabi ko sa kanila.

"Huh, you call yourselves diyosa?" -minion 1

"Hoy minion number 1 , bingi ka ba? Kakasabi nga lang diba? Tabi nga!" At tinulak siya ng bahagya ni Natasha.

"Bitch" bulong pa ni Lorelei. Hinayaan ko na lang siya.

Dirediretso lang kami hanggang sa maka-upo sa bleachers malapit sa mga players.

Nag s-stretching na sila. Andun din si Coach at nginitian namin siya, nginitian din niya kami pabalik. Ay good vibes na samin si Coach.

Sumunod din sila Lorelei at naupo sa kabilang bleachers. May mangilan-ngilan din na nanunuod bukod sa amin at may nag pa-practice para sa PE nila sa harap ng court.

Nagkaroon ng practice game ang mga players. Bago pa sila natapos ay ibinigay na samin ng mga janitor yung mga towels na may kaniya kaniyang pangalan ng mga players at yung mga inumin nila. Kami na ang nag-ayos ng mga yun.

"Great job Team, sana magtuluy-tuloy yang kasipagan ninyo hanggang sa darating na inter-school games".

"Yes, Coach". Sagot naman nila.

"Okay, magpahinga na muna kayo". Yun lang ang sinabi ni Coach at umalis na siya. May pupuntahan daw siya eh

Papalapit na ako para i-abot yung towel ni Nick pero bigla akong napatid at bumagsak sa mga nakahandang tubig.

"Beshie!!"

"Euphee!!"

SHIT! Nabasa yung damit ko!! Naka-white shirt lang pa man din ako. Double Shit talaga bigla akong gininaw dahil sa mga malalamig na tubig

Tinulungan naman akong makatayo ni Nick. Biglang nanlaki ang mata niya at kinuha ang towel ng pinakamalapit na team mate niya.

"Cover yourself with these, your colored brassiere is showing.". Napansin ko namang namumula ang tenga niya.

"Ay Shet!!" Nasabi ko pa bago ko kinuha yung towel at itinakip sa harapan ko. buti na lang siya lang yung nakakita pero nakakahiya padin. Nalaman pa niyang kulay purple yung suot kung bra!!. Siguradong pulang pula na ako sa hiya nito.

"Beshie okay ka lang ba? Ilang isda ang nahuli mo sa pagtulak sayo ng impaktang yun?" Bahagya silang natawa sa sinabi ni Natasha pero natigilan din sila nung naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila Lorelei. Tatawa-tawa pa sila ng evil minions niya. Hindi pala ako napatid more on PINATID ako ng babaeng to.

"Ano? Kamusta naman ang maligo sa malamig na tubig?- Lorelei

"Hmmm... okay lang gusto mong i-try?"

Inilahad ko ang kamay ko, alam na ng mga beshie ko ang gagawin kaya naman may nagbigay sakin ng isang basong tubig at mabilis na sinaboy sa mukha ni Lorelei.

The Leader: Nickolaus AidenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon