Euphees's POV
Alam ninyo yung feeling na naje-jebs na nasusuka?
Ngayong araw na ang pageant and at the same time magpe-perform ang banda namin para sa intermission number.
Hindi ako kinakabahan kapag sumasabak ako sa labanan at sa tuwing may gig kami. Pero ngayon... Hay ewan!
"Hoy!! Beshie halika na nakaready na ang mga gagamitin namin para ayusan ka mamaya." Nambibigla naman tong si Natasha buti na lang di ko nabatukan.
Tumango lang ako sa kaniya.
"Ano ba namang mukha yan beshie? Mukha kang shokoy na di matae" eh sa yun yung nararamdaman ko ngayon.
"Ayoko na dito. Uuwi na lang ako sa bahay. Ikaw na lang kaya sumali?" Sinabunutan naman niya ako kaya napa aray ako.
"Gaga! Ikaw ang napili. Panindigan mo yan. Isa pa ayaw mo bang makita ang jowa mo? Di ba magpartner kayo? Atsaka mamaya na ang face reveal natin". May magagawa pa ba ako?
Nasa back stage na kami ngayon at inaayusan na ako ng mga beshie.
Hiwalay ang dressing room ng mga babae sa lalaki. Kaya hindi pa kami nagkikita ni Pogi.
Ni text wala din akong natatanggap.
Biglang nandilim ang paligid ng dumating sa Lorelei at ang dalawang minions niya.
"I can't believe na ikaw ang ilalaban ng CBA department. Really? ang isang bansot at baboy na katulad mo isasali sa ganitong pageant? Ang dami namang qualified sa department ninyo ah." Nagtawanan naman ang halos lahat ng nasa backstage maliban na lang kami ng nga beshie ko. Nagsimula na ding magbulung-bulungan ang mga tao.
"Sa pagkakaalam ko walang Height requirement ang pageant nato. Regarding naman sa baboy ang beshie namin, well tignan na lang natin." Pagtatanggol sakin ni Corinne.
Hindi lang naman si Lorelei ang nagtataka kung bakit kasali ako sa pageant na to. Ako na naman nga ang topic ng buong University.
Ang dami ko ngang nadidinig na negative sa mga ka school mates ko at pati na rin sa mga ibang professors.
Well isipin nila gusto nilang isipin.
Puro parinig at panglalait ang ginawa ni Lorelei habang inaayusan siya ng baklang bakulaw niyang make-up artist nakuha pa nga nilang tumawa ng malakas.
"Anouncement lang po ano? Mag start na tayo in about 10 mins." Sabi sa amin ni President.
Casual wear muna kami ngayon. Simpleng black polo t-shirt lang at jeans ang suot naming mga contestant.Nginitian ako ni pogi ng makita niya ako. Shit talaga nga naman!!! Abot hanggang batok na ata yung ngiti ko sa kilig.
Pesteng six inches talaga to eh. Sanay na sanay naman akong magsuot nito kaya lang literal na tiis ganda ka. Sakit sa paa!
Pumasok kami ulit. Next kasi ay ang sportswear competion.
"Mga beshie m....may problema. In 15 minutes mag pe-prapere na tayo (Hingang malalim)......(exhale) Wuuuu!!!.. Pahinga muna ng very light..... okay! Intermission daw muna bago sportswear. Tinext ko na rin ang dalwang bugok". Hingal na sabi ni Natasha.

BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Ficción GeneralEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...