terti tu

5 0 0
                                    

Euphee's POV.

"Eupheemia..... Eupheemia halika na. Kapag hindi ka gumising hahalikan kita.". Mukha ni Four Arms este ni Benedict ang nasilayan ko paggising ko. Amoy alak siya kaya napabangon ako.

"Ano ba?!! Asan na ang 5 minutes ko!!!" Nakatulog na pala ako sa kakahintay kay ben 10.

"Shhh! Wag kang maingay" bulong naman niya sakin. Sorry naman.

"Uminom ka no? Teka lang bakit may pasa ka na naman sa mukha?" Namamaga na kasi ang kaliwang pisngi niya.

"Konti lang, hindi ako lasing pero kailangan ko ring uminom para naman kapani-paniwala. Tungkol naman dito sa pasa ko, nakipag sparring pa ako sa mga ayaw pang matulog". Kaya naman pala.

"Halika na Aoki tumakas na tayo" Nagkamot naman siya habang tumatakas kami.

"Pwede namang si Itagaki bakit si Aoki pa?" Tinawanan ko na lang siya habang kumukuha ng baril sa mga taong tulog. Meron akong nakitang apat na lalaking nakabulagta. Eto siguro yung mga ka sparring niya.

Nakarinig kami ng mga yabag mula sa pinto kaya agad akong hinatak ni Benedict sa likod ng mga kahon. Tsk. As if naman hindi kami makikita dito no?

"Boss tulog po lahat ng nandito".

"Ano? Hanapin ninyo yung babae. Gisingin mo din ang mga tarantandong yan. Halughugin ninyo ang buong lugar siguradong andito pa ang babaeng yon!"

Hinila ako ni Benedict at nagtago kami sa likod ng mga Case ng mga beer. Dealer pa ata ng beer si Mr. Mendez.

Naghintay kami ng pagkakataon para makalabas sa pinto at ng makakita na kami dali-dali kaming umibis ng takbo.

Naramdaman ko na merong papalapit samin kaya naman inunahan ko na siya.

Bang!

"Hayun. Hulihin ninyo at dalhin ninyo siya sakin. Wag ninyo siyang papatayin".

"Benedict marunong ka naman sigu-----" wala na siya sa tabi ko at nasa kalaban na siya. Nginitian niya naman ako. Pwede namang kindat na lang.

"Walang magpapaputok. Ako ng bahalang magdala sa kaniya kay Boss".

"Hoy ikaw! Bitawan mo yang baril mo at wag kang magpupumiglas kundi sasabog yang utak mo. Naiintindihan mo?" Agad kong binitawan ang baril na binigay ni Ben 10.

Itinali ng isang panget ang kamay ko. Hindi yun mahigpit kaya kumpiyansa akong makakatakas ako. Tinutukan niya ako ng baril sa ulo ko kaya naman na alarma ako. Bahagya akong nginitiang muli ni Benedict.

"Hoy Tisoy. Wag ka ng magpacute diyan. Mamamatay na rin naman yan. Dalhin na natin yan kay Boss".

Putya wala bang elevator sa building na to? Kanina pa kami umaakya eh. Feeling ko na 7th floor na kami.

"Matagal pa ba? Masakit na kaya yung mga paa ko!" Hindi ko na napigilang magreklamo.

"Manahimik ka kung ayaw mong tamaan. Puro ka reklamo! Hala sige lakad!" Bahagya pa niya akong tinulak, ayos ding umarte si Benedict pang MMFF.

Inikutan ko na lang siya ng mata.

Sa wakas nakadating din kami.

"Talian ninyo din yang si Perez. Akala ninyo siguro hindi ko malalalaman na magkasabwat kayo" Hinatak nila si Benedict pero nanlaban siya. Nakita kong babarilin siya pero nahuli na ako tinamaan siya sa may kanang balikat niya.

"Ben!!!!! Mr. Mendez tumigil ka na!" Hindi niya ako pinansin at lumapit siya kay Ben 10.

"Ikaw ang pinakapaborito ko sa lahat Perez kaya bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Ikaw na ang papatay sa Babaeng yan". Bakas sa mukha ni Ben 10 ang pagtutol sa utos ni Mr. Mendez habang inaabot sa kaniya ang baril.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon