Euphee's POV
Dumaan ang Pasko at magbabagong Taon na naman.
Andami ko ngang natanggap na regalo eh. May magaganda at may nakakabwisit.
Si Greg at Sean kasi rinegaluhan ako ng tig-isang bote ng Cheriffer at apat na box ng slimming coffee. Ibinato ko nga sa pagmumukha nila. Ayun yung mga hayup imbes na masaktan natawa pa.
Si Uncle naman tinupad yung nasa wish list ko. Nakalagay kasi dun na lagi siyang kakain ng Gulay at iinom ng gamot niya. Matigas kasi ang ulo ni Uncle Steve.
Si Auntie Angela, mamahaling bag ang regalo.
Sina Momsy at Dadsy naman Trip to Jerusalem este sa Tokyo ang regalo nila kaya sa Japan kami nagpasko.
Yung beshie ko puro mga damit na kinulang sa tela at ilang pirasong sexy Lingerie ang iniregalo sakin. Nung tinanong ko kung para saan yung mga yun ang sagot lang nila ay para daw sa Future ko yun. Mga advance mag isip.
Yung Boyfriend ko naman ayun wala pang regalo. Yesss sarap sa pakiramdam na jowabels ko na si Pogi. Nasa Spain pa din sila hanggang ngayon. Dun sila nag bakasyon. Miss na miss ko na nga siya eh. Ni ha ni ho wala akong balita sa kanya dun. Baka nambabae na yun? Subukan niya lang talaga at may mapuputol.
"Anak labas na. May isa ka pang regalo na naghihintay sa baba". Bigla akong na excite sa sinabi ni Momsy hindi ko alam kung bakit pero nag-ayos muna akong sarili ko bago ako bumaba sa Sala namin.
Pagdating ko sa sala ay naabutan kong nakikipagkulitan na si Nick sa kambal.
"Anong ginagawa mu dito? "Nag galit-galitan pa ako pero deep inside masayang-masaya ako.
Iniwanan niya ang kambal na busy na sa pagbubuklat ng mga regalong dala niya at lumapit siya sa akin para yakapin ako.
"I want to surprise you. Hindi mo ba ko na miss?"
"Hindi" hinalikan niya ako. Noong una hindi ko sinasagot ang mga halik niya pero kainis! Hindi ko na kinaya kaya bumigay na ako. Lumalalim na ang bawat halik niya sa akin. Talagang sabik na sabik si Pogi sakin.
"Hoy!!!! Itigil na yan! Pambihira may mga bata dito Oy!" Agad ko siyang itinulak. Nakalimutan namin na may kasama pala kami. Nakita kong tinakpan nila Momsy at Dadsy ang mata ng dalawang bata.
Nakita ko na natawa lang si Nick at parang wala lang sa kaniya ang nangyari samantalang namumula na ako sa sobrang hiya.
"Babe hayaan mo na sila. Na miss lang nila ang isa't-isa. Halina kayo at ng makakain na mamaya na yung putukan". Pinanlakihan ko ng mata si Momsy sa sinabi niya.
"Babe anong Putukan? Hindi! Hindi ako papayag! Bata pa ang panganay ko. Saka na ang apo kahit gusto ko pa ng baby ulit dito sa bahay." Lupa bumuka ka na at lamunin mo na ako. Hiyang-hiya na nga ako na nahuli kami tapos dadagdagan pa ni Dadsy at Momsy.
"Ano ka ba naman Babe? Hindi ba mamaya ng ang Putukan? Sasalubungin natin ang bagong taon. Kung anu-ano na naman ang naiisip mo. Wag kang mag-alala magkakababy na ulit dito sa bahay". Mabilis na kinwelyuhan ni Dadsy si Nick.
"Ikaw lalaki ka, pinayagan kita na maging nobyo ng anak ko pero binuntis mo na agad! Inosente pa ang anak ko pero dinungisan mo na. Babe yung Shotgun ko dali akin na. A-aray ko naman! Bakit na naman ba Babe?". Sinapak kasi siya ni Momsy kaya nabitiwan niya si Nick.
"Babe naman hindi ka ba nahihiya sa mga anak mo at nakikita nilang bayolente ka? Hindi ang anak mo ang buntis. Ako ang buntis! On the way na si baby number four. I'm six weeks pregnant Babe. Natupad ang hinihiling mo Eupheemia." sa sobrang tuwa ni Dadsy at binuhat niya si Momsy at inikut-ikot niya pa.

BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
General FictionEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...