Nick's POV
Naka convoy kami at kami rin ang nauuna. Itinuro niya naman ang daan halos isang oras din ang binyahe namin.
Mayamaya pa ay nakakita ako ng isang malaking karatula na 'Welcome to the House of Joy' natatanaw ko na rin ang isang malaking Bahay.
"Is this an orphanage?" Tanong ko sa kaniya.
"Yup.. doon mo na lang sa tapat ng puno i-park".
Bumaba na ako at pumunta sa kabilang pinto para pagbuksan siya. Sakto ring nakapark na silang lahat. Tinawag naman kaming lahat ni Shorty.
"Boys pwede bang paki dala yung mga Groceries na binili kanina nila Corinne at Anais" kaya pala wala yung dalawa kanina sa Arcade, yung nililigawan lang ni Lazarus ang kasama niya kanina sa Crane game.
"Kami na ang bahala sa mga Stuff toys na nakuha ko magaan lang naman yung mga yun eh"
Kumatok siya at isang madre ang nagbukas ng pinto para sa amin.
"Hello po Mother Cecilia".
"Aba ito ba ang mga kaibigan mo Eupheemia? Aba ay...kegaganda at kegagwapo naman pala talaga nila. Pasok kayo".
Pumasok naman kami at isa-isa kaming ipinakilala ni Shorty kay Mother Celia.
"Nasa garden po ba ang mga bata Mother?" Tanong niya.
"Oo Hija. Kasama nila ang Nanay Alyssa mo. siguradong matutuwa ang mga bata kapag nakita kayo."
"Eto po pala yung mga Groceries Mother pasensya na po kung ito lang po ang dala namin hindi po kasi namin alam na dito kami dadalhin ni Euphee". - Sean
"Sa susunod po Mother dadamihan namin. Promise po yan" - Anais
"Naku! Sobra sobra na ang mga ito. Sumunod na kayo at ng mapuntahan na ang mga bata. Siguradong matutuwa sila sa mga dala ninyo".
Sinundan namin si Mother Cecilia hanggang sa may garden.
"Mga bata andito ang Ate Eupheemia ninyo at kasama niya rin ang mga kaibigan ninya".
"Ate Beauty!!!"
"Ate!!"
"Yehey bumalik na ulit si Ate Beauty".
Beauty? Lakas talaga ng confidence ni Shorty.
Lumapit siya at dinumog ng mga bata si Shorty mukhang madalas siyang pumunta dito.
"Mga Hijo at Hija kayo na munang bahala sa mga bata mag me-merienda ka kasi kaya magluluto muna kami ng makakain.".
"Sige po Mother, samahan ko na po kayo sa pag-aayos. Mga Hijo, Hija kayo na muna ang mag-alaga sa mga bata. Mababait naman sila".
I bet she's the lady that Mother Cecilia is Talking about.May lumapit na batang babae kay Shorty at tumalon talon habang nakataas ang kamay.
"Ate Beauty buhat mo po ko dali!" Binuhat naman niya ang bata.
"Wow! bumigat na ang baby ko. Mukhang sinunod mo si Ate Beauty ah. Pakiss nga. Mmmmuwahh" napahagikgik naman ang bata.
"Very good po ako Ate Beauty madami na po akong kumain, pati po gulay kumakain na ako.".
"Ay galing naman ng Baby Mariel ko ng dahil diyan may ipapakilala si Ate sayo".
Lumingon siya sa gawi namin at sinenyasan niya kaming lumapit.
"Sila po ba yung mga friends mo Ate Beauty?" Tanong naman ng isang batang lalaki
"Oo Kokoy sila sina Kuya Nick, Kuya Sean , Kuya Greg, Kuya Drei, Ate Anais, Ate Corinne at Ate Natasha". Nag Hi naman sila sa mga bata at lumapit na din kami.

BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Fiksi UmumEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...