Chapter 3: Dakilang Fuccboi

9.6K 230 19
                                    

"Sorry, may lakad ako." Sagot ni Aki, kaya napangiti ng mapait si Allyson. Hindi yata umepekto ang charm nito ngayon sa kanya. Napangisi ako. Not all the time naman kasi ay makukuha nila si Aki sa pagpapaganda o pagpapasexy lang. Sabi ko nga, nambababae lang siya, tuwing siya ay nalalango sa alak.

Mukhang alam ko kung saan ang lakad niya. Yes! Sasama ako.

"Excuse me." Aki said before he left the dumbfounded woman. Napangisi na parang hindi makapaniwala si Allyson bago nito ako pinansin. Tuluyan nang pumait ang ngiti nito.

"What are you ㅡ "

"Sorry, may lakad din kasi ako e." Sabi ko agad kahit alam kong iba naman dapat ang itatanong niya. I flashed a grinning smile at her. Pinahabulan pa niya ako ng matalim na tingin bago ako umalis.

I ran the exit door at hinabol ko si Aki nang makita kong nagpapalit na sila ng Valet sa driver's seat ng Mustang niya. Bago pa man niya ito ma-i-lock, nakaupo na ako sa passenger seat.

Nagulat siya o.

"Tara na!" I smiled from ear to ear, para sa kanya, pero pawang lamig lang ang ipinaramdam niya sa'kin. Ang lamig na nga lang dito sa loob ng kotse niya e.

Tila nag-isip pa siya ng ilang segundo bago niya tuluyang pinatakbo ang sasakyan sa daan patungong South Luzon Expressway. Sabi ko na nga ba, hindi niya matitiis na hindi puntahan ang mga kapatid niya at ang parents niya ngayon. Good.

Wala imikan habang nasa daan kami. Siguro after 30 minutes saka pa lang ako nagkalakas-loob na dumaldal, nung dire-diretso na ang takbo ng sasakyan at wala na kami sa traffic na hi-way ng Metro Manila.

"Isa ba sa mga babae mo si Alysson?" Ganito ang unang tanong na pumasok sa isip ko kanina pa at lumabas na ngayon sa bibig ko. Kung isa nga ito sa mga babae niya, ba't di niya na lang gawing girlfriend, tutal maganda naman ito. Marami ngang nagsasabi sa opisina na bagay sila. Parehong cold at masungit. Haha.

"Gaano na ba kadami ang naging babae mo?" Napatingin ako sa kanya. He is just quietly focusing on the road. Alam kong wala siyang balak sagutin ang mga ganitong klase ng tanong ko. Wala naman akong ibang ma-open na topic na alam kong magiging interested siya. Tahimik lang naman siya sa lahat ng oras. COLD pala.

"Masaya bang maglasing tapos mag-uwi ng babae?"

"Ilang babae na ang naiuwi mo sa bahay mo?"

"May naka-one night stand ka na bang maitim ang singit? How about pangit?"

Tanong lang ako ng tanong, kahit wala akong makuhang sagot. Para lang akong nakikipag-usap sa hangin.

Isang taon na din siyang ganyan, sanay na ako kahit papano. Iniintindi ko na lang. Anu pa't kaibigan ko naman siya mula pa pagkabata. At kabilin-bilinan ng Papa ko na huwag na huwag akong magpapakita ng galit dito kay Aki. 

"Nag-eenjoy ka ba sa ginagawa mo?" Muli kong tanong. Hindi kasi ako makatiis na hindi magsalita.

"Kung hindi ka lang high-profiled, alam mo kung ano'ng itatawag sa'yo?... Isang dakilang FUCCBOI! Ha Ha!"

Abala ako sa pagtawa nang maramdaman kong pumreno ang sasakyan. Huminto kami sa tabi ng lugar na puru matataas na damo lang ang makikita at mga puno ng saging sa di kalayuan.

"Bumaba ka na." Sabi niya. Walang bahid ng galit sa kanyang mukha kaya lang ay napakadilim no'n. Seryoso siya sa pagpapababa sa'kin.

"Teka ㅡ" napatingin-tingin ako sa paligid at sa likuran. "Malayo pa naman yata tayo sa Quezon ㅡ."

"Baba." He coldly and mightily uttered again. Looking at the side of his sobersided face, alam kong wala akong choice kundi bumaba. Kahit magpakatigas ako dito na parang bato at pilitin siyang gawin to sa'kin, hindi niya ako pakikinggan.

"Isusumbong kita kay Papa ㅡ"

"Baba na."

Napa-pout ang labi ko. Pigil-hininga kong binuksan ang pinto at saka lang ako huminga ng maayos nang makababa na. I closed the car's door. Tapos, ayun, pinaharurot na niya ang sasakyan.

Iniwan talaga ako dito, t***-ina niya!

Lupaypay ang mga balikat kong naghintay ng bus o kay FX na daraan na pwede kong sakyan hanggang Lucena. Badtrip. Dapat pala hindi na ako sumabay sa kanya. Nag-drive na lang sana ako ng sarili kong sasakyan.

Nayakap ko ang aking sarili nang maramdaman ko ang malamig na hangin. Tanghali pa lang a. Uulan na agad?

"Badtrip talaga." Nagsisimula nang pumatak ang ambon. Mukhang uulan pa ng malakas. Tapos binubusinahan ako ng mga dumaraang pribadong sasakyan, maybe because I'm wearing a mini pencil-cut skirt. Syet. Mga bastos!

Sana may bus na!

Itinaas ko ang aking sling bag upang takpan ang ulo ko nang bumuhos ang ambon.

Di nagtagal, narinig ko ang pamilyar na ugong ng Mustang ni Aki na papalapit. Hm? Napatingin ako sa kanan at nakita ko iyon ㅡ bumabalik, tapos mabilis na lumagpas. Ay. Baka iba yun. Pareho lang sila ng kulay pero di ko kasi kabisado yung plate number niya.

Maya-maya'y narinig ko na naman ulit, so napatingin naman ako ngayon sa kaliwa ㅡ that same Mustang is getting nearer and nearer and ㅡ ow, huminto mismo sa tapat ko.

Nag-U-turn lang kasi.

Binuksan ko na ang pinto at mabilis na pumasok, nang may ngiti sa labi. Nakita ko agad-agad ang cold expression ni Aki.

Tinusok ko siya ng isang daliri sa may tagiliran. "Ihh~ Hindi mo naman pala ako matiis." Hindi siya nag-react. Naubos na yata ang kiliti niya.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon