Pagdating ko sa bahay, naghanap agad ako ng air freshener at pinabango ang paligid. Then I took a half-bath, mabilisan lang. Ilang minuto akong nanatili sa closet habang nagde-decide kung ano ang isusuot ko ㅡ sleeveless at mini shorts? Mahabang t-shirt? Daster? Pajamas? Pambahay na dress? Kinalkal ko ang closet hanggang sa mahanap ko ang mga nakatuping nighties na binili namin ng bestfriend kong si J-Lo sa Tutuban mall noong nakipagsapalaran kami doon last Christmas. Naka-sale kasi yang mga 'yan kaya tinodo namin ang pamimili. Kaso, di naman ako mahilig magsuot ng nighties. Apat na buwan na tong nakaimbak lang dito.
But I think I can use this now. Try ko nga itong black.
Habang nagbibihis ako, nagpapabango, nagpapaganda, pasulyap-sulyap naman ako sa phone ko dahil baka may mag-text. May 30 minutes na siguro ang nagdaan mula nung makarating ako dito, pero wala pa si Aki. Wala pa din akong na-received na reply mula sa kanya.
Paano kung magkasama na sila ni Marikit?
Hindi. Think positive lang ako. Maya-maya nandyan na siya.
But I fell asleep without eating dinner. Nung magising ako, ala-una na ng madaling-araw. Paksyete. Walang dumating na Aki! Kawawa ka naman, Juno Althea. Di ko na nga siya naakit, mukhang di ko na rin siya maaakit.
Di bale na nga. Si Papa lang naman ang may gusto nun e. Di si Papa na lang ang umakit sa kanya!
Because I'm starving, I got out of the bed and walked out of my room to the mini kitchen. Nagpakulo ako ng tubig. Nagluto ako ng seafood noodles. Nagtimpla din ako ng gatas, tsaka ako kumain. I spend more than 30 minutes in the kitchen before I decided to sleep again after toothbrushing.
Papatayin ko na lang yung ilaw nang tumunog ang doorbell.
Huh? May bisita ako at this hour of the morning?
Who's that doraemon?
Lumabas ako ng kwarto, pero nag-alinlangan akong buksan ang main door dahil biglang dumaan sa isip ko ang salitang Sweeth3art. O Diyos ko! Dahil sa mga text na yun nitong mga nakaraang araw, napa-praning ako. Hindi ako natatakot sa taong yun, kaya lang, hindi ko din alam kung ano'ng kaya nitong gawin.
Bubuksan ko ba ang pinto?
Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang tumunog na naman ang doorbell. Shocks! Sino ba 'yan kasi?!
Tumingin ako sa maliit na monitor kung saan makikita ang ganap sa labas ng pintuang yan. Ayun naman pala e. Minsan, tanga lang talaga ako.
Nasa labas si Aki, at may kaakbay na babae.
HAH?!
One. Two. Six. Nine. Ini-unlocked ko agad ang pinto at dali-daling binuksan iyon.
Tumambad sa harapan ko ang dalawang taong naghahalikan. Pero sa halip na takpan ko ang mga mata ko dahil bata pa ako, my eyes widened. Napalunok din ako.
Di nagtagal tumigil sila. Aki's reddish drunk eyes pointed at me and he smirked.
Napatingin ako sa babaeng kasama niya at umaalalay sa kanyang katawan. She's skinny and white. Her hair is long black with gray highlights. Nakasuot ito ng two piece dress na kita ang tiyan at pusod. Hindi ko ito kilala.
So, after Marikit Dumagit, iba na naman?
"Kelan ka ba titigil?" I unconsciously asked before Aki's body embraced mine. Dahil nga sobrang lasing siya, lahat ng bigat niya pinasan ko. Pasalamat siya't malakas ako ha.
Itinaas ko ang ulo ko sa may balikat ni Aki upang makita yung babae. She's confusedly looking at us.
"Who are you?" Taas-kilay na tanong nito. Nilagay ko lahat ng bigat ko sa paa at binalanse ng maayos ang aking katawan upang hindi kami bumagsak ni Aki sa sahig.
"I'm the one who should ask that. I'm his wife." Kung siya isang kilay ang nakataas, ako dalawa. Mas mataray din ang tonong ginamit ko.
Ngumisi siya, mukhang di naniniwala. "If you're his wife, then, where are the rings?" Tanong niya sabay tingin sa mga kamay ko nakayakap sa likuran ni Aki.
Ngumisi din ako, akala niya ha.
"Ow, c'mon. Don't be so demanding. Shut up ka na lang, ha? Alis na!" Sinipa ko ang pinto upang maisara na iyon. The banging sound of it rolled all over my place. Sana nabingi yung babae.
Lalong bumigat ang pasan ko nang makapag-concentrate na ako kay Aki.
"Syet ka naman. Ba't di ka dumiretso sa kabila?"
"May dala ako...ng... ah... gamots. Masakit... pah bah?"
Nanlaki ang mga mata ko at bahagya ko siyang naitulak nang bigla-bigla na lang niya akong hawakan sa may puson. Buti na lang pader ang nasa tabi niya kaya hindi siya natumba, nakaya rin niyang balansehin ang kanyang katawan.
"Tch. Sa tagal mo, patay na ang pasyente mo." I told him when I recovered my senses from what he just did.
Aki forcefully opened his eyes. But because he's so drunk, papikit-pikit din siya.
Nanigas ang buong katawan ko nang hawakan niya ang braso ko at hinila ito upang ako'y madikit sa kanya. Tumungo ako dahil sa ilang.
Amoy na amoy ko yung ininom niyang alak. At amoy na amoy ko din yung perfume sa katawan niya. Kung ano kasi ang suot niya kahapon ng umaga, yun pa rin hanggang ngayon. Pero hindi siya mabaho. Amoy-alak nga lang.
"Thea..." Napaangat ako ng ulo. Buti naman, kilala niya kung sino'ng kasama niya ngayon. But this is the first time he called me by my nickname ㅡ first time... in a long time.
"Sorry." Sambit niya.
I got puzzled. He is sorry for what? Wala naman siyang kasalanan sa'kin.
Abala ako sa pag-iisip ng magandang dahilan kung bakit siya nagso-sorry, nang dumapo ang mainit na palad niya sa pisngi ko. Although, half-opened, pi ilit niyang huwag pumikit at tumitig lang sa mga mata ko. We locked gazes.
"Ang ganda mo, Thea..."
Dahan-dahang gumalaw ang mukha niya palapit sa'kin. Napaka-slowmo. Hindi ako makagalawa dahil ina-anticipate ko din ang maaaring sumunod na mangyari. Kaylapit na ng labi niya. Sobrang lapit na. I shut my eyes closed nang isang pulgada na lang...
Tapos nakaramdam ako ng mainit at maamoy na likido na bumuhos sa aking kamay hanggang sa paanan. Sh**.
Aki naman o! Mahina pa naman ang sikmura ko sa mga nakakadiring bagay.
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficción GeneralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...