Chapter 32: Nagkakagulo na naman sila

6.2K 177 16
                                    


Hindi binitawan ni Aki ang kamay ko. Nanatili lang din ako sa kanyang tabi. Magkakaiba at magkakahalo na naman ang emosyong nararamdaman ko. Bakit ba niya ako laging binibigla? Hindi pa naman kami pero bakit niya sinabing girlfriend niya ako? Hay. He is making confused and exhilarated. Mukhang hihimatayin na naman ako.

The woman in front of us smirked, pero nag-lie low na rin naman ang pagiging hysterical nito. "Now you know what kind of a woman is your girlfriend. Kung hindi ako nagkakamali, ikaw yata ang CEO ng kumpanyang to, Sir. If I were you, hihiwalayan ko na siya habang maaga pa." Sabi nito sabay tingin sa'kin ng pagkasama-sama. Jusko. Kung walang pipigil sa'kin, babasagin ko ang mukha niyan. Kinikilig ako kaya Aki, at the same time, nanggigigil naman ako dito sa babaeng ito at sa asawa nitong balbon!

"Fortunately, you're not me... I'm not going to break this virgin."

One of my brows twitched, napaawang din ang bibig ko, at sa tingin ko hindi lang ako ang ganun ang naging reaksyon.

Did I hear it correctly? Break... virgin?! Alam niyang virgin ako, pero parang may iba pang meaning yun. Aki kasi!!! What are you doing to me?!! Kung hindi ko lang siya Boss, sinigawan ko na siya. Pinapahirapan niya ako sa paghinga e.

"So, okay lang sa'yo na ang girlfriend mo ay kabit ng ㅡ"

"Sinabing tumigil ka na!" Galit na galit na sigaw ni Aki. Namumula na rin ang buong ulo niya dahil sa galit. I've never seen him like this before. Iba talaga siya pag na-t-trigger ang galit.

"Puntahan mo ang asawa mo at sabihin mo sa kanyang wala na siyang shares dito sa kumpanya, naka-ban na rin siya sa lahat ng properties ng Vesta at Hallsan. Wala na din siyang mahuhugot kahit kusing mula sa bangko. Walang-wala na siya. Ang meron na lang sa kanya ay ang babae niya at ang magiging anak nila."

Namutla ang ginang. Nakapanlulumo ang itsura nito nang sabay na mahulog ang mga tuhod nito sa sahig at ang mga luha nito sa pisngi. Hindi siguro nito alam na buntis ang babae ng asawa nito at namumulubi na rin. Nakakaawa ang lagay niya. Pero ang sakit talaga ng anit ko.

Binitawan ni Aki ang aking kamay. Oh no, why?! Binitawan niya ang kamay ko para hawakan naman ang likod ni Allyson.

"Let's go." Sabi niya sa CFO namin. Muntik na akong umiyak. Pansamantala lang pala yung kilig na naramdaman ko. I don't know why he protected me, pero sana hindi na lang pala niya ginawa, 'no?

"Ang sakit." I uttered absentmindedly, habang sinasapo ang parte ng ulo kong nasabunutan. Masakit pa rin naman talaga ang anit ko e. Naiiyak nga ako sa sobrang sakit.

"Okey ka lang ba?" Nagulat ako nang lapitan ulit ako ni Aki. Omegesh! Success ang acting ko. Haha. Tama, uma-akting lang naman ako, but it's true that my scalp is hurting.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Here comes the butterflies inside my stomach again. Nagkakagulo na naman sila.

"Hm? Ah ㅡ"

Hindi pa ako tapos sa pagsagot nang lumingon siya kay Allyson. "Sorry, Allyson. Let's have a meal some other time." Sabi niya kaya agad akong nakaramdam ng tuwa. I secretly smiled nang akayin niya ako. But I finally let out an evil grin towards Allyson nang hindi na nakatingin sa'kin si Aki.

Nilagpasan namin yung umiiyak na ginang na pilit pinapatayo ng guard. Lumabas kami ng lobby at sumakay sa kanyang Mustang. Kung saan kami pupunta, yun ang hindi ko alam. I just let him drive until makarating kami sa hi-way.

Napasigaw ako nang biglang may lumitaw na lumang sasakyan sa harapan namin galing kanan at muntik na namin itong mabangga. Buti na lang natapakan agad ni Aki ang preno at nakabig ang manibela kaya nag-drifting kami sa gitna ng daan. Luckily, maluwag ang daloy ng trapiko.

Tulala ako nang ihinto niya sa gilid ang sasakyan. It's good for us na naturuan siyang mabuti sa pagmamaneho ng kanyang parents. Kung hindi, malamang bumangga na kami kanina.

"Thea, are you okay?" Tanong niya sa'kin. Hindi pa rin kasi nawawala sa dibdib ko ang kaba at takot. Hindi pa ako handang mamatay, at hindi rin ako handang magalusan o masugatan, lalong ayokong ma-admit ng matagal sa ospital.

Huminga ako ng malalim atsaka tumingin kay Aki. Tho, it has the usual coldness, his face looks so calm.

Hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa kanya. Lalo akong naging tahimik to the point na nanigas na ang katawan ko nang itaas niya ang kanyang kamay at ayusin ang nagulo kong buhok.

Pero hindi lang iyon.

Nanatili ang palad niya sa ulo ko, tapos ang mukha niya ay palapit ng palapit.

Namutawi ang kaba ko. Nahihirapan na naman akong huminga. Tanging ang mga talukap na lang ng mata ko ang gumagalaw habang hinihintay ko siyang makalapit. I'm anticipating his lips ㅡ his hot and luscious lips.

Then my phone rang and vibrated. May nag-text kaya mabilis ko itong inilabas mula sa bag ko. Lumayo din agad sa akin si Aki.

Napalitan agad ang init na naramdaman ko ng panlalamig nang mabasa ang nilalaman ng text message sa akin mula sa unregistered number ng taong kilalang-kilala ko.

["I just opened the game, Sweeth3art. Tell the CEO to be more observant. Baka magaya siya sa nangyari sa parents niya. :)"]

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon