Chapter 52: Katakam-takam yun

5.7K 143 21
                                    

This part may contain scenes not suitable for young readers. Strict parental guidance is advised.

Joke!

May bago akong story. Yung IKIGAI. Hanapin niyo sa profile ko.

==============
==============

Chapter 52

"Punta lang ako saglit sa kabila." Paalam ko kina Papa nung mabasa ko ang text ni Aki. It's already one in the clock pero di pa ako natutulog kasi ang ingay ng parents ko. Binigyan ko na nga sila ng privacy sa kwarto ko, pero dinig na dinig ko pa rin ang pag-uusap nila sa loob. Kinatok ko nga e. Kung anu-ano lang naman ang pinag-uusapan nila.

"Saang kabila?" Tanong ni Mama. Nasa kama na sila ni Papa pero hindi sila nakahiga, nakaupo sila at nakasandal sa headboard.

"Kay Kuya Aki." Sagot ko.

"Ano'ng gagawin mo don?" Makilatis na pag-uusisa ni Papa. Ayan na naman siya e. Kunwari istrikto, pero hindi naman.

"Di ba sabi niya kanina sa party mag-uusap kami? Narinig niyo di ba?"

"Ah, oo nga." Napatangu-tango silang dalawa. Kunwari pa talaga sila. E kulang na nga lang ibugaw nila ako kay Aki. Ano na lang kaya kung nandito si Jenna. Malamang, nagisa na ako ng kantiyaw. "Sige. Galingan mo 'nak. Di pa tapos yung operasyon akitin si Aki ㅡ ahh!" Sabi ni Papa tapos dumaing siya kasi binatukan siya ni Mama. "Ano na naman, mahal?!"

"Bugaw talaga kayo." Sabi ko bago ako umalis.

Pagdating ko sa kabila, bukas lahat ng ilaw. Bukas ang kwarto kaya dire-diretso na ako dun pagka-lock ko ng pintuan.

Wala si Aki sa kama. Wala rin siya sa kahit saang sulok ng kwarto. Pero bukas ang ilaw sa banyo kaya malamang nandun siya.

"Boss?!" Tawag ko. Ayoko namang lumapit do'n kasi baka mamaya nagsha-shower pala tapos walang damit. E ano naman? Nakita mo na nga yung ano niya. E kahit na nakita ko, nakakahiya pa rin. Wala ako sa tamang pag-iisip nung umagang 'yun kaya magiging awkward kapag may makikita akong kanais-nais - I mean - HINDI kanais nais? Hindi nga ba? Ah ㅡ actually ㅡ ahm ㅡ ano yun e ㅡ siguro sa iba ㅡ katakam-takam yun. Ewan ko lang sa akin kasi hindi ko pa naman natikman, nahawakan ko lang. Luuhh... but I'm not saying na gusto kong matikman. THEA, UMAMIN KA!

Napailing-iling ako. Pero bakit nga ba hindi sumagot si Aki?

"Boss? Aki? Andiyan ka ba sa bathroom?" Wala kasi akong naririnig na anumang ingay mula sa banyo. Kaluskos, pagwisik ng tubig, pagpadyak ng paa, wala. Tahimik na tahimik.

"Boss?" Muli kong tawag habang paunti-unting akong lumalapit sa pinto ng bathroom niya.

"Boss." Saad ko nang makita ko siyang nakatayo at nakatungo sa tapat ng lababo. Naka-longsleeves siya na lightblue na natupi hanggang siko tapos black pants at panloob na tsinelas.

Nung hindi niya ako pinansin ay pumasok na ako sa loob. Pero agad din akong lumabas nang maamoy at makita ko yung hindi kaaya-aya. Naman! Iinom-inom siya tapos ilalabas din niya? "Nakakadiri!" Sigaw ko sabay takip sa aking bunganga at ilong. I'm not maarte, sadyang mahina lang ang sikmura ko.

Tumingin siya sa'kin. Hay. Bakit ba siya naglasing? Buti hindi siya nag-uwi na naman ng babae rito.

Maya-maya'y tumunog ang paglabas ng tubig sa faucet. Ayun. Buti naman naisipan niyang linisin ang kalat niya. Pinanuod ko lang siya. Nagtoothbrush na din siya, tapos naghilamos.

I thought he'll get out of the bathroom after cleansing, but he walked towards the bathtub, nagtanggal siya ng tsinelas at humiga dun sa bathtub na nakadamit pa. Hanep. Umapaw yung tubig sa tub nung maihiga na niya ng buong-buo ang katawan niya.

Mabilis akong pumasok muli sa bathroom at lumapit sa kanya. Inilagay ko ang kamay ko sa tubig upang pakiramdaman kung mainit iyon o malamig. Malamig nga. "Huwag kang magbabad, baka magkasakit ka niyan." Paalala ko. Kinuha ko ang kanyang kamay upang subukan siyang paahunin, but he held me tight, kaya lumuhod ako sa tabi ng tub.

"I wish they are still here." Malungkot niyang pahayag. The moment I heard the word 'they', alam na alam ko na kung sino ang mga tinutukoy niya. Nami-miss na naman niya ang parents niya.

"No one will dare to insult me or you or your father if only Mom and Dad are still alive. Hindi natin kailangang magtago. Susuportahan nila tayo, Thea... Sorry if I'm weak."

"Who says you're weak?" Tanong ko. Para sa'kin, hindi mahina si Aki. Siya nga ang knight in a shining armour ko e. Gamit ang dalawa kong kamay, hinila ko siya. "Wag kang mag-emote diyan. Parang kang bata. Umahon ka na!" Pinilit ko siyang itayo pero ang ending, ako yung bumagsak.

"ANG LAMI..........G!!!!!" Sigaw ko nang maramdaman ng buong katawan ko ang mababang temperatura ng tubig. Nasa ibabaw na ako ni Aki, and I'm trying to get out of the water, but he embraced me so tight to the point that I almost can't breathe.

"Stay still." Sabi niya kaya hindi na ako lumaban. I faced him instead. Nakadilat siya kaya nagtama agad ang mga mata namin. Lasing nga siya pero seryosong-seryoso ang mukha niya. Hindi kasinlamig ng tubig, kundi kasing init ng nararamdaman ko ang mga titig niya sa'kin. Parang nag-aapoy ang mga mata niya, at nakaka-tempt iyon.

What should I do? I can't keep the feeling any longer.

"Mahal kita, Thea." Buong-pusong pahayag niya. Lumukso ang puso nang dahil do'n. I waited, then I let him kissed me passionately.

Just after a few minutes, we're both naked inside the bathtub.

=======
=======

Napagdesisyunan ko na hindi muna maglalagay ng BS chapter. (bedscene o bathtubscene, whatsoever) hindi. hindi. hindi!

But if you insist.... I-comment mo kung paano kita mapapasaya. 😂😂👍

~IBetYouKnowMe

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon