Hindi ko alam kung ngingisi ako, o iiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ikinahihiya ko ang sarili ko ngayon. Ang lupit mo, Thea. Nakakahiya ka!
"Sorry. Nagising kita." I brought out casually. Na parang wala akong ginawang karumal-dumal at kalapastanganan.
Ilang beses na napakurap si Aki in slow motion. Okay lang yata sa kanya ang nangyari? O hindi niya naramdaman? Whatever. Basta hiyang-hiya ako sa ginawa ko.
"Hindi pa naman ako tulog."
Nalaglag ang panga ko. Jusko po! Nasaan na yung kidlat na kanina ko pa hinihintay? NASA'N NA?!!
"A-Ano kasi... ano... ah..." Nataranta ako dahil hindi na ako makapag-isip ng maayos. Ano ba kasi ang nakain ko at hinalik-halikan ko pa siya? Paano na 'to? Paano pa ako haharap sa kanya ng casual?
"...ahm..." kasalukuyan kong pinapakalma ang utak ko nang maalala ko yung folder, na hawak-hawak ko pa pala.
"Ito!" Ipinakita ko sa kanya ang brown folder na kailangan niyang pirmahan. "Pinapapirmahan ni Papa yung document dito. Kailangan na daw niya bukas. Sorry talaga kung naistorbo kita."
Okay. Forget about it. I just stole a kiss which is not even my first nor his, so mukhang wala lang naman sa kanya iyon. Para sa kanya, ㅡ sa klase ng lifestyle niya ㅡ kiss, sex, and woman... they aren't big deals.
"Okay lang ba kung pirmahan mo na sandali?" Muli kong tanong. Nakatitig lang naman kasi siya sa'kin. He is directly observing me as if I have something so important to tell.
Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Subalit nakahinga ako ng maluwag-luwag nang umupo siya at kunin sa akin yung folder. Binuklat niya iyon, and after taking a look at the document for a short while, kumuha siya ng pen mula sa drawer ng bedside table at agad iyong pinirmahan sa lower right side ng papel. He gave it back to me properly while he's possessing a sober-sided facial expression.
"Thank you... ahm... si-sige... babalik na ko sa ㅡ." Iikot na sana ako ng 180 degrees upang makaalis, nang hawakan niya ako sa kamay. I stopped and looked at him. Bakit? BAKIT?! I need to get out of this room bago pa man ako tuluyang bumigay, pero bakit kailangang pigilan niya ako?
Pinipigilan nga ba niya ako?
"Stay here for awhile, Thea. Hindi ako makatulog." Pahayag niya. His face is so serious, but there are pleadings on his deep black eyes. Paano ako makaka-hindi sa kanya kung mukha siyang nangangailangan, nagmamakaawa?
"Dito ka." He patted the available space of the bed two times. Di kaya kailangan niya ng ano... ng babae? ng pagpaparausan? di kaya tigang siya?! O jusko! WAG AKO!! Pero pwede rin. Pero dapat pakasalan niya ako pagkatapos. Virgin pa 'ko, 'no.
"Hi...higa ako sa... tabi mo?" Nag-aalangan kong tanong.
He automatically nodded.
Tapos ano'ng susunod na mangyayari kapag humiga na nga ako sa tabi niya?
Sinalubong niya ang mga titig ko sa kanya. His gaze is so emotional, filled with pleadings, bukod doon, wala na akong ibang nakikita. Di ba nararamdaman naman o nakikita sa mga mata ang madilim na motibo ng isang lalaki sa isang babae?
Pero, hindi ko nakikita iyon kay Aki. Napakainosente ng mukha niya ngayon. Parang isang bata lang siya na nagpapalambing sa kanyang Nanay.
Kaya ang hirap tumanggi.
Kaya sa halip na magmatigas ako't iwan siya ㅡ kasi nga hindi dapat nangyayari ito ㅡ ipinatong ko ang folder sa bedside table nang bitawan niya ang kamay ko, pumunta ako sa kabilang dako ng bed at sumampa doon. Binigyan niya ako ng unan kaya hindi na ako nagdalawang-isip na humiga sa kanyang tabi. Nahiga na rin siya.
Lumipas ang mahabang sandali na katahimikan lang ang bumalot sa buong kwarto. Matagal akong tumitig sa ceiling, walang kibo, pinapakiramdaman ko lang ang mga susunod na mangyayari. Pero wala... walang nangyari. Tahimik lang din si Aki at hindi siya gumagalaw. All I could here is his breathing.
Nang maboring ako sa pagtitig sa kisame, tumigilid ako ng higa. Nakatalikod na ako sa kanya ngayon. Hay! What is actually the use of lying beside him kung hindi naman niya ako kinikibo? Makakatulog kaya siya kung ganito kami? Sana naman oo.
Maya-maya ichecheck ko kung tulog na siya at babalik na ako sa bahay. Baka kasi makatulog pa ako dito e.
I closed my eyes while waiting. When I opened them, it's already broad daylight. Napamura ako ng mahina.
Babangon na sana ako nang makaramdam ako ng mabigat sa katawan ko. May nakayakap sa'kin. Napamulagat ako nang maalala si Aki.
Si Aki nga!
Nakaunan ako sa braso niya. Nasa bandang tiyan ko naman ang isa niyang kamay. Tapos ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa batok at tainga ko. It's giving me goosebumps. Naninigas ang katawan ko. But somehow, ang sarap-sarap sa pakiramdam. Ngayon lang ako nayakap ng ganito ng isang lalaki. Ngayon lang din ako may nakahigang lalaki. At si Aki pa ito, kaya wala nang mas sasarap pa.
"Don't leave me, Thea. Dito ka lang." He murmured beneath his breath. At lalo pang humipit ang pagkakayakap niya sa'kin. Ramdam na ramdam ko ang harapan niyang nakadikit sa aking likod.
Tulog pa ba siya? Gising na ba siya? Ayokong alamin 'yon. Ang gusto ko lang, namnamin ang sandaling ito, na alam kong bihira lang nangyayari, o baka hindi na ulit mangyayari. Tumitibok ng mabilis ang puso ko. Umaapaw ang kakaibang emosyong nararamdaman ko. Gusto kong sulitin ang mga sandali.
Habang sinusulit ko iyon, unti-unti ko namang namamalayan na sinasamantala na pala niya ang katawan ko.
Dumausdos pataas ang kamay niyang kanina'y nasa tiyan ko. Tumaas... hanggang sa marating niya ang pinakamahalagang bundok.
I just gasped an air when I felt his hand squeezing one of my breasts. Lalong nanigas ang buong katawan ko.
===============
===============I have a new story entitled MARRYING THE ABANDONED BRIDE. Check niyo 'pag may time. 😁
Keep voting, guys. Thank you. Mahal ko kayo. 😘
~IBetYouKnowMe
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficção GeralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...