Chapter 51: What is happening here?

5.5K 183 15
                                    

"You are showing unprofessionalism, Althea."

Mr. Galleon looked so disappointed, annoyed, and at the same time, disgusting. Nakuyom kong lalo ang mga kamao ko. No one deserves to be insulted inside a public CR, in front of the public eyes.

"Propesyonal ba sa tingin mo ang insultuhin kami ng Papa ko? Wala kaming maling ginawa. Pagdating sa trabaho, alam ni Tito Kaizer at ni Kuya Aki kung ano'ng kakayahan namin. Don't accuse us of being boastful because having such positions in this company is all we can be proud of. Ano ba'ng kasalanan ko sa inyo at parang ayaw na ayaw niyo sa'kin?"

"That pervert..." I pointed a finger to Marvin Enriquez. "...tried to harass me. Ginawa ko lang ang self-defense na kaya kong gawin. Kung babae ka, may nagtangkang humalay sa'yo, at may kakayahan ka namang lumaban, hahayaan mo ba siya? Kung hindi ko ginawa yun sa kanya ㅡ" Tumigil ako nang maisip si Aki. Kahit hindi ko pala tinuhod si Marvin, wala namang masamang mangyayari sa'kin dahil dumating din si Aki. To the rescue talaga si Boss! I'm sure, hindi lang siya umiimik ngayon kasi alam niyang kayang-kaya ko namang idepensa ang sarili ko laban sa mga panot na BODs. "Fine! Paniwalaan niyo ang bastos na yan! Sabagay, pare-pareho lang naman kayo. Ika nga e, birds of the same feather, flocks together."

"So you're telling that my Dad is also a pervert?"

Tumingin ako kay Caitlin. Taragis! Sumingit pa ang isang 'to. Nginisian ko siya. "Ikaw ang nagsabi niyan."

"Ganun yung gusto mong palabasin e. You don't want to be called boastful pero hindi ba pagmamayabang yang pagsasalita mo?"

"Ipinapakita ko lang kung paano lumaban ang anak ng isang Janus Villavicencio... Kung hahayaan ko lang kayong tapak-tapakan ako at hindi ko idedepensa ang sarili ko, sino'ng gagawa nun para sa'kin?"

"Sino? Di ba't magkakampi kayo ni Achilles? Ayan ang Boss sa tabi mo." Mr. Galleon swayed his eyes to Aki, then back to me. Nanggigigil ako. Pasalamat siya't kaya ko pang kontrolin ang galit ko.

"Isa pa yan, Mr. Galleon. Maski sa CEO wala din kayong respeto ㅡ."

"What are you talking about, Althea?" Pabulyaw na tanong ni Mr. Venturina mula sa likod ko.

"Totoo naman e. Ang tingin niyo sa CEO bata pa at walang alam sa responsibilidad. You can't acknowledge his capabilities and his power. Dinidiktahan niyo siya, kulang na lang palitan siya ng isa sa inyo sa posisyon niya ㅡ."

"What is happening here?"

Parang may dumaang espiritu santo nang sumingit ang boses ni Lolo Vincent Hallsan. Binigyan siya ng daan upang makapasok dito sa CR at makaharap ako. Juskolord! Hindi ako sanay na nakakaharap at nakakausap ang Lolo ni Aki. Hindi ko kasi alam kung paano makisama sa kanya dahil ang tingin ko ay isa siyang istrikto at civilized na tao. Bigla akong kinabahan, syet.

"May nangyaring bastusan dito sa CR, Lo. But the thing has been settled. I think we should all go back to the party now." Aki professionally stated. Pero yung boses at mukha niya ay malapit nang magyelo sa sobrang lamig. He also looked so upset, aside from being icy-cold.

"Yes we should, because I'm going to announce your civil union with Caitlin. Caitlin, you have to prepare a short speech for my grandson."

Nalaglag ang panga ko kasabay ng pagbitak ng katahimikan. Nagsimula ang mga bulung-bulungan mula sa ibang mga nakarinig. Civil union? Marriage? Kasal? Kung gano'n, susundin talaga nila yung tradition ng mga Hallsan?!

"What if I object?" Napatingin ang lahat kay Aki. Yes, ganyan nga, baby ko! Disagree! Disagree! Lumaban tayo para sa magandang kinabukasan!

"You dare to disobey your grandfather?" Asked Lolo Vincent. But his voice is still moderate and he remained tranquil.

"I'm gonna marry in the future, but it would be someone I like and not someone you want for me. I don't want to marry Caitlin nor anyone at this time, and I don't want to be tied to her no matter what you guys do or say. Lo, if you oblige me, I might end up like Tito Vinzi."

"I'm doing what's best for you, Aki. If you listen, you'll gonna thank me in the future."

"Huwag niyong ikumpara ang kinahinatnan ng lovelife ng Mommy ko sa akin. Nagkataon kasi na yung ini-arranged niyo para maging asawa niya ay dati na niyang gusto, kaya siguro akala niyo nakagawa kayo ng tama. I'm sorry, Lo, pero ngayon pa lang sinasabi ko na, hindi ako magiging masaya sa desisyon ninyo para sa'kin. Kung ipipilit niyo, nakahanda akong bitawan ang Hallsan at hugutin ulit ang Vesta palabas dito."

Very well said. Papalakpak sana ako kaya lang bigla na lang akong hinila ni Aki palabas. Tumigil lang kami nung harangin kami ni Papa.

"Sa'n mo balak dalhin si Thea?" Tanong nito kay Aki. Aba. Seryosong-seryoso ang mukha ni Papa pero ang totoo niyan 'sige-lang-gawin-niyo-ang-gusto-niyong-gawin-suportado-ko-kayo' ang nasa isip nito. Akala niya hindi ko alam a.

But I pulled my hand from Aki. "Oo nga, ba't mo ba ako hinila?" Kunwaring pagrereklamo ko, upang hindi lang makahalata sa'min ang ibang tao.

"Sorry. Mag-uusap tayo mamaya." Sabi ni Boss bago siya umalis.

Walang-wala na ako sa mood kaya nagdesisyon kami ng parents ko na umuwi na talaga. Sa parking lot, tumigil kaming tatlo sa tabi ng SUV ni Papa, kasi bigla na lang niya akong niyakap at pinisil sa magkabilang pisngi.

"Papa, ano ba ㅡ aargh!"

"Ang galing-galing mo talaga, Nak! Anak ka nga ni Janus. Apir tayo diyan!" Para kaming mga batang nag-high five kaya masayang-masaya si Mama.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon