Tumawag agad siya ng mag-re-rescue sa amin. Pero dahil nakalayo na kami sa Maynila, maghihintay kami dito ng isang oras o mahigit. Napakasaya naman, oo. Naka-sports car nga siya, wala namang gasolina. Akalain mong nauubusan din pala ng gas ang isang multi-billionaire na CEO. I couldn't really imagine it, but I am experiencing it right now.
"Bibiyahe ka ng three hours, di ka naman pala nagpakarga ng gas. Pre-occupied ba yang utak sa ibang bagay, Boss?" Mahinahon, pero nagrereklamo ako. Madali kasi akong mainip, lalo na kapag excited ako sa isang bagay. At excited akong umuwi ngayon kaya hindi mapakali ang katawan ko. Gusto ko nang lumabas at sumakay na lang ng public transportation.
Huminga siya ng malalim. I bet he's upset with his own self.
"It seems like that." Sagot niya. He's staring blankly in front. Seeing his partially cold and distracted visage, mukha ngang merong gumugulo sa kanyang isip.
Patingin-tingin ako sa likod, at sa tuwing may dumaraang air-conditioned bus, parang gusto ko na talagang mag-abang na lang ng masasakyan hanggang Lucena.
But I think I can not leave Aki here alone. Duda naman ako kung gusto niyang mag-commute. Never pa yata niyang naranasan yun e. Buti ako, ilang beses ko nang na-try sumakay ng public transportations when I was in college. Kung saan-saan kasi ako dinadala nina J-Lo noon, sumasakay kami ng siksikang jeep o kaya bus. Nakasakay na din ako ng tricycle. And it's not bad naman. Nakakapawis nga lang syempre.
May dumaan na naman bus at napasunod ako ng tingin doon mula sa likod hanggang sa nawala na ito sa paningin ko sa harap.
"Aki, baka gusto mong mag-commute na lang?" I moved my face front the front to the side to look at him. "Boss...?" Pagtatama ko.
Alam kong narinig niya ako. Hindi lang siya nakasagot agad dahil nag-iisip pa yata siya. Hay, sana naman okay lang sa kanya. Wala namang masama sa pagco-commute. Masaya nga yun kasi makakaranas siya ng bago... ng bagay na tiyak hindi pa niya na-e-experience buong 26 years of his life.
And because I can wait to hear his answer, nagsalita akong muli.
"Isang oras na tayong bumabyahe kanina kaya malamang maghihintay rin tayo ng isang oras dito. Pano pag biglang nagka-traffic pa sa Maynila? I can't wait kung alam kong may ibang paraan naman. Kung ayaw mong mag-commute at kung okay lang sa'yo, mauuna na ako sa Quezon. Excited na kasi akong ㅡ."
"Sasama ako." He vocally verbalized.
Hindi ko alam kung ngingiti ako o kung pipigilan kong matuwa. But eventually, hindi ko na rin natiis ang kagalakan ko, lalo na nung may tinawagan siya ulit at sinabihan ang kausap na ipa-tow na lang ang sasakyan niya hanggang sa Quezon.
Nag-abang na nga kami ng bus.
Yung unang pinara ko ay punuan kaya hindi kami sumakay.
Yung pangalawang pinara ko, punuan din kaya naghintay pa kami.
"In Twenty minutes, pag hindi pa tayo nakasakay, hihintayin na lang talaga natin sina Mr. Sanchez." Sabi niya. Willing talaga siyang maghintay. Pero hindi, makakasakay kami ng bus. Gusto kong ma-experience niya ang pagko-commute kahit minsan lang.
"Makakasakay tayo." Positibo kong tugon. "Oh, yan na. Nafi-feel ko na diyan na tayo makakasakay." Meron nang paparating na bus na kagaya rin ng mga bus na nauna. Alam na alam kong papuntang Lucena 'yan o kaya dadaan doon.
Nag-wave ako nang malaki malayo pa man ito. Di nagtagal, dahan-dahan itong huminto sa tapat namin. Bumukas ang pinto nito at kinausap kami ng kundoktor.
"Lucena po, Kuya. Kaso tayuan na yata e." Pahayag ko nang mapansin ko yung mga nakatayong tao sa aisle ng bus.
"Punuan ngayon, Ma'm. Uwian kasi e. Pero maraming bababa sa Lipa." Paliwanag ng kundoktor. Oo nga pala, weekend ngayon kaya maraming nagsisiuwian lalo pa't non-working holiday din sa Lunes.
Napatingin ako kay Aki. Curious na curious ang mga mata niyang nag-o-obserba sa loob ng bus. Parang gusto ko tuloy siyang itulak sa isang adventure. Tapos gagawa ako ng article tungkol sa isang mayamang CEO na nag-commute at nag-standing pa sa siksikang bus.
"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi ko na rin siya hinintay pang sumagot. I just dragged him up the bus stairs.
"Pasok na lang po tayo sa loob. Pasok sa loob." Sigaw ng kundoktor kaya hinila ko pa si Aki at nakipagsiksikan kami sa mga taong naka-standing, habang pareho kaming nakahawak sa bakal na hawakan sa taas. Tumatakbo na kasi ang bus so we need to maintain our balance nang hindi kami sumubsob sa kung saan o kung kanino.
Nakakuha na din kami ng space pero dahil siksikan, magkadikit na magkadikit kami at magkaharap.
"Okay ka lang?" I asked him in a moderate tone of voice. Dahil mas matangkad siya, syempre nakatingala ako. I saw small sweats on his forehead, but I couldn't see any complaints on his face. Sana okay lang talaga siya dito.
"How about you?" He asked back.
"Perfectly okay. Alam mong wala akong kaartehan sa buㅡ ayy!" Pumreno ng biglaan si Manong Driver tapos nakabitaw pa ang kamay ko sa hawakan sa taas, so my body swayed backwards.
Fortunately, nahawakan ni Aki ang likod ko gamit ang isa niyang kamay kaya hindi ako nakabangga ng tao sa likod ko. Kaso itong si Manong Driver, ewan ko kung nagpa-praktis pumreno o naglalaro sa pagda-drive, kasi bigla na naman itong napa-preno.
Lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Aki. Ang labas, parang yakap-yakap na niya ako.
"Humawak ka na lang sa'kin." Sabi pa niya. So...
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficção GeralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...