Walang kulay ang mukha ko pagpasok ko sa opisina ni Boss. Pero hindi ko rin napigilang ngumiti nang makita ko kung gaano kadilim ang mukha niya. Ang sama-sama ng tingin niya sa'kin. Ngunit sa kabila no'n, hindi malamig ang aura niya.
"Lock the door." Sabi niya. Woah! Bakit bigla akong kinabahan?
"Ano'ng gagawin mo sa'kin, Boss?" Tanong ko, tapos ni-lock ko na din yung pinto. I'm not afraid of him. Lumulukso lang ang dibdib ko sa lahat ng mga galaw niya kasi nga sobra-sobra yung spark na nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko tuwing nasa malapit ko siya. Siguro, ganito lang talaga kapag in love.
Nakatayo siya at nakasandal ang kanyang puwitan sa edge ng kanyang desk. Nakapamulsa siya. And he's still showing that serious and strict facade.
"Why so mischievous, Thea?... Your mouth is tactless. I shall teach it a lesson."
Nag-form ng curv ang bibig ko, pero pababa. Tama nga ang hinala ko, makakatikim ako ng leksyon. Not literally me, but my mouth. Ay, grabe talaga si Aki sa'kin.
"Boss, if I know, gusto mo lang talaga akong halikan." I cheerfully uttered.
Tumingin siya sa ibang direksyon tapos nakita kong nagtaas-baba ang kanyang adam's apple. Then he stared back at me. This time, hindi na masama ang pagkakatitig niya sa'kin.
"Mmm. I want to do that all the time." Matapang niyang sagot. Tumangu-tango pa siya. Nailagay ko naman ang kamao ko sa tapat ng aking bibig. Jusko! Kung all the time, di kaya mamaga ang labi ko nun? Ang laki talaga ng pagnanasa niya sa'kin.
"But please, huwag mong masyadong sagut-sagutin yung mga BODs. Let them talk, let them share their thoughts, wag mo silang kontrahin. I once told them that you're the woman I like the most, Thea. Pero binawi ko din dahil hindi ko alam kung sinu-sino sa kanila ang dapat kong pagkatiwalaan at hindi. Some of them considers you as their rival. Kaya ayokong makahanap sila ng karagdagang rason para kainisan ka nilang lalo."
Sinabi niyang gusto niya ako sa harap ng board? Really? I wish I was there that time.
Oo nga, may galit sa'kin ang mga Board of Directors. Hindi ko alam ang eksaktong rason kung bakit. Siguro dahil malapit ako kay Aki. O siguro dahil alam nilang matalino ako at deserve kong maluklok sa mas mataas na posisyon, which is hindi nila papayagang mangyari dahil gusto nilang sila ang mapunta sa posisyong iyon. Damn! Okay na ako sa pagiging Company Secretary.
I looked solemnly at my Boss.
"I did blabber things kanina kasi... kasi nagseselos ako kay Caitlin." I hesitantly stated. But then, I congratulated myself for being brave enough to express my real feelings.
"Bakit ka naman nagseselos sa kanya?" Painosente niyang tanong.
Nag-pout ang labi ko bago ako sumagot.
"Dahil may something kayo noon. Baka nga may mga nangyari pa sa inyo noon. Nagseselos ako kasi siya ang gusto nila para sa'yo."
"I'm telling you, there's nothing to be jealous of."
Natawa ako. "Oo nga. We're not even dating tapos may paselos-selos akong nararamdaman. Sorry, Boss." I suppress the bitterness and pain.
"We are."
Tiningala ko siya. Confusion immediately hit my head. Ano'ng we are? dating? But we're not. He just told me that he loves me but he never even asked me anything. I didn't also say that I love him too, therefore walang 'kami', walang 'we are'.
"I want you to be my girlfriend, Thea. We just have to keep it from others, especially from the Directors, for the meantime. Hindi tayo malaya hanggat malaya si Damon Yoo."
Is he saying this for real? He wants me to be his girlfriend? Ibig-sabihin, nililigawan niya ako? This is too good to be true!
Nanatili akong nakatingala at nakatitig sa kanya. Jusko! Lumulukso na naman ang dibdi ko sa kilig, tuwa at kaba.
"Don't worry, I have no feelings for Caitlin. Never did I have. Never did I sleep with her, too."
"Totoo ba yan?" Tanong ko para sa dalawang bagay. Kung totoo bang wala siyang feelings kay Caitlin, at kung totoo bang ako ang gusto niya.
Aki nodded with so much sincerity in his eyes.
"How about Allyson? Did you sleep with her?" Nandito na kami sa masinsinan at makatotohanang pag-uusap kaya sususlitin ko na ang pagtatanong. I want to know every details about him kahit na pwedeng ikasakit iyon ng damdamin ko. Atleast, nagsabi siya ng totoo at nalaman ko.
"No." He answered.
"But why not? Ang ganda kaya ni Allyson." Sabi ko pa, kahit na relieved na relieved na ang dibdib ko.
"Thea, hindi lahat ng maganda kinakain. Yung iba, pan-display lang." Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Parang hindi na si Aki ang kausap ko. Hala, nagiging casual na si Boss! Ang galing!
"Kung gano'n... sana hindi lang ako pan-display." Tugon ko nang hindi masyadong iniisip kung ano'ng magiging impact nito sa kanya.
"Depende na sa'yo kung papakain ka." Seryoso niyang saad. Pero hello, napaka-green kaya no'n.
Sabi ko na nga e. In the end, napatungo ako dahil sa kahihiyan. Nag-init ng sobra ang pisngi ko. Tapos tiningnan ko na lang siya ng masama.
"Gago ka ba? Ang bastos mo!"
Humalakhak siya ㅡ for the first time in a long, long, long time.
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficción GeneralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...