Chapter 19: Therefore, tao nga niya ako

7.2K 173 12
                                    

"Hindi ka na dapat pumapatol ng away sa matandang 'yun!" Galit niyang pahayag pagkatapos niyang bitawan ang kamay ko nang sandaling makarating kami sa parking lot, sa tabi ng kanyang sasakyan. Hinila niya ako mula sa labas ng building hanggang dito at iniwan na lang namin ang duguan ang ngusong si Damian doon.

"Away namin yon. Ikaw ang hindi dapat nakisali." Sagot ko naman sabay irap tapos nag-crossed arms ako. Kayang-kaya ko naman yung matandang yun e. Kayang-kaya kong baliin ang mga buto nito sa isang galawan lang. Kung hindi lang nakialam itong si Aki.

"Hahayaan ko bang mag-bugbugan sa harap ko ang mga empleyado ko?"

"Ahh. Kaya ikaw na lang ang nambugbog?" Nakakabadtrip. Akala ko naman magagamit ko na ngayon ang special skills ko. Akala ko pa naman makakawarm-up na ako.

"FYI, Boss, may kasunduan kami ni Mr. Diokno na kung sino man ang unang tutumba sa laban namin, siya ang aalis sa kumpanya. Kaya lang bigla kang dumating at sumali. Paano kapag nasira ka na naman dahil sa ginawa mo?"

"You're a girl, Thea."

"Wow! Babae pala ang tingin mo sa'kin?"

"Naka-skirt ka."

"Kahit na. Kapag nakuhanan ng video yun, pwede nilang i-edit, ipakalat sa internet at sabihing ganoon ka-brutal ang CEO ng pinakamalaking kumpanya sa bansa. Di ka ba concerned sa image mo?"

"I'm more worried about you." He softly said, it was almost a murmur. Na-speechless ako. Pero bago pa man ako makapag-isip ng iba, nagsalita na siyang muli.

"Ayokong masira ang isa sa mga pinakamagagaling na tao ko."

Oh. Tao niya ako. Okay. Medyo na-touched naman ako dun. Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano, Thea! Concerned siya kasi Secretary ako ng pinamamahalaan niyang kumpanya. Therefore, tao nga niya ako. Huwag na tayong ma-confuse at mag-assume.

"So ano, magdi-dinner tayo sa labas o hindi na?" Ayokong umasa dahil mukhang wala na siya sa mood. Baka nagbago na rin ang isip niya.

"Magdi-dinner."

Pagkasabi niya no'n, tumunog ang sasakyan niya kaya dali-dali akong sumakay sa passenger seat.

After several minutes of driving, pumasok kami sa parking lot ng Vesta Pasay Mall. Dito lang pala kami kakain, akala ko kung sa isang Five-star restaurant na. Pero okay lang. At least, for the time, makakasama kong maglalakad-lakad sa loob ng mall si Aki. Magkaibigan nga kami since childhood pero dun lang naman kami sa Hallsan Subdivision kadalasang nagba-bonding talaga, kasama syempre ang kapatid ko at kanyang mga kapatid.

So, ito, sabay kaming naglalakad, pero pareho kaming tahimik. Umakyat kami dito sa first floor dahil nandito lang naman ang mga kainan. Since it's Friday, at tapos na ang trabaho ng mga tao, dagsahan dito sa mall ngayon. Oras pa ng dinner kaya siksikan sa mga fastfood.

"Pwede bang puntahan muna natin si Jessa Louise bago tayo kumain?" Tanong ko sa kanya habang hindi pa kami nakakahanap ng makakainan. Nasa Second floor kasi ng Mall na ito ang main branch ng Juno Cosmetics na mina-managed ng bestfriend kong si J-Lo.

Hindi naman nagdalawang-isip na sumang-ayon si Aki.

Sumakay kami ng escalator pataas. Tapos naglakad kami ng halos isang minuto bago namin naritang ang shop. Nasa kabilang dulo kasi e.

Sinalubong kami ng bright pink na kulay ng shop. Different sizes of mirrors are everywhere dahil syempre make-up ang products namin. Karamihan ng mga customers na pumapasok ay tinetest muna ang quality ng mga ito bago sila bumili. May mga testers kami. Pwede ring magpamake-up dito pero may bayad.

Lipsticks ang mabenta sa products ng Juno Cosmetics. Ako na ang nagsasabing maganda talaga ang quality nito lalo na ang mga matte shades. Pero lahat naman ng products ko maganda. Magpapa-manufacture ba naman ako ng low quality? E di wala akong magiging suki non.

"Thea?!" Nagulat si J-Lo sa hindi inaasahang pagpasok namin ni Aki. Abala kasi siya sa pakikipag-usap sa isang customer.

"OMG! Thea, friend!" Mabilis niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap, na para bang ngayon na lang ulit kami nagkita pagkatapos ng ilang taon.

Si J-Lo ang Manager at OIC ng Juno Cosmetics. I gave her the position kasi hindi ko kayang bitawan ang posisyon ko sa Hallsan Corp. Hindi naman ako nagsisi dahil nakikita kong maayos ang kanyang pamamalakad. Habang tumatagal nga ay tumataas ang kita ㅡ hindi lang ng branch na ito ㅡ kundi ng buong Juno Cosmetics. At dahil mataas ang kita, may budget na rin. Balak naming mag-open ng dalawang bagong branch this Second quarter sa ibang malls.

"Kumusta? Keri pa ba?" Nakangiting tanong ko. Concerned ako kasi hindi rin naman madali ang trabaho niya, pati ng mga store crews namin. Pumapasok sila ng mas maaga sa 10AM tapos uuwi sila ng 10PM. More than 8 hours ang kanilang ginugugol dito sa shop.

"Oo naman. Kering-keri!" Proud niyang sagot. Mabuti naman kung gano'n. "Ikaw, beshy? Mukhang nangayayat ka? Busyng-busy ka ba..."

While J-Lo is talking, I absentmindedly pulled Aki at inaangkla ko ang aking kamay sa kanyang braso, baka kasi ma-out-of-place siya.

"Sumexy kamo." Sagot ko kay J-Lo.

"Uy, may hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Makahulugang tanong niya.

Napansin agad niyang nagtaka ako kaya ininguso niya ang mga braso namin ni Aki na nakabuhol sa isa't isa. Ngayon lang ako parang na-conscious sa ginawa ko.

When I looked at him, nakita kong lumunok siya, mukhang na-awkward. Kaya bigla akong bumitaw.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon