First time kong lumabas ng bahay pagkatapos ng isa't kalahating buwan. Naisipan kong lumabas upang kumustahin si J-Lo. Message kasi siya ng message sa'kin. Hindi naman niya ako mapuntahan dahil wala siyang time na pumunta sa Quezon. Kaya ako na lang ang nag-adjust, kahit na latang-lata pa rin ang pakiramdam ko.
It's been a month and a half, pero hindi pa akong nakakarecover sa mga nangyari. Sa kwarto lang ako palagi, kung hindi nakaupo sa harap ng salamin, nakahiga ako sa kama at nakatitig ng malalim sa kisame, o kung hindi ay nakatambay ako sa tapat ng bintana at nakatingin sa malayo. If people may see me, iisipin nilang tinatalo ako ng depression. Yung nga ang nangyayari ㅡ wala akong gustong gawin kundi takasan ang lahat.
I'm only living because my family is still there. Kahit ang hirap hirap na akong pakisamahan, kahit hindi na nila ako makausap, iniintindi nila ako, lalo na ni Papa. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Hindi ko masabi o maisip kung makakarecover pa ba ako o hindi na. Awang-awa ako sa sarili ko.
"Ang payat mo na, friend. Kumakain ka pa ba?" Tanong ni Jessa Louise. Banayad ang kanyang pagsasalita at halatang nag-aalala siya sa'kin ng lubos.
Pinilit kong ngumiti upang kahit papano'y makita niyang okay pa ako. I don't want others to see and to think that I am downcasted. Nag-ayos pa rin naman ako ng sarili bago ako lumabas. Nakapaglagay pa rin naman ako ng make-up malagyan lang ng kulay ang mukha ko.
"Ikaw na ang bahala sa Juno Cosmetics, J-Lo..." Sambit ko gamit ang mahinang boses. Kung gaano kasakit bitawan ang posisyon ko sa Hallsan, mas masakit bitawan ang negosyong pinilit kong itayo gamit ang sarili kong kakayahan at pagod. Masakit pero kailangan. Hindi ako makakamove-on kay Aki hanggat may ugnayan pa ako sa kanya. Puputulin ko ang lahat.
Nang ilapag ko ang bank card kung saan pumapasok ang kita ng Juno Cosmetics, namuo ang luha sa mga mata ni J-Lo.
"Thea... wag ganito..." Naiiyak niyang sambit habang hawak niya ang kamay ko sa ibabaw ng restaurant table. "Kung kailangan mo ng kausap, sabihin mo sa'kin. Sasamahan kita, mag-inom tayo, gumimik tayo sa club. Iiyak mo sa'kin, magwala ka, okay lang... Friend, maraming namamatay sa depression. Ayokong mangyari yun sa'yo."
Ngumiti ako at umiling. Siguro kaya ko pang labanan kahit papaano ang depresyon sa ngayon. Ngunit hindi ko alam kung kaya ko pa bukas, at sa mg susunod na bukas. Someone broke my heart, and that someone happened to be the man I have dedicated my loyalty to. Hindi ko matanggap na kung gaano nito ako kadaling nakuha, ganun din ako nito kadaling tinalikuran.
Another someone who claimed to love me ruined my life. May tatanggap pa ba sa'kin pagkatapos no'n? Pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko na.
"Basta, ikaw na ang bahala." Sabi ko.
"Sa'n ka ba pupunta?" Nag-aalala niyang tanong.
"Hindi ko alam... Sa bahay. Balak nilang papuntahin ako sa US... Hindi ko pa alam." I replied unsurely. Bahala na kung saan ako dadalhin ng panahon. Magpapatianod na lamang ako.
Umuwi ako sa bahay. As usual, diretso ako sa kwarto. Paminsan-minsan kumakain ako, madalas hindi ko ginagalaw ang laman ng pinggan. Kung pipilitin ko mang kumain, inilalabas ko din. Dalawang araw kong inobserbahan ang katawan ko. Kagat-kagat ko ang labi ko sa loob ng bathroom habang pinipilit kong huwag umiyak. Nakakaawa ang buhay ko.
I decided to take the other path. Kung sa impyerno ang bagsak ko, okay lang, bahala na.
Nag-ayos ako. Nagsuot ng magandang dress at sapatos. Naglagay ng mabangong perfume saka ko kinuha ang handbag kong tanging laman ay wallet at mga pampaganda. Iiwan ko ang cellphone ko.
I picked up the device which made me cry inside the bathroom earlier, then I walked towards the door. Pagbukas ko niyon, narinig ko ang dalawang boses na nag-uusap sa sala. Huminto ako at sumandal sa dingding upang makinig kahit na alam kong masasaktan ako.
"Gusto ko lang sana siyang makausap kahit sandali, Tito." I knew very well that the voice is from Aki. He's here. He wants to talk to me. For what?
"Okay lang siya. Pero hindi ko alam kung gusto ka niyang makausap."
"It's just about her resignation. May mga dapat pa siyang iturn over pero hindi na siya bumalik." He coldly enunciate. Talaga? Pinuntahan niya ako dito tungkol sa trabaho? How nice of him.
"Hindi mo ba naiintindihan? Lumalaban sa depression at trauma si Thea. Kung hindi makitid ang ulo mo, Aki, hindi mangyayari sa kanya to."
"Tito, hindi ko matanggap na si Thea ang dahilan kung bakit namatay sina Mommy at Daddy ㅡ."
"Hindi ko rin matanggap na sinisisi mo ang anak ko! Hindi niya ginusto yung nangyari..." Tinaasan ni Papa ang kanyang boses. Umaapaw pa rin talaga galit niya. "Ano?! hindi mo matanggap?! Kailangan din ba naming mamatay ng Tita mo para patas na kayo?... Umalis ka na bago ko pa makalimutang anak ka nina Kaizer at Heven."
Huminga ako ng malalim at lumabas mula sa pinagtataguan ko. Gustung-gusto kong umiyak pero pinilit kong ngumiti nang makalapit na ako sa kanila. Nginitian ko si Aki nang makasalubong ang mga tingin namin ㅡ nginitian ko siya ng maganda to the point na hindi makapaniwala ang kanyang ekspresyon, gayundin ng kay Papa.
"Pagpasensyahan mo na ang Papa ko. Mainit lang ang ulo niya. I'm sorry, Kuya Aki. I'm sorry sa lahat." Ngumiti ulit ako para sa kanya bago ako bumaling kay Papa.
"Aalis na ako, Pa." Sabi ko tapos nagsimula na akong maglakad.
"Thea, sa'n ka pupunta?" Tanong ni Papa nang makalayu-layu na ako't malapit na sa front door.
"Don't worry, walang masamang mangyayari sa'kin..." Nagpakita ulit ako ng masayang ngiti at saka ako magiliw na kumaway. "I love you, Papa. I love you."
Okay na'ng mawala. At least naiparamdam ko sa isang lalaki ang pagmamahal ko sa loob ng siyam na araw. Pagkatapos nito, sila naman siguro ang magpaparamdam ng pagmamahal sa'kin ㅡ sa loob din ng eksaktong siyam na araw.
=======
=======Isang chapter na lang. Pa'no sa palagay niyo ang ending? I-comment niyo, dali! 👇👇👇
~IBetYouKnowMe
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Fiksi UmumAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...