Pagkatapos naming kumain ni Aki sa isang mamahaling restaurant sa loob ng Vesta Mall, niyaya ko siyang manood ng movie sa sinehan. Di na awkward. Actually, sandaling-sandali lang yung awkwardness na nangyari sa loob ng Juno Cosmetics shop kanina kasi... nginitian ko lang siya ng makulit, tapos sinabi ko kina J-Lo na friends-friends lang kami ni Aki.
"Ano'ng gusto mo, comedy? Romance? Actioㅡ ayoko ng action, no-no ako diyan. O itong princess-princess?" Kumportableng-kumportable ang pakiramdam ko habang pumipili kami ng magandang panood. Parang automatic na nabura sa isip ko yung mga hindi magandang nangyari ngayong araw. Masaya akong makasama si Aki ngayon, oo, seryoso, walang halong biro. Napakagaan lang sa pakiramdam.
"Kahit ano." Sabi niya. E di kahit ano. Madali lang naman akong kausap.
So hinila ko na siya sa may counter, sa bilihan ng ticket. Hawak ko ang kanang wrist niya tapos yung kaliwang kamay naman niya'y hawak yung kanyang suit. Pinatanggal ko na yung suit at necktie niya kaninang nasa restaurant kami, kasi naman, wala na kami sa opisina 'no. Nandito kami sa mall upang magliwaliw. Nandito na rin lang kami, e di sulitin na, tutal pareho naming day-off bukas. Once in a blue moon lang din nangyayari 'to.
Anyway... ito na nga, nakikipila na kami. E may kaka-showing lang yatang Filipino Romance Movie kaya dinagsa ng mga movie enthusiasts itong cinema house ngayon. Yung iba pa nga ay panay ang tingin sa'min, lalo na yung mga medyo bata-bata.
"Ang gwapo talaga niya. Gosh! Tapos ang kinis-kinis pa. Girlfriend kaya niya yung babae?"
"Malamang. Maghawak ba sila ng kamay kung di sila mag-syota? Bagay naman sila e. Mukha ding artista si Ateng o."
Napatingin ako sa mga kamay namin ni Aki. Hindi naman kami magkahawak a. Ako lang ang nakahawak sa kanyang kamay. Kaya baka hindi kami ang pinag-uusapan ng mga high-schoolers sa likod namin.
"Oo, pero parang hindi naman sila masyadong close. Tingnan mo yung ibang mag-jowa sa paligid, dikit kung dikit."
"Baka hindi lang talaga sila showy. Mas cool nga yun e. Hindi nakakasawang tingnan."
"Feeling ko nagkakahiyaan sila. Baka kasi nagliligawan pa lang."
"Tanong mo na lang kaya."
"Duh. Ikaw na 'no."
"Sige na. Marunong ang nagtatanong."
"Langya. Ikaw nakaisip niyan. Teka 'wag niyo 'kong itulak."
"Sige na. Ask mo na dali."
"Ay!"
"Ay!" Sabay kaming napa-ay nung batang bumunggo sa likod ko. Bumangga na sana ako sa tao sa harap kung hindi lang nasuportahan ni Aki ang katawan ko. Agad kaming napatingin sa aming likuran, dun sa tatlong babaeng highschoolers. I know they're highschoolers cause they're still wearing their school uniforms. They're gazing at us as if they saw someone so popular. Natameme silang tatlo. At imbis na mag-sorry, iba ang nasabi nung isa sa kanila.
"Kuya... ang gwapo mo." The girl uttered frankly but displaying a shy yet genuine smile. The two others flashed the same kind of expression.
"Mga artista po ba kayo? Ay, baka hindi sila Filipinos..." Nagtinginan tapos nagkibit-kibit-balikat silang tatlo.
Then tumungin silang muli sa'min. "Nagta-Tagalog po ba kayo?" Tanong ulit nung mas matangkad sa kanila. Habang nangyayari ito, umuusad kami paharap, ilang tao na lang at makakakuha na kami ng tickets.
"Filipinos kami." Sagot ko sa mga bata. Madalas talaga kaming mapagkamalang foreigners dahil sa mga kulay namin. Lalo na itong si Aki. Sobrang puti niya tapos favorite pa niyang color ng mga damit ay black, kaya malimit daw siyang tawaging taong-bampira noong siya ay estudyante pa lamang. Siya daw si Edward Cullen ng Hello Kitty University (not the real name)noon. Hindi ko naabutan yung panahong iyon kasi nga mas matanda siya ng five years sa'kin.
Back to reality, heto at panay ang puri ng tatlong bata sa'min ni Boss. Mukha daw kaming mga artista. Bagay na bagay daw kami. Kulang na nga lang makipagselfie sila sa'min o magpa-autograph. Pangiti-ngiti lang ako kasi hindi naman ako sanay makipag-chikahan in public. Kung sa opisina at mga empleyado ito, baka pwede pa.
Habang si Aki... wala lang... tahimik lang. Naiirita na yata sa ingay ng paligid. Buti na lang, turn na namin sa cinema ticket booth.
Ang binili kong tickets ay para sa Romantic-Comedy Movie na ang title ay Walang Labis, Ikaw Na Lang Ang Kulang na pinagbibidahan ng sikat na Loveteam ngayon sa LION Network.
Walang reklamo si Aki, ngunit hindi ko din masabi kung okay lang ba siya sa pinili ko.
"May ticket na tayo ha? Hindi pwedeng ipa-refund to o gamitin sa ibang movies." Saad ko habang naglalakad kami papasok sa Cinemahouse number 2. Tatahi-tahimik siya dyan a, baka mamaya ayaw pala niya yung panood, tapos biglang magbago isip niya, tapos yayain na akong umuwi. E di sayang yung bayad naming 360 Pesos.
"Alam ko." Malamig niyang sagot. Buti naman.
Punung-puno na ang mga upuan lalo na sa harap kaya umakyat na lang kami sa likod at doon naghanap ng mauupuan. Sa awa ng Diyos, meron pa namang bakante kaya nakahanap kami ng kumportableng spot.
Magkatabi kaming umupo. That's when I realized na nasa last row kami dito sa pinakalikod, nasa pinakamadilim na parte ng sinehan, at wala kaming ibang mga katabi.
Pero may couple sa dulo ng pangalawang row mula sa amin. Wala naman sanang problema. Kaya lang... di pa man nagsisimula yung palabas, nagsimula na ang mga itong magmake-out.
Makakapanood pala ako ng live show dito e. Exciting! But the problem is, there's someone so hot beside me. Kailangan ko ng epektibong pagseself-control. Baka kasi... hindi ako makapagpigil!!
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficción GeneralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...