Chapter 18: Masyado kang ma-papel sa CEO

7.6K 200 34
                                    

May tanong ako : Kapag na-published yung His Naked Destiny as a book at lumabas sa market, may bibili kaya? 😂 Hindi ako masyadong confident at positive-thinker e. ANSWER ME! Chos.

Hi! sa mga silent readers! 😉😉

Bilis umangat ng reads. Salamat at tinatangkilik niyo ang Stone Cold. Bilis ko din mag-update kase 'wattpad is life na para kay Miss A e' hahaha.

Pero mas nakakakilig pa rin yata si Kaizer?

~IBetYouKnowMe

==============
==============

I really can't believe na in-invite niya ako ng dinner sa labas. Wala talaga yun sa expectations ko. Never pa din naman kaming lumabas para kumain kahit noong hindi pa siya nagbabago. Kaya nga kataka-taka e. Ito kaya yung paraan niya ng pasasalamat? Kung oo, baka pwedeng ipa-cash na lang?

But... somehow nakakaramdam ako ng tuwa at excitement, na may kahalong kaunting nerbyos. Yun bang nararamdaman ng isang tao kapag niyaya siya ng kanyang crush o manliligaw o nililigawan ng kanilang first date. Nakakakilig na nakakakaba.

"Pagkatapos mo diyan, hintayin mo na lang ako sa lobby. Kakausapin ko pa si Tito Ashton." Sabi ni Aki tapos umexit na siya.

Binilisan ko ang pagta-type sa computer. Mabilis na mabilis talaga. Akala mo bihasang-bihasa na ako sa keyboard pero ang totoo, may mga typo-typo-errors nang nangyayari. Ganyan na. Maiintindihan pa rin yan.

I went directly to the toilet after my work. Pagkatapos kong gumamit ng cubicle, nag-retouched ako ng make-up sa harap ng malaking salamin, at nagsuklay ng buhok. Inayos ko ang suot kong sleeveless blouse hanggang sa medyo lumitaw ang aking cleavage. Hindi naman ako flat-chested kaya may ipinagmamalaki ako kahit papano. Hinatak ko din pataas ang skirt kong round pleats upang mag-shining-bright-like-a-diamond ang legs ko. Huli kong inayos ang suot kong blazer. Balak ko nga sanang tanggalin para lumabas ang ka-sexyhan ko, kaya lang malamig pala sa loob ng kotse niya. Tatanggalin ko na lang 'to kapag nasa restaurant na kami.

Di naman ako nagtagal sa toilet, mga Five minutes lang, lumabas na din ako at bumaba sa lobby. Wala pa siya kaya baka kausap pa niya si Mr. Wang sa opisina nito.

Just when I'm about to go straight to the living space, Mr. Damian Diokno appeared in front of me. Lpoking at his oppressive stare, I think he's going to launch havoc.

"What is it, Mr. Diokno?" I managed to keep myself out of panic, and keep my tone formal. Kung susuklian ko ang mga tingin niya ng parehong klase ng tingin, baka magkagulo lang kami.

"Pakialamera kang babae ka." He said straightforwardly. Don't tell me, naghahanap siya ng away ngayo? Nandito pa siya sa building ng Hallsan pero ganito na ang mga sinasabi niya? Di ba siya nag-iisip?

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Ikaw dapat ang mawala sa kumpanyang 'to. Hindi ako." Sabi pa niya. Teka, bakit ako dapat? Wala naman akong ginagawa na kontra sa rules and regulations ng kumpanya. Mas lalong wala akong masamang hangarin dito. Kapal ng mukha ng matandang to e.

"Masyado kang ma-papel sa CEO, Secretary Juno Althea. May personal ka bang galit sa'kin kaya ipinaimbestiga mo 'ko? Dinamay mo pa si Marikit ㅡ"

"Excuse me, Damian Diokno, hindi ako ang nandamay kay Marikit. IKAW ang nagpasok sa kanya sa gulong ito. IKAW! Wag mong isisi sa iba ang mga pagkakamali mo." Madiin kong pahayag. Paano hindi madadamay si Marikit Dumagit dito kung pati ito ginustong pumasok sa eksena. Bakit ako ang dapat sisihin, e katotohanan lang naman ang hinahanap ko.

Naningkit ang mga mata niya. Tingnan mo nga naman o. Kung sino'ng pag may mali, sila pa yung maaangas. Wala nang mas kakapal pa sa mukha niya.

"Hindi ako aalis sa kumpanya, unless matalo mo ako sa laban, Secretary."

Napangisi ako at napailing. Ano na naman kaya'ng kalokohan ang tumatakbo sa isip niya at hinahamon ako? Anyway, kahit ano'ng klaseng laban 'yan, humaharap ako.

"Sa labas tayo ng building, Juno Althea."

"Mr. Diokno, alam mong wala akong inuurungan." I said as fiercely as I could. Matagal na rin naman nung huli kong nagamit ang mga kamao at paa ko. Tamang-tama, kakain pala ako ng masarap mamaya kaya kailangan kong mag-warm up.

"Ang unang babagsak sa lupa, mag-re-resign ng tahimik at matiwasay." Saad ko na nagpangisi sa kanya. Kapagkuwan ay tumango siya.

"Sige!" Lakas-loob niyang pagsang-ayon.

May mga nakarinig na lobby persons sa aming pag-uusap kaya hindi na ako nagtaka nung paglabas namin ni Mr. Diokno, ay agad kaming napaligiran ng mga kaka-out lang na employees. Nag-anticipate ang mga mata ng mga ito. Baka nga hindi ko lang alam e, nagpupustahan na rin ang mga ito kung sino'ng mananalo sa'min nitong matanda.

"Pagsisisihan mo 'to habang-buhay, Secretary." Pahayag ni Damian habang pumo-posisyon.

Nakarinig ako ng mga pag-aalangan mula sa mga empleyado namin. May mga ilang nagsabi pa nga na huwag ko na daw patulan at baka masaktan lang ako. Mayroon din nagsabing huwag daw akong patulan nitong si Mr. Diokno dahil isa akong babae. Pero hindi kami nakinig. Wala nang bawian at wala nang atrasan 'to.

"Ano pa'ng hinihintay mo? Undas?" Taas-kilay kong sabi. Nakuyom ko ang mga kamao ko nang mag-umpisa na siya sa paghakbang upang makasugod sa'kin.

I prepared myself. Bukod sa kapilyuhan, tinuruan din ako ni Papa ng physical self-defense. Black-belter ako ng Taekwondo nung Grade School. Natuto pa ako ng ibang combat nung highschool at nagamit ko yun hanggang college. Huli akong gumulpi ng tao last year. Kaya kating-kati na rin ang mga kamay ko ngayon.

Pero laking-gulat ko nang hindi pa man lubusang nakakalapit sa akin ni Mr. Diokno, bumagsak na agad ito sa lupa.

Lahat ng tao sa paligid namin, napatakip ng bibig at nagsitaguan ng mga cellphones na malamang ay ginamit ng mga ito upang kumuha ng video. They were instantly frightened by the person who punched Mr. Diokno's face.

"Umuwi na kayong lahat." Sabi ni Aki bago niya kinuha ang kamay ko.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon