My Boss kissed me!
He moves like a starved beggar. Kulang na lang kagatin niya ang labi ko. Kulang na lang nguyain niya ito at lunukin. Feeling ko mamamaga ito sa sandaling tumigil siya. I'm not responding. I'm not moving. Yet I'm loving it. I'm loving the way how he's kissing me, parang punung-puno ito ng emosyon.
In-smack pa niya ako bago niya ito tuluyang tinapos.
Napayuko ako dahil sa hiya. Alam kong maraming tao sa paligid namin. Nariyan pa si Damon. Naroon pa ang mga chismosang empleyado ng Hallsan. Maraming nakasaksi sa nangyari, kaya wala na akong mukhang ihaharap. Maaaring para sa mga babaeng nakapanuod sa'min, napakaswerte ko dahil hinalikan ako ng isang lalaking katulad ni Aki. Maaaring para sa kanila, nakakainggit na ako. Pero hindi nila alam... yes, I might be feeling so lucky... but I am also feeling embarrassed, nervous, and worried. Nag-aalala ako sa maaaring sumunod na mangyari. Naa-alarma ang isip at loob ko.
And now, I am feeling so confused, too.
"Thea..." Aki murmured. Unti-unting bumaba ang kamay niya hanggang sa hawakan niya ang kamay ko na dati'y nakahawak ng bouquet. Yung bouquet... I think I unconsciously dropped it while he is kissing me.
"Thea..." Muli niyang sambit. Umiling-iling ako dahil ayokong tumingala. Ayoko siyang tingalain. Natatakot akong malaman na baka nag-i-imagine lang ako, na baka ibang lalaki pala ang nasa harap ko. Natatakot akong malaman na baka panandalian lang itong kilig na nararamdaman ko ngayon. At the same time, nahihiya din ako ng sobra.
Ngunit nakaramdam ako ng bahagyang kaginhawaan nang pisilin niya ang kamay ko.
"Let's eat lunch together."
Hindi pa man ako nakakasagot ng oo o hindi, hinila na lang niya ako papasok sa lobby, sumakay kami ng elevator papuntang basement kung saan ang parking lot. We rode a Black Audi, then finally headed to Silver Wings Restaurant.
Hindi lubos na makaapaw ang kilig o tuwang nararamdaman ko dahil may pangamba ako sa tuwing pumapasok sa aking isip si Damon. Hindi ko na nakita kung ano ang naging reaksyon nito. Paano kung nagselos ito ng husto, nagalit at iniisip nang gumawa ng kasamaan laban kay Aki? What if he'll threaten me again, na mamamatay ang boss ko? Wala pa namang makakapagsabi kung ano'ng nasa isip ng isang taong naka-depende sa drugs?
"Thea..."
Bahagya akong nakatungo nang tawagin ako ni Aki. Nasa restaurant na kami, magkaharap na kaming nakaupo sa isang table, at kaka-order lang niya ng pagkain. Lahat ng ito nangyari na nang hindi ako tumitingin sa kanya. Nahihiya pa rin kasi ako e.
Sinulyapan ko siya tapos tumitig din ako sa ibabaw ng table.
"Yun ba yung ex mo?" He calmly asked. Hindi cold ang boses niya. Actually, napakalambing nga ng pananalita niya ngayon e. Para bang napaka-gentleman niyang tao ㅡ maginoo na medyo bastos.
Napatingin na ako ng tuluyan sa kanya, but it took me a while before answering. Hindi nga pala niya nakilala si Damon Yoo o Mar Lou noon dahil matagal na siyang naka-graduate nung ligawan ako nito. Ngayon, parang hesistant akong sabihin na ito nga ang aking ex-boyfriend. Pero... bakit naman hindi ko aaminin di ba? Kaya tumango na lang ako.
"Do you still like him?"
Napaawang ang bibig ko. Nai-intriga yata siya kaya nagtatanong siya ngayon. Himala na naman kasi e. Hindi naman niya ugaling mang-usisa noon. But now, he looks so curious.
Sasagot na sana ako nang may lumapit sa table naming isang restaurant crew. May dala itong bouquet ng red roses at nabigla ako't nagtaka nang iabot nito iyon sa akin.
"Para sa'kin?" Tanong ko, then I swayed my wondering eyes from the service crew to Aki and back to the service crew.
"Para sa'yo." Kay Aki nanggaling ang sagot imbes na sa waiter. I looked at him, feeling astonished and curious. Why? Bakit bigla siyang nagiging sweet at nakakakilig? Bakit?! Ano'ng meron?
Tumango siya sabay senyas sa bulaklak upang kumbinsihin akong tanggapin iyon. Syet. Ang haba-haba talaga ng buhok ko ngayong araw. Biruin mong dalawang hindi basta-bastang lalaki ang nagpakita ng interes sa'kin. Nakaka-overwhelm sana, kung hindi lang ako nag-aalala tungkol sa maaaring mangyari kinabukasan.
Hay. "Salamat." Kahit nagtataka, tinanggap ko ang bulaklak. Sana forever na itong nararamdaman kong kilig mula sa boss ko!
"May bayad 'yan."
"Hah?!" Nalaglag ang panga ko dahil sa gulat. Akala ko ba binibigay niya tong bouquet sa'kin, tapos pinapabayaran niya? Ibalik ko na lang kaya?
"Don't go somewhere with someone else, lalo na kapag yung ex mo. If you want to go out, just tell me. I can set a day with you anytime. Makipag-date ka sa'kin."
Yun na yon? Yun na yung bayad? Date?! Nanlalaki ang mga mata ko habang hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. Jusko! Si Aki pa ba yang kaharap ko ngayon? Sinapian na yata siya ng ligaw na kaluluwa ng Papa ko.
"Sabihin mo sa'kin, kinausap ka ba ni Papa?" I asked out of disbelief. Hindi ko kasi maiwasang isipin na nakikisawsaw lagi ang magaling kong Tatay sa buhay ko, sa lovelife ko. Hindi imposibleng kausapin nito si Aki at sabihan ng kung anu-anong kalokohan. Anupa't super close din naman sila e, noong hindi pa nagkakaproblema si Boss.
"Hindi. Wala siyang sinasabi sa'kin." Sagot niya. Ngunit parang hindi ako kumbinsido.
"Kung gano'n bakit nagkakaganyan ka? Bigla-bigla kang nag-aaya ng date? Dahil ba nahihiya ka sa Papa ko nung mahuli niya tayong natulog sa iisang kama? ㅡ."
May mga sasabihin pa sana ako. Marama pa sana. Tapos aaminin ko na din yung tungkol sa Operation: Akitin si Aki na binuo ni Papa. Kaso hindi niya ako pinatapos. He interrupted me by saying a line that made me completely dazed.
"Dahil gusto kita, Thea."
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficción GeneralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...