Nung lasing si Aki, sinabi niyang ang ganda ko. E di feel na feel ko naman 'yon. Naniwala talaga akong maganda ako kasi sabi nila, nagsasabi daw ng totoo ang mga lasing.
But when he's completely sober, sinabi naman niyang hindi ako maganda. Napahiya ako dun. Sobrang napahiya ako. Nawala lahat ng kilig na naramdaman ko. Hmp!
Kahit may sama ng loob, pumasok pa rin ako sa trabaho. Trabaho lang naman ang lahat dito, walang personalan. Sana nga, wala talaga.
Pagpasok ko sa lobby, unang-una kong nakita si Marikit Dumagit. Aba! Siya pa talaga no? Kausap niya yung mga front desk agents, at mukhang nagtatalu-talo sila. Nang malapit na ako'y saka ko lang narinig ang kanilang pag-uusap.
"Pag kasal na kami ni Achilles, ipapatanggal ko kayong dalawa!" She vociferated, although not so loud, sapat naman iyon para marinig ko ng malinaw. Kumulo agad ang dugo ko. Di pa man napapatunayang anak nga no Aki ang dinadala niya, lumaki na agad ang kanyang ulo. What more kapag nakasal nga sila?
"What's happening here?" Lumapit na ako nang tuluyan, maintaining a good posture and a serious authoritative manner. Sumama agad ang timpla ng mukha niya nang makita ako.
I gave demanding gazes at the front desk agents for them to give me an answer. Di naman ako nabigo.
"Ma'm, pinagpipilitan kasi niyang pumunta sa office ni Mr. Buenavista. Kaso hindi naman siya nag-set ng appointment."
Ang kapal naman ng mukha nitong si Marikit. Lalo niyang sinisira ang mood ko.
"Nandun na ba si Boss?" I asked them again. Bawal kasing magpapasok ng kung sinu-sino sa mga opisina sa taas lalo na sa Office of the CEO. Kung may gusto makipag-usap kay Aki tuwing office hours, nagpapagawa sila ng appointment. Kung hindi naman, tinatawagan na lang nila ito.
"Pumasok na siya kanina, Ma'm." Sagot ng isang FD agent.
"O e ba't di mo tawagan?" Sabi ko kay Marikit. Kung may karapatan na nga siya kay Aki, pwede niyang tawagan ito sa personal number nito.
"Ano ba'ng gagawin mo don kasi?" Muli kong tanong.
"Ibibigay ko to sa kanya." Itinaas niya ang lunch basket na bitbit niya. Woah! E ang bait naman pala nitong si Marikit Dumagit. Di pa sila kasal pero may paandar na siyang ganyan. Gusto yata niyang patunayan na kaya niyang maging wife ng isang Boss?"Bakit ko pa kailangang mag-set ng appointment? Hindi ba't alam na ng buong company na magiging asawa ako ng CEO? Dapat hinahayaan niyo akong makipagkita sa kanya."
"Kung gaano kakapal ang make-up mo, ganundin kakapal ang mukha mo..." Diretsahan kong pahayag. Pakialam ko kung ma-offend siya. Hindi na nga ako ang personal na sekretarya ni Aki, pero trabaho ko pa ring proteksyonan ang privacy nito dito sa loob ng Hallsan building.
I saw the FD Agents' shocked faces on my peripheral vision. Nagulat yata sila sa pagiging prangka ko.
May karapatan akong magtaray dahil Company Secretary ako, compared to this employee. Kahit sabihin niyang pakakasalan siya ni Aki, na'san ang pagpapatunay na engaged na sila? Na'san?!
"Hintayin mo munang i-acknowledge ka ni Boss bilang fiancee niya bago ka i-acknowledge ng buong Hallsan Corporation bilang Lady Boss. As of right now, you're still a regular and normal employee." I monoyonously stated while holding back my anger. Huwag na sana niyang hintaying ipakaladkad ko siya sa security palabas ng building na 'to.
Tutuloy na sana ako sa elevator area nang sundan ako ni Marikit.
"Sino ka ba?" Taas-noo niyang tanong. Tumigil ako sa paghakbang at tinitigan ko siya ng may pressure.
"Empleyado ka rin naman dito, eh. Pero kung umarte ka parang ikaw itong Boss. Kaya mo kong taray-tarayan dahil mayaman ka, dahil negosyante ka, samantalang ako, isa nga lang akong empleyado na sumusweldo ng 18 thousand a month. Pero parehas lang naman tayong empleyado dito. Bat kontrang-kontra ka sa'kin? May gusto ka ba kay Achilles?" Drama niya. Tch. Hindi niya ako madadaan sa acting, okay?
"Wala akong gusto sa kanya."
"Kung gano'n, hahayaan mo akong pumunta sa office niya. Dadalhan ko lang naman siya ng lunch." Ang kulit din niya e.
"Ako na lang ang magdadala niyan sa kanya." Sinubukan kong gawing mahalumanay ang pananalita ko, at sinubukan kong kunin yung lunch basket sa kanya pero di niya ito ibinigay. Makakarating naman yun kay Aki a. Wala ba siyang tiwala sa'kin?
"Pupunta ako sa office niya." Inunahan na niya ako sa paglalakad papuntang elevator, pero bago pa man siya makapasok, hinatak ko siya.
"Hindi ka rin papasukin ng Secretary niya don."
"I don't care!" Itinulak niya ako. Huh! Warfreak siya! Walang siyang galang sa superior niya. Wala siyang modo!
"Teka nga lang ㅡ " I pulled her out of the elevetor. Nawalan yata siya ng balanse, o nadulas ang sapatos niya sa sahig kaya siya ay napaupo. Dinig na dinig ang pagbagsak ng hawak niyang lunch basket.
Kasabay no'n ang pagbukas naman ng katabing elevator. Kitang-kita ni Aki yung nangyari. Kitang-kita rin namin ni Marikit ang paglabas niya doon. Kaya hindi na ako nagtaka nung umarte si Marikit na parang sobrang nasaktan. Bigla itong umiyak habang hawak ang puson.
Aki suddenly looked confused and worried as he saw her fake pretense. Dali-dali niya itong kinarga at dinala kung saan.
I was stunned in surprise.
"Ouch." A voice suddenly interrupted. Pagtingin ko, nakangisi si Allyson O'niell habang papasok sa elevator. Binigyan pa niya ako ng nakakapang-asar na ngiti bago tuluyang sumara ang dalawang pinto.
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Narrativa generaleAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...