Chapter 37: Release her

5.9K 182 12
                                    

Aki is here to rescue me.

Inasahan ko na 'to, pero nakaka-overwhelm pa rin sa pakiramdam. Pumipintig-pintig ang puso ko habang pinapanuod ko ang pagbukas ng pinto ng kanyang Mustang at ang paglabas niya. Sa likod niya, nakapwesto na agad ang Vesta Security Team, nakatutok ang mga baril ng mga ito dito sa direksyon namin ni Damon.

Damon shut the engine off before bringing out a gun. Sh*t! Wala naman sanang barilan at patayang mangyayari dito. Mahina ang sikmura ko kapag nakakakita ng dugo 'no.

"Get out." Sabi niya ngunit hawak niya ng mahigpit ang aking kamay. I opened the car's door at bumaba ako kasunod si Damon. As soon as we both got out of the car, his arm wrapped my shoulders at itinutok niya ang baril sa sentido ko.

My back was immediately stiffened.

"Back off, CEO. Or I'm gonna pull this trigger." Banta ni Damon. Jusko! Kaya ba talaga niya akong patayin? Napalunok ako at napapailing habang tinitingnan ko si Aki. I don't ㅡ I don't wanna die yet. But I also don't want Aki to back off. Sasama ako sa kanya. Sasama ako sa kanya!

Aki's face became dark, and icy-cold, pero relaxed lang naman ang pagkakatayo niya. Titig na titig siya kay Damon. Maybe, maybe he's thinking of a way how he'll gonna save me. He is thinking, I believe it.

Pero hindi ko alam kung sino'ng mananalo sa kanila. Dalawang demonyo ang nagtagpo, dalawang demonyong magkaiba ang uri ng kasamaan.

Then, who will save me from whom?

Naguguluhan na ako.

Si Papa! Nasa'n na si Papa?!! Janus Villavicencio, mag-teleport ka ngayon din! Aahhh! Wala, hindi siya darating dito dahil alam niyang nandito si Aki.

"Release her." Pahayag ni Aki gamit ang awtorisadong boses. Kung empleyado o tauhan lang niya si Damon, malamang, hindi na ito nagdalawang-isip na pakawalan ako. Ang kaso, ito si Damon, hindi ito magpapagapi.

"Try to kill me first before I'll give her to you." Sagot ni Damon saka nito hinigpitan ang hawak sa akin. "Thea is mine. If I can't get her, then I'll just take her life. But it's better if I'm gonna take her body first." After saying this, nanayo ang mga balahibo ko nang lapastangan niyang dinilaan ang leeg ko.

Instead of protesting, ipinikit ko na lang ang mga mata ko sa pandidiri. Natatakot akong gumalaw dahil baka makalabit niya yung baril na nakatutok mismo sa ulo ko.

When I opened my eyes, I saw Aki's fists clenching. Ow, para saan yung galit at panggigigil na yon? Dahil ba hinarass ako ng demonyo? Dahil ayaw niyang makitang nababastos ako? I cannot think straight right now, but I suddenly remembered the details I heard from his conversation with Allyson.

Wala siyang gusto sa'kin. Ginagamit lang niya ako sa pansarili niyang kapakanan.

Lumunok ako at nagsimulang magsalita sa kabila ng takot.

"Umalis ka na, Boss..." He looked directly at me, with a confused gaze. "Wala ka nang mapapala sa'kin. Kahit ma-rescue mo ako dito, aalis na ako sa Hallsan, balak ko nang mag-resign..." Naningkit ang mga mata niya. I can see curiosity from them.

"Nagsinungaling ka sa'kin nung sinabi mong... gusto mo ko." Jusko, bakit ako naiiyak? At siya naman ay mukhang nagulat ng bahagya. "Wala ka naman talagang gusto sa'kin, di ba? Gusto mo lang ako kasi kailangan mo ko sa trabaho, alam mo kasing kaya kitang ipagtanggol sa mga kalaban mo sa kumpanya. Pero yung romantic feelings, walang kang ganun di ba? Dahil cold ka... manhid ka."

Aki's face went gloomy.

Parang nabunutan naman ako ng tinik. Buti na lang napigilan ko ang iyak, dahil kung hindi... patay ako dito.

This time, kay Damon na ako nag-focus. "Ibaba mo na... If you're going to be good to me from now on, I might consider reuniting with you." Hinawakan ko ang kamay niyang may hawak ng baril at ibinaba ito. He looked straight into my eyes, I did the same. Hindi ako ngumiti, pero hindi rin ako nagpakita ng galit. All I showed is gentleness, upang makuha ang tiwala niya.

Nang sa tingin ko ay napaamo ko na siya, mabilis kong inagaw ang baril mula sa kanyang kamay at itinutok iyon sa kanyang dibdib.

"Hoaxer!" Damon shouted devilishly.

Naharapa ako sa kanya, tuto na tutok sa kanya ang sarili niyang baril habang humahakbang ako ng paatras, palapit kay Aki. Oo, mapanlinlang ako. Ano'ng silbi ng pagiging maganda ko kung hindi ko ito gagamitin sa pag-arte?

"Thea, I'm telling you, you will going to regret this!"

"Mas magsisisi ako kapag sa'yo ako sumama. Demonyo ka e! Pareho kayo ni Aki, pero mas demonyo ka!"

Pagtingin ko sa katabi ko, nakatingin ito ng masama sa'kin. Aw, half-joke lang naman lahat ng sinabi ko e. Di ko sinasadyang ma-offend siya. Tss...

Kinuha ni Aki ang baril sa akin at siya na ang nagtutok niyon kay Damon. Huwag! Huwag sana silang mag-umpisa ng aksyon dito.

"Back off, or else I'm gonna put you to jail." Aki threatened. Kapag siya na itong nagsalita, mas panatag ako. Mas nakakatakot siya kaysa kay Damon.

"We're not done yet. Thea, we're not done yet." Pahayag ni Damon bago ito sumakay sa kotse. Umatras ito at ang mga tauhan nito at bumalik sa kanilang mga pinanggalingan.

Nagpaluwag ako ng hininga nang wala na yung isang demonyo. But now, I have to deal with the other demon who's standing beside me.

"You..."

Bago pa man niya maipagpatuloy ang kanyang sasabihin, I grabbed his nape, I tip-toed, to kiss him on the lips. Kung hindi niya ako gusto, gagawa ako ng paraan para magustuhan niya ako. Yun ang purpose ng Operation: Akitin si Aki.

Pero laking gulat ko nang yakapin niya ako at hinalikan ng mas malalim.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon