Chapter 56: Let's put it an end

6.1K 150 23
                                    

Being in a relationship with Aki is like I'm with the clouds. Umaabot hanggang himpapawid ang kaligayahan ko. Pang-siyam na araw pa lang namin ngayon pero parang 900 years na kaming nagsasama. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko. I'm feeling happy, sexy, and wild.

Walang kaming kapaguran, wala kaming sawa. Gabi-gabi kaming magkahiga at gumagawa ng milagro. Dahil sa matinding pagkagusto namin sa isa't-isa, nagawa na namin lahat ng posisyon ㅡ lahat, pati akala kong imposible ay posible pala.

Kagabi lang kaming hindi nagkasama dahil pumunta ako sa birthday celebration ni J-Lo. Pinag-usapan din kasi namin ng bestfriend ko ang tungkol sa Juno Cosmetics kaya nagdesisyon ako sa bahay na lang nito ako matulog.

I texted Aki last night at 9pm, pero hindi siya nag-reply. Hanggang ngayong umaga, hindi pa rin siya nagpaparamdam sa phone ko.

Narinig ko mula kay Papa na ipinapa-imbestiga ulit ni Aki ang aksidenteng nangyari sa kanyang parents, since last week pa raw, ngunit wala siyang nabanggit sa akin tungkol doon. Maybe he doesn't want me to get involved with it anymore. Hahayaan ko na lang siya. Hudyat lang yon na tuluyan na nga siyang moved on sa nangyari. Dahil noon, ni halos ayaw niyang makarinig ng mga bagay tungkol sa parents niya. I'm happy that he seems to be totally okay now.

Namimiss ko siya kaya minabuti kong silipin muna siya sa kanyang bahay bago ako dumiretso sa bahay upang maligo. It's still 6am kaya tiwala akong hindi pa siya nakakaalis.

I opened his front door. Maingat ko ring isinara iyon, tapos tahimik akong naglakad sa sala papunta sa kanyang kwarto. Bukas ang pintuan no'n, naririnig ko rin ang footsteps niya sa loob. Ngiting-ngiti ako nung makatapat na ako sa bukas na pintuan.

I immediately saw Aki standing in front of his life-sized mirror. Nakaligo na siya at nag-aayos ng kwelyo ng kanyang white long sleeves.

I was about to take a step when I saw another person inside his room. A woman who's only covered by a towel sweetly hugged him from behind. Umikot si Aki, niyakap niya ito hinalikan sa bibig.

Nanlamig ang buong katawan ko at nanlambot naman ang aking mga tuhod. Nine days pa lang kami ni Aki but he's already cheating on me. And worst, with Caitlin.

Hindi ako nakagalaw kaagad pero yung mga luha ko ay nagbabadya. They stopped when they noticed me. When he finally set his icy-cold eyes on me, I asked myself the biggest question WHY?, before I left the house.

I tried to convinced myself that is was all a dream. Pero kung panaginip 'yon, bakit ako nasasaktan? Bakit ako umiiyak pa rin? Hinintay ko si Aki na habulin ako, na mag-doorbell siya at ipaliwanag niya sa'kin ang nangyayari, pero sa boardroom na kami nagkita.

In an instant, bumalik siya sa pagiging cold at expressionless na Aki. Masyado akong naniwala, masyado akong naging sigurado, masyado akong naging masaya nitong nakalipas na walong araw, tapos eto lang pala yung kapalit. Hindi ako nakapag-concentrate sa meeting namin. Panay ang tingin ko sa kanya, subalit sa kabilang dako siya tumitingin ㅡ kay Caitlin na masayang-masaya.

May mali ba akong ginawa?

O isa lang ako sa mga ginamit niya upang makalimot siya sa problema?

Pero bakit niya sinabing mahal niya ako?

Bakit niya sinabing ako ang babaeng gusto niyang pakasalan?

"Aren't you going to explain?" Tanong ko nang kami na lang dalawa ang naiwan sa loob ng boardroom. Tumayo na rin siya at handa nang lumabas pero ako, nakaupo pa rin. Pinipigilan kong mapaluha at magalit. I want him to say something dahil baka may acceptable explanation o reason yung nakita ko kaninang umaga.

"Let's put it an end. I have nothing to explain." Malamig niyang tugon. Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ko.

"May nagawa ba ako? Ano'ng problema? Mag-usap tayo." Pakiusap ko nung naglalakad na siya palapit sa pintuan. Bumagsak na rin ang mga luha ko.

"Marami pa akong gagawin."

"Pagkatapos ng trabaho. Mamayang hapon o gabi. Hihintayin kita, mag-uusap tayo. Aki..." My voice evaporated into thin air as he step outside and shut the door closed. Para akong timang na naiwan sa loob ng boardroom.

Tumatakbo sa isipan ko ang tanong na bakit hanggang pagsapit ng uwian. Hindi ako nakapag-focus sa trabaho ko. Tulala lang ako buong araw.

I texted him na magkita kami sa The Champion's Park para makapag-usap kami ng maayos. Dahil kung sa bahay ko o sa bahay niya, baka ibang pag-uusap lang ang mangyari.

I've waited for his reply but nothing came. I patiently waited for him. Alas otso na ng gabi, wala pa siya. Naghintay pa rin ako dahil naniniwala akong hindi niya ako matitiis. I texted him again saying that I'm still waiting. Lumipas na naman ang isang oras ngunit wala talaga.

Lumalalim na ang gabi. Lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Ramdam ko na ang gutom ngunit wala akong balak kumain hanggat hindi ko siya nakikita at nakakausap.

Maiiyak na naman ako nang sa wakas ay nakarinig ako ng padyak ng mga sapatos na papalapit sa akin. Mabilis akong umikot. Mabilis ding pumatak ang mga luha ko nang makita kong hindi si Aki ang dumating.

I was so careless and pathetic. Hawak na naman ako ni Damon Yoo.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon