Chapter 43: Who are they?

6.2K 164 26
                                    

JUNO ALTHEA

Unti-unti akong nagbukas ng mga mata at nasilaw ako sa liwanag ng araw na tumatama sa glass window. I could see tall trees outside, I could hear singing birds. Hindi ko alam kung nasa'n ako, but I am one hundred percent sure that I am not in the hospital.

My weak eyes intently scanned the room. Though this is an ancient-inspired room, every feature is elegant, every thing is pricy. Ngunit wala ni isang bagay ang nakita kong pamilyar sa'kin.

I pasted my eyes on the off-white ceiling, wondering who have brought me here.

I remember I was shot by a bullet in my lower back. I remember hearing multiple gunshot sounds after I was shot. I remember someone rushing me to the hospital before I finally lost my consciousness. Hanggang doon na lang yung mga naaalala ko.

Pumikit ulit ako. After a minute or two, dumilat ako at unting-unting bumangon. Ramdam ko pa rin ang panghihina, ramdam na ramdam ko din yung sakit ng sugat ko na dulot ng pagkakaopera sa'kin. But I managed to get off of the bed. Pinilit kong maglakad ng dahan-dahan hanggang sa maabot ko ang pinto ng toilet.

After using the toilet, diretso ako sa labas ng kwarto. Madilim ang hallway dahil sa dark interior ng bahay ngunit may liwanag naman na tumatagos sa mga bintana. The moment I stepped out of the room, I heard the door on the other room being closed. Hindi ako mag-isa dito. May mga nakatira dito. But who are they?

Nakadikit ang mga palad ko sa dingding bilang suporta habang naglalakad ako palapit sa pinto ng sumunod na kwarto. I have to know where I am. I have to know who owns this house. And I have to know how dod I get here.

Nasa tapat na ako ng saradong pintuan nang makarinig ako ng mga boses mula sa loob ng kwarto.

"Look at that, manang-mana sila sa'kin sa pagsayaw."

"Ako kaya ang magaling sumayaw sa'tin. Sa'kin sila nagmana."

"But you didn't pursue that passion, Love. Kapag nakilala na sila ng mga tao, sasabihin ng mga ito na, 'ay manang mana sa Nanay', you know that I was known to be a great dancer, and not just that... Ow, I missed the kids so much."

"Yeah, you're really a great dancer in all terms, especially in bed... Why don't we make another kid, Love? Pwede pa yan."

"Are you kidding me? Mukhang malapit nang magkaroon ng sariling pamilya yung panganay natin. Maghintay na lang tayo ng apo."

Who are they? I'm very curious right now. Hearing their dialogue, I know that they're couple ㅡ a happily married couple. They sounded so familiar. Their voices are so familiar like I have heard them before.

Who are they? The only way to find out is for me to open this door and take a peek.

Umaapaw na ang kuryosidad ko. Kailangan kong malaman kung sino sila.

I held the doorknob and twisted it.

"Madam Thea."

Konting tulak na lang sana ang kailangan at mabubuksan ko na ang pinto, ngunit dumating ang Head Security ng Vesta, si Old Chief Salcedo. Binitawan ko agad ang doorknob, leaving the door fully closed.

I faced Old Chief Salcedo with courteousness. Ngayong nakita ko na siya, nawala na ang pag-aalala ko dahil alam kong nasa mabuting kamay ako. I might be here in one of Vesta's property. O kaya baka si Papa mismo ang nag-utos na dito muna ako dalhin.

"Chief Salcedo, nasa'n po si Papa?" Tanong ko. Medyo nagtataka din ako dahil dapat nandito silang pamilya ko ngayon.

"Nasa trabaho, Madam. Galing sila dito kaninang umaga."

"Nasa'n ba tayo?"

"Vacation house ito ng mga Buenavista, nasa Batangas ho tayo. Kabilin-bilinan ni Sir Janus na dito ka muna hanggat hindi ka pa tuluyang nakakarecover."

"Si... Kuya Aki?" Well... gusto ko lang malaman kung kumusta si Boss at kung dinalaw na ba ako nito.

"Nasa Maynila siya. Hindi pa siya pumupunta dito pero lagi ka niyang kinukumusta sa'kin."

Okay. Mukhang wala naman yatang problema kay Aki. At least he's doing fine, kahit hindi niya ako puntahan dito, okay lang.

"Bumalik ka na muna sa kwarto, Madam. Dadalhan ka na lang ng pagkain doon. Anytime, darating din ang doktor na susuri sa sugat mo."

Tumangu-tango ako, pero hindi ako umikot upang bumalik sa aking pinanggalingan. Hinihintay ko si Old Chief Salcedo na siyang maunang umalis dahil itutuloy ko ang balak ko na buksan ang katapat kong pinto. Pero hindi siya umalis. Mukhang hinihintay niya akong bumalik sa kwarto.

I'm just really curious. Hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nalalaman kung sino'ng mga nasa loob ng misteryosong kwartong ito.

"Aah... Chief Salcedo... may tao po ba dito sa loob?" Lakas-loob kong tanong.

"Wala, Madam." Agad niyang sagot sa tipid ngunit siguradung-siguradong pamamaraan.

"Pero kasi... pwede ba akong sumilip?"

"Pasensya na po, pero wala akong karapatang magdesisyon para sa bahay na ito. Kahit Papa niyo ang tagapangalaga nito, pag-aari pa rin ito ng mga Buenavista."

Para na rin niyang sinabi na wala din akong karapatan maghalungkat ng kung ano dito. Sabagay, tama naman. Naiintindihan ko siya. Hindi lang talaga mawala sa isip ko ang kuryosidad. Lalo pa't napansin ko din na bigla nang tumahimik kanina sa loob nung tawagin ako ni Old Chief Salcedo. Napakatahimik na, wala na akong naririnig kahit kaluskos.

Di kaya...

Di kaya may multo sa bahay na ito?!

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon