Chapter 58: Please accept my resignation

5.9K 182 29
                                    

Kahit ayaw nina Papa na pumasok ako sa opisina, pumunta pa rin ako pagkatapos ng tatlong araw na pagkukulong. Gusto nilang magpa-counseling pa ako, pero para ano pa? Malungkot nga ako ngunit nasa tama pa rin naman akong pag-iisip.

I should go to office, merely, to end everything. Ayokong magkaroon ng UTANG sa Hallsan. Kapag hindi pa ako pumasok, siguradong kung anu-ano na naman ang sasabihin ng mga Board of Directors tungkol sa'kin.

Sa hallway pa lang papuntang boardroom, pinag-uusapan at pinagtitinginan na ako ng mga empleyadong nakakasalubong ko at nakakakita sa'kin. Taas-noo lang akong naglakad, taas-noo din akong pumasok sa boardroom.

May mga natahimik, may mga tumikhim, at mayron din akong napansin na ngumisi. "May pamunas ba kayo riyan? May madumi." Mr. Galleon hoarsely stated just as I sat down on my usual spot. Bully. Childish. Ta**-ina mong panot ka! Alam kong ako yung tinutukoy niyang madumi. Ta**-ina niya! Pero wala ako sa mood para makipag-away.

"Miss Villavicencio, you've been absent for how many days without excuses. That's considered AWOL. How come you still managed to enter the room like there was nothing happened?" Tanong ni Mrs. Francia. AWOL my face. They're acting like they don't have any clue about what happened to me, yet it's visible to their hideous faces that they're fully aware. Ang sabihin nila, gusto lang nila akong insultuhin.

"The CEO knows what happened to me so no one marked me AWOL..." I monotonously articulated. I pasted my eyes on the table nang hindi kung saan saan ako nakatingin. I don't want to meet his gaze, neither I want to utter his name, nor call him 'boss'.

"What happened to you? That rape case? Are you sure you were raped?" Hindi ako tumingin sa nagtanong na si Mr. Galleon. Sige lang, insultuhin mo pa ako, may araw ka rin.

I remained silent staring at the table, waiting for someone to stop the negotiation or at least to defend me from being insulted. Wala ba silang puso? Bakit hindi sila umiimik.

"No one here believes that you were raped. By your ex-boyfriend?... Ang sabihin mo, desperada ka. Sluts are everywhere now. Kapag hindi sila napagbigyan, sila ang magagalit, parang sila pa ang lalabas na biktima."

Tumayo ako na kuyom ang aking mga kamao. Nevertheless, I suppressed my anger. They will only think how guilty I am kapag pinatulan ko pa sila. "Hindi ako pumunta dito para makipagdebate. I'm here to officially give up my position..." Hinugot ko ang puting letter envelop mula sa aking handbag at iniabot iyon sa CEO.

"Please accept my resignation, Sir."

Ang sakit-sakit bitawan ang trabahong minahal ko na. Dito ako nagsimula. Nangako ako sa sarili ko na kahit ano'ng mangyari, hindi iiwan ang Hallsan. Pero humantong na ako sa puntong hindi ko na kaya. Kapag nanatili pa ako dito, baka hindi lang ako ang mamatay. Hindi ko na kaya. Wala nang dahilan para lumaban pa ako at proteksyonan ang isang taong mahina ang loob. Wala akong kasalanan sa kanya para saktan niya ako. Hindi ko kagustuhan ang nangyari sa parents niya. Mahina ang loob niya. Hindi niya ako kayang ipaglaban. Ni hindi siya makatingin ngayon ng diretso sa'kin. Bakit?! Hanggat maaari gusto ko siyang sigawan, gusto kong ipagsigawan sa mukha niya na ang tanga-tanga ko dahil nagkamali ako ng taong minahal at pinagkatiwalaan. He doesn't deserve me. He never will.

I heard chuckling sounds from the oldies. Hindi na ako magtataka kung masayang-masaya silang nag-resign ako, dahil yun naman talaga ang alam kong gustung-gusto nilang mangyari. Fine. Magsama-sama sila.

Inilapag ko na sa harap ng CEO ang resignation letter ko nang hindi pa niya ito abutin.

"I'm also surrendering Juno Cosmetics to Hallsan. My position is all yours now. Anyway, I don't deserve to stay here. My intelligence is not worthy to be shared with this arrogant and selfish board."

Tumayo si Mr. Galleon at nakita ko sa aking peripheral vision na dinuro niya ako, but nothing came out of his mouth cause I interrupted him by bowing down my upper body.

"I wish you all good health. Sana hindi mangyari sa mga anak niyong babae ang mga nangyari sa'kin." Pagkaayos ko ng tayo, nakita ko agad ang mukha ni Caitlin na hindi ko malaman kung natatawa o naiinsulto. Wala na akong pakialam. May araw din silang lahat.

Lumabas ako ng boardroom na mabigat ang dibdib. Umiiyak si Chariss dahil nag-eempake na ako ng mga gamit. Mahaba rin ang pinagsamahan namin sa opisinang ito. Mahaba rin ang panahong iginugol ko sa lugar na ito. E ano pa nga ba. Every story must come to an end to start something new again. Tatalikuran ko ang buhay na nakasanayan ko para sa pagbabago.

Karga ng bodyguard ko ang box ng aking mga gamit nang pumasok kami sa elevator. Nagkataon pang naksabay ko ang CEO at si Caitlin. Pagkakataon nga naman, sadyang nakakainsulto.

"Juno Althea, why don't you join us for the lunch before you go ㅡ."

"Huwag mo kong plastikan. Di yan uubra sa'kin." Mabilis kong sagot sa pabalang na paraan. Ang kapal ng mga mukha nila para kibuin pa ako. Ang kapal talaga.

"Nandito ka pa rin sa Hallsan kaya magpakita ka ng respeto." sagot niya. Napangisi ako saka ko siya tinitigan. While the CEO is quietly standing behind her.

"Wala na akong dahilan para irespeto pa kayo."

"You're freak."

"So? At least hindi ako plastic."

"Iniinsulto mo ba ako?" Taas kilay niyang tanong.

"Nainsulto ka?"

"TAMA NA!" Sigaw ng CEO at sa akin pa talaga itong tumingin ng masama. Great. They would be a perfect match to be a great couple. Bagay na bagay sila.

"Ta**-ina mo, Aki! Wala kang karapatang magalit sa'kin. Wala akong kasalanan sa'yo!" Depensa ko. Saktong bumukas ang pinto ng elevator kaya nauna na akong lumabas sa kanila.

F**k! Walang mapaglagyan ang galit ko kaya pagkasakay ko sa backseat, iniiyak ko na lang.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon