Sa hallsan subdivision pa lang, iniligaw ko na yung mga inutusan ni Papa na sumunod sa'kin. Nag-drive ako ng matulin upang hindi na makasunod pa ang mga ito. Sagad kung sagad ang pagtapak ko sa gas. Wala akong pakialam kung maaksidente ako. Yun nga ang gusto kong mangyari. Hindi na ako natatakot mamatay.
Nakipag-karera ako sa ibang mga sasakyan sa hi-way papuntang Lucena. I going nowhere. Gusto ko lang matakasan ang realidad. Gusto kong baguhin ang tadhana ko, na ito sana ay magtatapos na dito... gusto kong matapos na.
Kanina... nginitian ko si Aki. Masakit pero nagawa kong ngitian siya. Dahil yun na yung huling pagkakataon na ngingiti ako para sa kanya.
Yun na yung huling beses na makikita niya kung gaano ako kaganda kapag nakangiti.
Ngumiti ako ng maganda upang hindi niya ako makalimutan. Tatanim sa isip niya ang ngiting iyon hanggang sa muli naming pagkikita ㅡ kung magkikita pa kaming muli.
Ayokong iwanan sina Papa, Mama at Jenna, pero kung ito lang ang paraan upang mawala ang sakit... kung ito lang ang paraan upang hindi na ako makaramdam, gagawin ko. Kahit pa isa itong malaking kasalanan.
Tumabi ako sa daan mga 50 meters mula sa intersection. Hindi masyadong busy ang hi-way. Mangilan-ngilan lamang ang dumaraang mga sasakyan kaya halos lahat ay matutulin ang takbo. Ilang beses akong nagbomba bago ko ginalaw ang kambyo. I hit the gas just when I saw a 16-wheeler truck coming from the right. Kitang-kita ko dahil damuhan lang naman ang mga nasa paligid.
Isinagad ko hanggang sa 100 kilometers per hour ang takbo nang sasakyan. Pero bago ko pa man maabot ang intersection at maibangga ang sasakyan ko sa truck, may ibang sasakyan na bumangga sa akin mula kaliwa. Nag-full brake ako bago pa man sumadsad ang Civic ko sa sidewalk.
Ilang segundo din akong nanatiling nakapikit habang nakahawak ng mahigpit sa manibela. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. If I didn't fasten my seatbelt, duguan na sana ang mukha ko ngayon.
Unti-unti akong dumilat para lang makitang umuusok ang harapan ng sasakyan ko. Nakadikit ang bumper nito sa side ng isang magarang Cadillac.
Cadillac?
Tinitigan ko itong mabuti. Cadillac nga. At hindi lang basta Cadillac, kundi yun yung nakikita ko na dati pa sa Maynila. Yun ba yon? O magkapareho lang sila? But what a coincidence?! Ang nakakapagtaka pa, bigla na lang itong lumitaw out of nowhere. Sino'ng nasa loob?
Bababa na sana ako nang marinig ko ang ugong nito. Mabilis itong humarurot palayo.
I was fully stunned. Sino ba yon? Imposibleng nagkataon lang. Para kasing sinadya nito banggain ang sasakyan ko upang mailayo sa disgrasya, dahil kapag hindi nito ginawa iyon, durog na durog na sana ang sasakyan ko, at malamang pati ako.
Who is that person? Si Damon lang ang naiisip ko. Pero nakita ko ang plate number nito na siguradong ako galing sa LTO, but knowing Damon, he can't use a plate from the government dahil wanted siya. Then who is it?
Natauhan lang ako nang makarinig ako ng busina. Buti na lang, kaunti lang naman yata ang damage sa sasakyan ko. I can still go wherever I want. Nag-drive akong muli, but this time, it's less speed, more careful. Dahil sa nangyari, napagtanto ko na hindi ko pa oras para mamatay. Because if I die, another person has to die to. Ayokong maging doble-doble ang kasalanan ko.
I drove. I drove. I drove hanggang sa makarating ako ng Maynila. The time is already 8 in the evening. Siguradong nag-aalala na sila sa bahay pero walang makakapangulit sa'kin dahil hindi ko dala ang aking cellphone. The Vesta Team might be searching for me already, ngunit tiwala akong walang makakahanap sa'kin. Sinira ko na ang GPS ng sasakyan ko bago pa man ako lumabas nang bahay kaya hindi na nila ito mata-track.
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficción GeneralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...