Chapter 57: If justice still exists

6K 176 38
                                    

Kilalanin si Damon. Naglagay ako kasi baka ibang Marlou ang naiimagine niyo. 😁✌ ⬇⬇⬇ Gwapo si Damon. Hindi nga lang kasinggwapo ng mukha niya ang ugali niya. Pero malay niyo. 😂😂😂

Chapter 57

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 57

Nakahiga ako sa malambot at putim-puting kama, ngunit ang pakiramdam ko dito ay magaspang at madumi. Dilat ang mga mata ko ngunit tila wala na akong buhay. Pagod na pagod ako. Natuyo na ang mga mata ko sa kakaiyak. Sa ilalim ng makapal na kumot ay nagtatago ang katawan kong hubad na hubad.

Dalawang araw na akong ganito. Makailang ulit na rin akong hinalay ni Damon. Paulit-ulit. Gamit na gamit na ang katawan ko. Umiiyak ako nung nga unang pagkakataong pinagsamatalahan niya ako. Yun na lang ang tangi kong nagawa dahil tinurukan niya ako ng mga drogang pampatulog, pampataas ng libido at kung anu-ano pa. Two men ruined my life and right now, I'm wishing that my life would end.

Bakit ko pa kailangang mabuhay? Para saan pa? Ta**-ina!

Dinig na dinig ko ang putukan ng mga baril sa labas. Someone might have come to save me. Useless. They're all late. Damon is already celebrating now because his happiness is to take me, and he just did. He won. At kahit siguro mamatay siya ngayon at mapunta sa impyerno, masaya siya. Masayang-masaya siya. Wala siyang kunsensya e. May puso nga siya, pero hindi niya iyon alam gamitin. Meron nga siyang utak, pero kasamaan ang laman no'n. Mamatay man siya ngayon, wala na ring magbabago. He f***ed me up, that's it.

Wala silang pinagkaiba ni Aki.

Automatic na gumalaw ang mga mata ko nang bumukas ang pinto. I'm expecting it to be Damon, who will going to carry me out of the chaos.

"Thea?!" Papa's voice cracked. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin na para siyang takot na takot. I'm not used to this expression of him. Nasanay akong ginagawa niyang biro ang lahat, nasanay ako sa childishness niya. Pero ngayon, habang papalapit siya, kitang-kita ko ang pamumuo ng mga luha sa mata niya.

Gusto niya akong hawakan pero nilagay niya sa kanyang ulo ang mga kamay niya at ginulo niya ang kanyang buhok. Mukha anumang oras mababaliw siya. Sino'ng ama ba kasi ang matutuwa kapag nakita niyang ganito ang sinapit ng kanyang anak? Sino'ng ama ba ang matutuwa?

Umupo si Papa sa tabi ko. Ibinalot niya ng maigi ang kumot sa katawan saka niya ako niyakap. Hindi na niya napigilang humagulgol.

"I'm sorry... late si Papa. I'm sorry, anak. I'm sorry."

Masakit. Napakasakit makitang nasasaktan ang Papa ko nang dahil sa'kin. Dinurog ang puso ko. Ako dapat ang nagso-sorry sa kanya kasi hindi ako nag-iingat, hindi ako nag-iisip, naging padalus-dalos ako. Dahil desperada akong makausap si Aki, naghintay ako sa labas nang hindi iniisip na maaaring mahanap ako ni Damon. Napakatanga ko. Kasalanan ko rin kung bakit ako nakarating sa ganitong sitwasyon.

Kinarga ako ni Papa at dinala sa ospital.

Wala si Aki. Hindi na ako umaasang magpapakita pa siya. Hindi na ako aasa sa kanya.

"Ipaalam mo pag nakuha niyo na siya. Ako mismo ang papatay sa kanya." Dinig na dinig ko si Papa habang nakikipag-usap siya sa telepono. Si Damon ang tinutukoy niya. Galit na galit siya at sa itsura niya ngayon, sigurado akong kaya nga niyang pumatay. Simula nang dumating kami dito sa ospital, nakakuyom lang ang mga kamao niya. Habang sina Mama at Jenna ay panay ang iyak. Hindi matanggap ng mga ito ang sinapit.

Ano pa ba ang magagawa namin? Nangyari na to. Sa hustisya na lang kami makakaganti. That is if justice still exists.

Nung makauwi ako, hindi ako lumalabas ng kwarto. Maya't-maya, iiyak ako. Dinadalhan na lang ako nina Mama ng pagkain dito sa kwarto pero hindi rin ako nakakakain ng maayos. Hindi rin ako nakakatulog ng mahimbing dahil naglalaro sa isip ko ang bangungot na nangyari sa akin sa mga kamay ni Damon ㅡ at sa mga kamay rin ni Aki. Wala silang pinagkaiba. Pareho silang mga demonyo.

"Bakit di ka gumawa ng paraan, Papa?" Natigilan siya nang magsalita ako. Dinalhan niya ako ng dinner at palabas na dapat siya ng kwarto. Tiningnan niya ako ng may kuryosidad. "Si Aki... Ba't hindi siya pumupunta rito?" Pagpapatuloy ko. I'm sure alam na ni Aki ang nangyari sa'kin. Wala rin ba itong konsensya katulad ni Damon.

Huminga ng malalim si Papa at umupo sa paanan ng kama. Looked like he knows something about Aki. May alam siya pero mukhang hindi pa siya sigurado kung sasabihin niya sa'kin o hindi.

"Wag mo na siyang asahan, Thea. Kalimutan mo na siya." Nalungkot ako sa sagot niya. Hindi ba't siya ang unang-unang tao na nagmatch-made sa'min ni Aki. Ano'ng nangyari ngayon?

"Nagkamali ako sa pagtulak sa'yo palapit sa kanya. Patawarin mo 'ko, anak. Sising-sisi ako sa ginawa ko..." Napapailing si Papa. Kitang-kita ko naman sa mga mata niya ang pait at pagsisisi. Pero hindi ko pa rin maintindihan. "Hindi ko dapat ginawa 'yon. Nagdulot ng trahedya ang pagkakamali ko..."

"Papa, hindi kita maintindihan."

Tumingin siya sa'kin at nanlumo ako nang makitang namumula ang mga mata niya.

"Nang dahil sa matinding selos ni Damon kay Aki simula pa noon, pinlano niya ang pagkakaaksidente ng Tito Kaizer at Tita Heven mo... Anak, sinisisi ka ni Aki kung bakit nawala ang parents niya... Galit siya sa'yo, Thea. Patawarin mo 'ko dahil wala akong magagawa don."

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon