Chapter 21: What is the meaning of this?

7K 191 16
                                    

My wicked eyes have been pasted on that particular spot of the cinemahouse for quite a while now. Bahagya ding nakabukas ang bibig ko at hindi ako lubusang makagalaw habang pinapanuod ㅡ hindi ang kakasimulang palabas sa big screen ㅡ kundi ang dalawang taong gumagawa ng milagro sa tabi.

Seryoso? Di ba sila open sa kani-kanilang mga bahay? Wala ba silang pambayad ng kwarto sa motel o kaya sa lodge? Dito pa talaga sa sinehan?! 

Di na sila nahiya. Kadami-daming tao dito. Pasalamat sila at wala pang nakakapansin na iba. Ako pa lang. Ako pa lang yata? Pero nagtaka ako nung tumayo si Aki at walang imik na lumipat mula sa kaliwa papunta sa kanan ko.

Bakit kaya? But instead of asking, I just gazed at him with awe.

"Sa harap ka tumingin, huwag kung saan-saan."

Bahagyang nalaglag ang panga ko at agad akong tumingin sa harap. Napansin pala niya yung nagmimilagro sa tabi at alam din niya ang ginagawa ko. Grrrr... sabi ko na nga e. Sabi ko na nga, Thea! Kailangan mo ng matinding self-control! Kaso mahirap pigilan ang mga mata sa paggawa ng kasalanan. Nakakahiya tuloy kay Aki.

But wait ㅡ

May dapat ba akong ikahiya sa kanya? Siya nga mismo, ginagawa yung ginagawang milagro nung magkapareha sa tabi e. Mas pribado nga lang siya, pero, walang pinagkaiba 'yun. Tindi nga niya e, dala-dalawa. Tsk.

I looked at him, narrowing my eyes.

"Lumipat ka diyan para ikaw yung makapanood 'no? Kunwari ka pa. Baka gusto mong sumali?"

"Thea..."

I feel like regretting the last line I've asked. Natigilan ako nang tumingin siya sa akin at banggitin niya ang aking pangalan gamit ang sinsero at awtorisadong tono. Nagmistula akong isang batang natahimik pagkatapos pakitaan ng kanyang Tatay ng pamalo o sinturon.

Ugali ko lang talaga 'pag nagiging kumportable, nawawalan na ako ng respeto sa aking kausap. Nakakahiya na talaga kay Aki.

But wait again ㅡ

May naisip ako... He's, maybe ㅡ just maybe, doing something here. And I think, that is... to protect my innocence.

Oh, no, no! If he wants to protect my innocence, then why did he ask me to sleep with him that day? At bakit niya hinahayaang mahuli ko siyang gumagawa ng hindi magandang bagay sa loob ng bahay niya?

Brrr... kalimutan mo na, Thea. Just focus on the movie. Focus. on. the. movie.

*

"Hahahahahaha!!!" Hagalpak ang tawang ginagawa ko habang nanunuod, paminsan-minsan pa nga ay napapa-headbang ako, o di naman kaya'y napapalo ko ng hindi sinasadya si Aki.

Tapos na yung pagmemake-out nung dalawa sa gilid, at nakikitawa na rin ang mga ito dahil sa palabas. Lahat ng mga tao dito sa loob ng cinemahouse, humahagalpak ng tawa, si Aki lang ang hindi.

I glanced at him as I laughed. Nakatutok nga ang mga mata niya sa big screen, pero naka-poker face naman siya. Napakamanhid naman niya upang hindi matawa. Masyadong funny yung mga lines at eksena sa pelikula upang hindi siya matawa. I know he wants to laugh, but he's just too proud or too afraid to show it. Feeling niya siguro kapag tumawa siya, may mangyayaring masama kaya pinipigilan niya ang kanyang sarili.

"Huy!" Tinusok ko ang kanyang tagiliran upang makuha ang kanyang atensyon. I immediately unveiled a smile the moment he looked at me.

"Hindi ka ba masaya sa pinapanood mo? Isn't it funny enough for you?" I asked. Pinanatili ko ang ngiti ko upang hindi niya ma-misinterpret ang aking mga tanong. I want him to be happy. Kaya nga itong Rom-Com ang pinili kong panoorin namin upang makita ko naman siyang tumawa. I have never seen him smiling for a very very long time now.

"C'mon. Libreng tumawa dito." I told him, before focusing again on the movie. Nung tumingin na ako sa harap, ramdam ko pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. But later on, bumaling na din siya sa palabas.

Subalit hanggang sa natapos ang movie, hindi ko nakitang gumalaw ang bibig niya. Disappointed ako. Sana pala nanuod na lang kami ng Horror!

Ang saya-saya ko pa kanina sa loob ng moviehouse, pero paglabas namin, wala na, hindi na ako makangiti. Ayoko na ring magsalita dahil disappointed talaga ako.

"Sayang yung pinambili natin ng movie ticket." Mahinang pahayag ko nung naglalakad na kami sa corridor papunta sa aming mga units. Lupaypay ang mga balikat, at ramdam ko rin ang stress. Siguro mukha na akong natalo sa casino nito.

"Bakit? Akala ko ba gusto mo yung movie?" May gana pa siyang magtanong. Nakakainis.

"Oo, gusto ko. Pero ikaw... hindi mo gusto yung pelikula. Napilitan ka lang yatang sumama sa'kin." I frankly answered. Okay lang naman sigurong magmaktol at okay lang din naman siguro kung dibdibin ko yung nangyari. Nag-eeffort pa akong yayain siyang manood ng sine, hindi naman pala siya interested.

"Dito na 'ko. Good night." I emitted using a very weak tone. Mag-e-enter na ako ng pin upang mabuksan ang pinto, nang hawakan niya ako sa balikat. Hinatak niya ako para magkaharap kami.

Then he made me dazed when he put his palm on the side of my head. May kakaibang pagtibok sa puso ko nang maramdaman ko ang magagaan niyang haplos sa aking buhok. What is this? What is the meaning of this?

"Masaya ako... Pero hindi dahil sa pinanood natin." He softly delivered.

Akala ko suntok sa buwan na. Akala ko hindi ko na ulit makikita. Akala ko maghihintay na lang ako ng hindi nag-e-exist na forever. Akala ko nabigo ako. But I suddenly felt like crying and jumping in happiness, at the same time, when I saw how his kissable lips formed a curve upward. Hindi nga iyon malapad, but it is absolutely enough to show how blissful he is.

"Thank you... Thea."

This is the first time in a very, very, very long time. Kaya sa sobrang tuwa ko, napayakap ako sa kanya.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon