Tinanggihan ko si Boss nang ayain niya akong mag-lunch sa labas. Isang linggo ko na siyang iniiwasan. Nahihiya kasi ako. Ewan ko ba. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko kapag nandyan na siya. How much more if he's in front of me, talking me and looking straight into my eyes? Baka matunaw ako sa hiya.
Tumanggi ako, kaya siguro si Allyson na lang ang niyaya niya. Kasabay ko pa sila sa pagsakay ng elevator. Tatlo lang kami dito sa loob kaya ang awkward. Hindi ako makahinga ng maayos. Feeling ko, masu-suffocate ako anumang oras.
Buti na lang mabilis kaming nakarating ng ground floor.
Hindi tumingin sa'kin si Aki nung lumabas na kami. Hay. Bakit kasi ganito? Tinanggihan ko siya tapos parang may kurot naman sa dibdib ko habang nakikita silang magkasama ni Allyson. I hate this feeling.
Sana ma-food poison sila. Thea, huwag naman ganun!
Pagdating namin sa lobby ㅡ yes, halos magkakasabay lang naman kaming tatlo. Syempre umaarte akong okay lang kahit hindi naman talaga. Pangiti-ngiti pa ako, kahit na ang sama-sama na pala ng loob ko.
Ayun, pagdating nga namin sa lobby, may pinagkakaguluhan na naman yung mga empleyado't empleyadang naka-break.
"ILABAS NIYO SI ALTHEA VILLAVICENCIO! ILABAS NIYO ANG P***NGINANG COMPANY SECRETARY! IHARAP NIYO SIYA SA'KIN!"
Nangunot ang noo ko nang sandaling marinig ko ang aking pangalan mula sa ginang na nagwawala at gumagawa ng ingay. Nakapasok na ito sa may entrance at inaawat ng guard. May isa namang pilit na ponaghihiwalay yung guard at yung ginang.
"NASA'N SI ALTHEA VILLAVICENCIO?!"
Hala! Bakit ako ang hinahanap niya? Hindi ko naman siya kilala, hindi ko rin natatandaang nagkita na kami noon. Pero bakit ako nito hinahanap?
"What's the matter?" Boss Aki asked with authority. Nanahimik ang lahat ng mga empleyado at nag-give way sa kanya. Natahimik din yung ginang ng panandalian, tapos saka nito sinagot si Aki.
"Who's Althea Villavincencio? ㅡ"
Hindi na ako nakapagtimpi kaya't pumaharap na ako. I don't know her. At malalaman ko lang ang problema niya sa'kin kung kakausapin ko siya.
"I'm Althea, the company secretary. How may I help you?" Ang ganda ng approach ko, mahalumanay pa ang ginamot kong boses, in order for her to get out of panic. I showed professionalism. Mukha naman siyang disente at eleganteng ginang na nasa mid-40s, unfortunately, hindi pala siya civilized woman.
Ginamit niya ang buong lakas niya upang makawala sa guard at mabilis pa sa alas-kwatrong sinugod ako nito at saka hinila ang buhok kong pinasalon ko lang kagabi.
Nagulat ang lahat, yung iba napasigaw pa.
"BRUHA KA! MAKATI! PATI MAY ASAWA PINAPATULAN MO! PERA BA ANG HABOL MO?!"
"Ahh! Tama na ㅡ!" I didn't see it coming, kaya naman hindi ako nakakuha ng bwelong pigilan siya. Napaupo ako sa sahig sa lakas ng pagkakasabunot niya sa buhok ko. I'm trying to get my hair out of her hands but she's just gripping it tighter.
"PERA BA?! PWES, PAKAKAININ KITA NG PERA! WALANGHIYA KANG P**A KA! NAPAKALANDI MO!"
"WALA AKONG ALAM SA SINASABI MO ㅡ!!" I tried to defend myself, kaso patuloy lang siya sa pagsigaw sigaw ng mga bagay na wala naman akong kinalaman. Sino'ng asawa niya ang inagaw ko? Jusko! Hindi ko nga alam na makati pala ako e. Pera ang habol ko?! Watdafuq?!!
"AH, MAGMAMAANG-MAANGAN KA PA TALAGA. MUKHA MO PA LANG, MAKATI NA. MUKHANG PERA!"
"STOP IT, WOMAN!"
The moment I heard Aki's ballistic voice, napakawalan na ng ginang ang buhok ko. Ah, sh**! Bakit ngayon lang siya nagsalita? Bakit hinintay pa niyang masaktan ako? Huhu. Ang sakit ng anit ko a. Pero tinulungan na din niya akong makatayo.
"MALANDI YANG BABAENG YAN ㅡ"
"I SAID STOP IT!!" His voice roared all over the place. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pinatayo niya ako sa likod niya. May knight in a shining armour ka na, Thea. Happy?
"Tell me, who's your husband?" Aki asked with a voice filled with anger.
"Damian Diokno, he's one of the Board of Directors here ㅡ"
"Ah, Misis, hindi ko papatulan yung si Mr. Diokno..." My voice vanished into thin air when Aki signaled me to keep quiet. Paano ako tatahimik kung ako ang pinagbibintangang kalaguyo nung number one enemy ko dito sa kumpanya. Pwe. Kahit pagbali-balogtarin ang mundo, hindi ako papatol sa matandang yun.
"Bumalik ka sa asawa mo at tanungin mo kung sino'ng babae niya." Aki stated ㅡ more like commanded.
"Siya na mismo ang nagsabing Juno Althea ang pangalan ng babae niya." The woman answered. Nanlaki ang mga mata ko. Ang kapal naman ni Mr. Diokno para sabihin yun.
"Sinabi niya lang yon para itago ang totoong babae niya. Juno Althea is not that woman..." O jusko! Protektadong-protektado nga ako ni Aki! Parang gusto kong tumalon sa sobrang tuwa! Pero may kasunod pa pala iyong sinabi niya.
"Juno Althea... is my girlfriend." Pinakawalan niya ang hindi kapani-paniwala at nakakagulat na mga huling salitang iyon kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
Nag-init kaagad ang aking mga pisngi. At ang dibdib ko... I think I'm going to be knocked unconscious again.
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Fiction généraleAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...