"Mr. Diokno, count your debts and try to start paying them now. Or else you'll not just be facing bankruptcy soon, but also poverty. Humanda ka na rin sa asawa at mga anak mo dahil siguradong hindi lang galit ang matitikman mo sa kanila." Pagbabanta ni Aki. Yun! Sa wakas nagsalita na rin siya mula sa mahaba-habang oras ng pagiging tahimik.
Nagsitikhiman ang members of the Board habang naghahagis ng mga masasamang tingin laban kay Mr. Diokno. Ngayon nila malalaman na hindi basta-bastang katunggali ang CEO nila. Ngayon nila malalaman na may matalino rin silang Company Secretary. Tch.
"One more thing..." Tumayo si Aki at nagpatama ng masasamang tingin sa Board, syempre maliban sa'kin.
"Minsan niyo pang insultuhin ang pangalan ng Daddy ko... sisiguraduhin kong sa susunod, hindi na kayo ang kakaharapin ko sa Board meeting." He fiercely stated with superior using a firm tone of voice, then he threw a murderous stare to the one who talked about the death of his Dad earlier, Mr. Galleon.
Napatungo si Mr. Galleon, siguro dahil sa kahihiyan, siguro dahil natamaan ito ng lubos sa pahayag ng CEO. He might be planning to pull-out his shares or stocks now, or they? They can anytime they want. Hindi sila hahabulin ng kumpanya.
"Dismissed." Aki uttered.
Wala nang naglakas-loob pang magsalita kahit na nung nasa labas na kaming lahat. Seems like a big cat got their tongues straightaway. Baka nga wala na silang natitirang lakas para labanan ang CEO. The CEO must be young, at palagay nila kakayan-kayanin nila ito, pero nagkakamali sila. Bakit naman sana magtatalaga ng mahinang CEO ang isang owner sa kumpanyang sinasakop na ang buong bansa?
Pasakay na ako ng elevator papuntang 12 floor nang habulin ako ni Allyson. Walang tensyon sa pagitan namin, pero ramdam ko ang kakaibang mga tingin niya.
"I wonder what's your secret, Thea. Mukha namang hindi ka nagpapa-impress sa CEO. O mukha lang talaga?" Medyo mataray siya at mala-kontrabida ang dating, but I guess, taktika lang niya iyan upang itago ang totoo niyang pagkatao at upang igalang siya.
Mga mata ko lang ang gumalaw dahil halos magkaharap lang naman kami sa loob ng elevator. Nakahalukipkip siya at nakapilig ang ulo. Siya din ay nakangisi.
"Kapag sinabi ko sa'yo ang secret ko, di hindi na 'yon secret. At oo, nagpapa-impress ako sa CEO baka-sakaling ma-promote ako sa higher position. Hindi naman siguro 'yon masama, hindi ba?"
"Position nga ba talaga sa kumpanya?" Muli niyang tanong. Nagdududa siya sa totoong motibo ko, alam ko. Pero kilala ko ang sarili ko. Negosyo, trabaho at pagproprotekta kay Aki ㅡ ito ang mahalaga sa'kin ngayon.
"Pwede ring... pati sa buhay ni Boss..." I jokingly answered. But of course, kunwari seryoso ako. Nagsalubong naman ang kilay niya but not in a bad way. Hindi lang siguro niyang inaasahang ganito ako ka-straightforward.
"So, pa'no?... May the best woman win." Pahayag ko ulit sabay bukas ng dalawang pinto kaya diretso na akong lumabas.
Hindi lang ako prangka, may humor din ako, at higit sa lahat mahilig akong bumanat ng mga pang-asar na linya. Kaya nga nung highschool at college, halos lahat ng classmates ko, friends ko. Alam kasi nilang palaban akong babae. Subalit sa kabila no'n, alam din nilang mabait akong tao.
Bumalik ako sa office ko upang ipagpatuloy ang usual na trabaho ㅡ nag-aayos ng documents, nag-re-record, nagta-type sa computer hanggang sa sumakit ang mga mata at likod ko. Secretary ba naman ako ng buong kumpanya. Lahat ng transactions, files, at records, ako ang nagliligpit.
"Ma'm, hindi ka pa ba uuwi?" Concerned na tanong ni Chariss. Mag-a-alas sais na pero meron pa akong mga tinatapos kaya hindi ako sasabay sa paglabas nila, as usual.
"Mauna ka na, Cha. Di pa 'ko tapos dito." Nginitian ko siya bilang paniniguro na okay lang ako. Di pa naman ako masyadong pagod, sumasakit nga lang ang likod ko, pero kaya ko pa.
"Sige, Ma'm. Bye!"
Nagpatuloy ako sa pagtipa ng computer keyboard. Binibilisan ko na upang makaalis na din ako. Ramdam ko na rin kasi ang pagkalam ng sikmura. Eleven pa ng umaga nung huli akong kumain e.
Patapos na ako nang bumukas ang pintuan. Iniisip kong baka bumalik si Chariss dahil baka may naiwan, pero pag-angat ko ng mukha, si Aki ang nakita ko. Uy, ngayon lang yata siya pumasok dito sa opisina ko sa loob ng ilang buwan nang pananatili ko dito. Isa na namang himala.
"Matagal ka pa?" Kaswal niyang tanong. Bagum-bagong tunog yun ha. Kaswal na kaswal. Hindi rin gaanong malamig ang facial expression niya ngayon. Palagay ko nasa good mood siya.
"Patapos na. Bakit, Boss? May ipapagawa ka ba sa'kin?" Hindi naman siguro niya ako sasadyain dito kung wala siyang kailangan. Baka may paiimbestigahan na naman siya? O kulang pa yung ginawa ko?
"Mmm." He nodded. May ipapagawa nga siya sa'kin ulit. Pwede ba'ng makarinig muna ng simpleng 'thank you' ㅡ dahil nagawa ko namang hulihin ang kalokohan ni Mr. Diokno. Inamin na nito ang masamang plano sa kumpanya. Inamin na nitong ito talaga ang nakabuntis kay Marikit. Inamin na rin nitong inutusan talaga nito si Marikit upang akitin si Aki noon at pagpanggap itong nabuntis ni Aki. Kung tutuusin, malinis na ang problema niya tungkol sa dalawang iyon. At yun ay dahil sa akin. Wala ba akong commission o compensation?
"Samahan mo 'kong mag-dinner... sa labas."
Huh? Medyo nabigla ako. 'Yun na ba yung ipapagawa niya sa'kin? Magdi-dinner kami? Sa labas?
First time na naman 'to!
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Fiksi UmumAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...