JUNO ALTHEA
He wants to sleep with me that day. But he ended up sleeping with some random girls this past year.
Today, is the Death Anniversary of his parents. Ewan ko kung ano'ng balak gawin ni Aki, pero pupuntahan ko siya dahil mag-a-alas otso na, wala pa siya sa office. Never siyang na-late, ngayon lang. Tinatawagan ko siya, hindi naman siya sumasagot. Two blocks away lang naman ang condo niya from Hallsan Building, kya kahit na naka-takong ako at nakasuot ng mini pencil-cut skirt at papataas na ang araw, nilakad ko pa rin. Exercise na rin 'to.
"Hoo!" I can't believe na nakakapagod din palang maglakad. Hindi ako sanay 'no. Mula bata ako, lagi kaming nakasakay nina Papa at Mama sa kotse tuwing lumalabas kami ng bahay. But, I think, I just needed some work out. May isang taon na rin kasi simula nung tumigil ako sa pag-gy-gym. I'm still sexy tho.
Nagsara ang pintuan ng elevator kaya nakita ko ang sarili ko sa harap. Gosh, I'm really so fab kahit na may pawis-pawis ang noo ko. Buti na lang waterproof lahat ng gamit kong cosmetics.
I brought out a tissue from my sling bag and wiped my forehead, pati na rin sa leeg ko. I dumped the tissue in the dust bin before the door opened. "Sakto." Lumabas na ako at nag-tsunami walk sa hallway hanggang sa pinto ng unit ni Aki. I knew his door's pin. Dati pa akong trespasser dito kaya alam na alam ko kung paano buksan ang kanyang pinto.
"Seven. Seven. Seven. Two." Teet. Teet. Tumunog ang pinto kaya pinihit ko na ang handle, dahan-dahan lang, tapos sumilip ako sa loob. Ow, walang tao.
Tuluyan na akong pumasok.
Walang tao sa living room, pero nagkalat ang mga damit ㅡ polo, pantalon, dress, bra, panty, boxer. Wow!!! So, makakatagpo na naman ako ng ganoong eksena once na binuksan ko ang pinto ng kanyang bedroom. Nice. Napakaswerte ng babaeng kasama niya sa loob.
Naka-poker face ako nang paikutin ko ang doorknob ng kwarto niya. Hindi ito naka-lock kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tuluyang buksan ito.
I'm expecting him with a girl on the bed. Naroon nga siya nakahubad, pero hindi lang isa, kundi dalawang babae ang parehong nakayakap sa kanyang katawan.
I clenched my fist. Walanghiya o! Dinalawa niya ha. Grabe siya. Sobrang grabe siya!! Hindi kaya siya natatakot na mahawaan ng STD o kaya HIV?!
Hindi ako nag-alinlangang lumapit sa kama. Trabaho lang, boy. Hinila ko ng pabigla ang isang paa niya.
Nagbukas siya ng mata, isa lang, pero nang mapagtanto yata niyang nandito ako, napabangon siya agad.
Nagising na rin yung dalawang babae dahil nagalaw niya ang mga ito.
Binalikan ko ang mga damit nila at pinulot ang mga iyon, saka ako bumalik sa kwarto. Naroon pa rin sila sa kama, kani-kaniyang takip sa katawan.
"Ang bababoy niyo. Magsidamit nga kayo!" Sigaw ko at inihagis ang mga damit at underwears sa kanila.
"Who's that girl? Is she your housekeeper?" Tanong nung isang babae sa maarteng tono. Blonde ang kulay ng buhok nito ngunit sa kalahati lang. Mula anit hanggang gitna ay black na black na. So, unprofessional.
Tinaasan ko sila ng kilay at nag-cross arms din ako.
"I think I know her. Siya yata yung beauty expert? Juno Cosmetics? You are... Juno... right?"
"Don't English me. I won't patol you, okay?" Pinandilatan ko sila ng mga mata.
"Fix yourselves and get out! I need talk to my Boss." Ma-awtoridad na sabi ko. Inirapan nila ako ng sabay kay inirapan ko din sila. Well, I'm bitchier than a bitch. Hindi nga lang ako kagaya nila na parausan.
"Get out." Aki uttered as he looked at me. Nagtaka ako. Pero, okay, na-realized ko na ako pala ang dapat na lumabas kasi magdadamit sila. Well, then.
Umikot ako at humakbang ng isa, ngunit napahinto din ako.
"Hindi ikaw. Sila."
Madali akong kausap. Umikot ako ulit, naglakad at sumandal sa kanyang aparador. The two girls stared-daggers at me as they walked out of the room holding their clothes. Nakita ko ang mga pwit nilang ang iitim naman!!
Aki got out of the bed, and before I could see his nakedness, tumalikod ako at hinarap ang malaking aparador. Nagbilang ako ng 10 seconds, I think it's enough time for him to cover his...
Nine...
Ten...
Umikot na ako. Ngunit napasinghap ako sa gulat nang makita ang broad shoulders niyang mga 3 or 4 inches lang ang layo sa'kin.
Pinilit kong wag tumingin sa mukha niya at lalung-lalo na sa baba. I blinked several times before I speak. "M-May... chiki... nini ka." Yun yung nakita ko sa kanyang balikat. I could smell the horrible scent of liquor and women on his bare body. Na-iirita ako, pero hindi ko siya maitulak.
"Are you covetous?" Salubong ang mga kilay kong tumingala sa kanya. What the heck? He looked so haggard, but then he still looked so handsome. Aki is still Aki no matter what he does. Pero napabawi din ako ng tingin nang pumasok ulit sa isip ko ang tanong niya.
"OㅡOf course, not!" I defensively uttered.
"Really?" Syet. Lalo niyang idinikit ang katawan niya sa'kin. Pinagdikit ko naman ang mga labi ko upang hindi ito tumama sa balat niya.
"Bakit? Gusto mong... mahalikan?" What? Tiningala ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang papalapit na ang mukha niya sa'kin.
Pumikit na lang ako nang mariin at nag-slide pababa upang makawala sa kanya.
"Bakit ako papahalik sa labing may laway pa ng iba?" Inirapan ko siya. Saka na ako tumalikod. Iniabot ko sa likod ang folder na hawak.
"Pirmahan mo na dali. Kailangan kong dalhin agad to kay Mr. Wang." Sabi ko bago ko pa man makalimutan ang totoong pakay ko. Ang hirap palang maging secretary ng isang babaerong Boss.
Binigyan ko din siya ng ballpen. Inabot naman niya ang mga iyon.
Nakatalikod akong naghintay. After a minute siguro, narinig ko ang paghakbang niya at naramdaman ko rin ang presensiya niya sa likod ko. Then his hand tapped my shoulder.
"So, pag malinis to, papahalik ka?" Tanong niya sabay ibinalik sa akin ang folder at ballpen.
"Sandali lang a, magtu-toothbrush lang ako." He added before I heard his footsteps getting away from me.
Tatlong segundo din siguro akong natulala. Bago ako parang nakapag-gain ng consciousness. I turned my head over my shoulders and shouted, "Adik!... Adik ka!" Tapos kumaripas na ako ng takbo palabas.

BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficção GeralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...