Chapter 26: Kelan ang kasal?

6.6K 180 17
                                    

Naninindig ang mga balahibo ko habang patuloy na sinasamantala ng kamay ni Aki ang katawan kong hindi gumagalaw. Hindi siya tulog, alam ko 'yon. At hindi ko lang alam, baka kagabi pa niya ito ginagawa habang natutulog ako.

Hay. Lalaki nga lang talaga siya.

Gustuhin ko mang pigilan siya, sabihan ng 'bastos', sampalin siya, at saka ako lalabas ng kwarto, pero hindi ko 'yon kayang gawin. Parang naparalisa ang buong katawan ko. Ayoko rin siyang ipahiya. Aminin mo na kasi, Thea. Nagugustuhan mo naman di ba?

Oo. Tama yung 'the other self' ko. Nagugustuhan ko ito, o baka ng katawan ko. No man have touched me like this, no man have ever made me feel this way. Si Aki pa lang.

Kinakabahan ako... dahil mukhang itutuloy niya. Mukhang wala siyang balak tumigil kung hindi ko siya pipigilan.

"Thea..." Bulong niya sa paraang tila nang-aakit, bago lumipat ang kamay niya sa isa pang dibdib ko.

Napapikit ako ng mariin habang kagat ko ang ibaba kong labi. I don't want to create a sound. Mas gusto ko pang isipin niya na tulog pa ako kesa isipin niyang gusto ko ang ginagawa niya. But that is the truth. I want what he's doing to me. I want... him. Bahala na kung ano'ng magiging resulta nito.

Nadagdagan pang lalo ang kaba ko nang maramdaman ko ang labi niya sa gilid ng aking batok. Wala na. Nakalimutan na yata niyang ako ang kasama niya at hindi ibang babae. Nakalimutan na yata niya kung sino si Thea na tinatawag niya. Hinahalikan niya ang side ng leeg ko na gustung-gusto ko naman. Nakakakiliti, and at the same time, nakakakilig.

Kinabig niya ako upang magkaharap kami. Pero hindi ako dumilat. Nanatili akong nakapikit hanggang sa nasa ibabaw ko na siya at nararamdaman kong papalapit ang kanyang mukha sa'kin.

Tapos biglang may kumatok.

"Aki! Thea!"

Jusko, si Papa!!!!

Bago pa man bumukas yung pinto, itinulak ko na si Aki upang makalayo sa akin. Wala na kong pakialam kung nalaman niyang nagtutulug-tulugan lang ako. Ang mahalaga, hindi kami nadatnan ni Papa na nasa ganoong posisyon.

"Thea?!" Napameywang ang nagmumukhang galit na Tatay ko pagkabukas niya ng pintuan.

Sabay kami ni Aki na agad napabangon, at pareho kaming nahihiyang sinalubong ang mga pamatay na tingin ni Papa.

"Papa ㅡ ..."

"Kayong dalawa..." Tig-isa niya kaming itinuro. "Mag-usap-usap tayo sa baba." Sabi niya bago siya um-exit. Hindi ko mawari kung galit siya, kasi naman, ni minsan sa buong buhay ko hindi ko pa siya na-timing-ang nagalit sa amin nina Jen at Mama. Hindi ko alam kung paano siya magalit kasi all the time, puro katuwaan lang ang ipinapakita niya e. Mas kinakabahan tuloy ako ngayon kesa sa kanina.

Nang mawala na siya ay hindi na ako nakatingin pa kay Aki. Agad akong sumunod kay Papa sa baba. Bumaba din naman siya agad.

Sa sala... tila Reyna at Haring nakaupo sina Mama at Papa sa isang couch. Nakaupo naman sa single couch si Jenna. Sa isa pang mahabang couch naman tahimik na nakaupo sina Psyche, Venus, Eros at Ares. Habang si Manang Lumina at ang dalawa pang maids ay nakatayo sa tabi ng mga ito.

Ano'ng meron? Ba't nagkakatipon silang lahat?

"Kelan ang kasal?"

"Po?" Hindi sa hindi ko narinig ang tanong ni Papa. Hindi ko lang maintindihan kung ano at kaninong kasal ang kanyang tinutukoy. Sa akin siya nakatingin bago lumipat ang mga mata niya sa katabi ko.

"Hehe. Si Ate Thea lang pala ang future Sis-in-law namin. Pakasal na kayo agad-agad para makasama ka na namin dito sa bahay, Ate." I looked at Venus who talked to me. Maaliwalas ang mukha nito. Masayang-masaya rin pati ang mga kapatid nitong nasa tabi nito. Pero hindi ako nakasagot kasi naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi nila.

"Tsss... kunwari disagree sa operasyon chu chu. Gumagawa na pala ng sariling magic." This time, kay Jenna ako napatingin. Jusko! Nakaismid ang loka. Asar talaga tong mga to kahit kailan.

"Ano, Aki? Kelan mo balak pakasalan si Thea?" Papa asked again.

Nangunot ang noo ko tapos napatingin ako kay Aki. Nakita ko siyang nagkamot ng ulo. Distracted ang mukha niya, halatang hindi niya alam ang isasagot. Si Papa naman kasi e. On the spot kung makapagtanong.

"Papa, ano ba'ng ginagawa niyo? Uwi na tayo sa bahay." Sabi ko. Hahakbang na sana ako nang bigla siyang sumigaw.

"Hindi ako papayag! Magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon."

Nagmamakaawa akong tumingin kay Mama, baka-sakaling bigyan ako ng saklolo, ngunit nakapoker-face lamang ito. Hm. Palagay ko, bago pa man sila pumarito, nakabuo na sila ng script ni Papa. Hindi uubra yun sa'kin.

"Papa, ang pangit mo, hindi mo bagay magalit." Sabi ko. Halata naman kasing pilit lang ang ipinapakita niyang galit e.

"Ay, agree ako dyan. One hundred percent." Pagsang-ayon ni Jenna.

I heard tiny chuckles from the other family.

"Wag mong ibahin ang usapan, Thea! My decision is final. Nagkahiga na kayo kaya magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon!"

"Pero, Pa, wala ㅡ"

"Walang pero-pero! Ayaw mo bang panindigan ka niya?"

Lalong tumawa ang iba naming mga kasama dito. See, tinatawanan na kami dito ng magkakapatid na Buenavista. Sana naman mahiya ang magulang ko. Mahiya ka din, Thea.

Nakakahiya. Wala kami sa bahay para mag-ingay ng ganito pero kasalanan din naman ng Tatay namin. Loko siya e. Kasalanan niya at inutusan pa niya akong pumunta rito kagabi. Kasalanan talaga niya. Siya ang utak, siya ang pasimuno! Kaya, huwag siya...!!!

"Paninindigan ang ano? E wala namang nangyari sa'min!" Malakas kong pahayag upang di na makasingit pa si Papa sa kanyang ipinaglalaban.

"WALA?!!!!!" Gulat na gulat nilang tanong. Nabigla din ako a, kasi nag-chorus silang lahat pati yung mga maids. O, ano'ng nakakagulat kung wala?

"Wala. Wala ho talaga." Mahinahong pagpapaliwanag ko.

"Mahal, tara uwi na tayo. Anak." Tumayo si Papa saka kinuha ang kamay ni Mama at ni Jenna tapos naglakad na lang sila palabas ng bahay.

"Venus, ligo na tayo. Punta pa tayong simbahan, di ba?" Sabay namang pumanhik sina Psyche at Venus, tapos sumunod na din yung kambal.

"Hay nako. Maghanda na lang tayo ng breakfast." Nagsialisan na din yung mga katulong.

Nagkatinginan kami ni Aki, at nagkibit-balikat ako na nakabuka ang dalawang kamay. Wala akong kaalam-alam.

They just left us here dumbfounded.

Stone Cold ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon