Everyone's looking fantastic and glamorous. Hindi lang mga ilaw ang nagpapaliwanag sa buong hall kundi pati na rin iba't ibang klase ng jewelries na suot ng mga guests. Ang lahat ay nakangiti ng masayang-masaya at walang halong pait. Ang lahat ay nagagalak para sa mga taong kasalukuyang naiilawan ng spotlight.
Lahat ay naghihintay, ngunit may isang umaasa, may isang magbibigay pag-asa, at ang isa rito'y masasaktan.
Pinigilan kong lumuha nang lumuhod si Aki sa harap ni Caitlin, habang napuno ng antisipasyon ang buong lugar. Aki, then, brought out a small red box, and flashed the diamond ring. Caitlin covered her mouth in disbelief.
"Will you marry me?"
Napailang ako.
Why is it happening so quick?
Parang kahapon lang nung ipakilala bilang bagong CMO si Caitlin. Parang kahapon lang nung sabihin sa'kin ni Aki na wala akong dapat ikaselos kasi kami na ㅡ I mean, nagde-date na kami. Pero ano'ng nangyari? Nagbago ba agad ang isip niya? Nagbago ba agad ang nararamdaman niya?
Kasabay ng pagpatak ng mga luha ni Caitlin, ang pag-agos din ng mga luha ko sa pisngi.
"Yes!" Sagot nito, tapos nauntog ako.
"Ano ba 'yan, nak? Nakatulog ka?!"
Nakita ko agad ang mukha ko sa salamin nang ibuka ko ang mga mata ko. Nakatulog pala ako habang inaayos ni Mama ang aking buhok.
That means... panaginip ko lang 'yon.
I laughed unintentionally. Natigil lang ako nang tiningnan ako ni Mama sa salamin. Ow, yeah, I'm crazy. Masyado ko na kasing iniisip si Caitlin kaya pati sa panaginip ko naroon siya. Ganu'n na din si Aki.
"Parang ayokong nang pumunta sa party, Ma."
"Oh? Why?"
"Baka may mangyaring hindi maganda." Nakangusong sagot ko.
Tonight will be the quarter's Thanksgiving Party of Hallsan Corporation. Every three months nangyayari ang ganitong party bilang pasasalamat sa mga biyayang tinatamasa ng kumpanya. Ang tema ngayon ay cocktail kaya todo ayos ako. A-attend din sa party si Papa at syempre ang ka-date niya ay si Mama. Balita ko, pupunta din ang buong Hallsan at Buenavista families, kaya, malamang, engrande talaga ang okasyong iyon.
"Don't be so paranoid, 'nak. Fully-secured ang venue, at nandun din kami ng Papa mo kaya walang masamang mangyayari."
I wore a purple dress na backless and a pair of 5-inch silver shoes. Marahil yung iba, pumunta pa ng salon upang magpa-ayos, pero hindi ko na yun kailangan dahil nandyan naman si Mama na stylist at ako ay make-up artist. Bonggang-bongga na. But I'm feeling worried and nervous. Baka kasi magkatotoo yung sa panaginip ko kanina. Jusko! Sana naman hindi!
Kasama ang driver at isang bodyguard, sabay kaming pumunta ni Mama sa hotel na venue ng thanksgiving party.
Kasalukuyan nang ino-open ng host ang party pagdating namin. Sinalubong kami ni Papa tapos may ipinakilala niya kami sa ilang investors.
Hindi nagtagal nakita ko si Boss na nakasuot ng magarang black suit pero walang necktie, nakapamulsa siyang nakatayo malapit sa bar along with Caitlin ㅡ who wears a sexy and tight black dress paired with pumps ㅡ and some other associates. They're busy watching the show on the stage. Umismid ako nang makita kung paano idikit ni Caitlin ang braso niya kay Aki. Daig pa niya ang linta!
"Ma'm Thea, tara, kuha tayo ng maiinom!" Hindi man lang tinanong ni Chariss kung gusto kong uminom o hindi, hinila na lang niya ako sa bar, kaya imbes na iwasan ko sina Aki, heto at ako pa ang lumapit sa kanya. Wala akong ibang choice kundi bumati.
"Good evening, Boss." Ngumiti ako. Papalapit pa lang kami ni Chariss kanina nang mapansin kong malagkit na ang tingin ni Aki sa'kin. Titig na titig siya, but I don't really know why.
Napansin ko din ang kaunting insecurity sa mga mata ni Caitlin kaninang napasulyap ito sa'kin. Ow, ang ganda ko ba?
"Ma'm, cocktail or wine?" Chariss asked. Kasulukuyan itong humihingi ng maiinom at nagpapacute sa bartender at the same time. I wonder how many times did she ask for drinks already. Mukhang may tama na ito e.
"Wine. Give me two." Sagot ko.
Nang ibigay na sa'kin ni Chariss ang dalawang wineglass na may lamang red wine, inabot ko kay Aki ang isa. Wala kasi siyang inumin samantalang may mga hawak na cocktail drinks itong kanyang mga katabi.
Aki unhesitatingly accepted it. "Thank you." Sabi pa niya bago siya uminom. Napangiti ako but not until I saw Caitlin staring daggers at me. Hindi maipinta ang mukha nito. Bakit kaya?
Lumapit sa tabi ko si Chariss at bumulong. "Nagtataka sila kasi una nang nag-abot ng cocktail drink si Ma'm Caitlin kaso hindi tinanggap ni Boss." Tumaas ang kilay ko habang tinitingnan ang tuwa sa mukha ng aking assistant. Ganu'n pala. Kaya pala ang sama ng tingin nito sa'kin.
Napasulyap ako kay Aki. Ano ba'ng ibig niyang iparating at ipinahiya niya yung babae samantalang tinanggap niya ang ibinigay ko? Baka mamaya niyan, pag-isipan pa ako ng hindi maganda.
"You shouldn't have worn a dress like this, Thea." He uttered in a low tone. Mabuti na lang malakas ang music na nagp-play kaya kaming dalawang lang ang nakarinig.
But my body suddenly stiffened when Aki's warm fingers ran on my bare back. Nanlaki ang mga mata ko. At agad kong naisip yung mga makakakita sa'min kaya mabilis akong lumayo sa kanya. WT-EFFFFF!!! Dito pa niya nakuhang mambastos?
"Chariss, s-sa CR lang ako."
"Ay, sige Ma'm."
Mabilis akong nagtungo sa CR. Hay nako, buti na lang talaga abala sina Papa at Mama sa pakikipag-usap kina Lolo Vincent at sa mga Investors ng Hallsan kaya hindi ako napansin ng mga ito.
I stood infront of the mirror.
Ano ba'ng ginagawa sa'kin ni Aki? Inaakit niya ako? Kung inaakit niya ako, anumang oras, pwede na siyang magtagumpay. Muntik nang may mangyari sa'min nung huli pero kung hindi pa tumunog ang sikmura dahil sa gutom nung mga oras na iyon, baka natuloy na.
What should I do? Sa susunod na mag-attempt siya, malamang sa malamang... hindi ko na kakayaning kontrolin ang sarili ko.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto pero sa halip na babae ang pumasok, ito ay lalaki. Dinig na dinig ko ang pag-lock nito sa pinto, ang pagtunog ng heels ng kanyang sapatos papalapit sa'kin at ang pagsabi niya ng, "Thea, I want you.", before he claimed my lips.
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Ficção GeralAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...