Two days after...
Napapaunat ako ng mga kamay at pahawak-hawak din ako sa aking batok nang lumabas ako mula sa aking opisina. This day was so stressful, buti na lang natapos din. I have finished rushing all my reports for this month, so I guess I can sleep well tonight. It's almost 7pm kaya oras na para umuwi.
Pagkababa ko sa lobby, habang naglalakad sa harap ng front desk, napansin ko yung babaeng nakaupo sa may living space. She's sitting on the couch and she put both of her feet comfortably on the center table.
Kumunot ang noo ko. That woman, her name is Marikit Dumagit, but she preffered to be called 'Kit', as her colleagues informed. She came from an average family in Balagtas, Bulacan ㅡ halata sa pangalan niya ang pinanggalingan niya ㅡ, yet she's currently living here in Pasay alone. She's 23, and has a Bachelor's Degree in Commerce. Mag-i-isang taon na siyang empleyado dito.
Kit is a tall, slender woman. Hindi siya gaanong maputi, kutis Filipina lang. She's sexy and charismatic, but her beauty is just on the average.
Kit... is going to be Aki's wife. How lucky?
Tumaas ang kilay ko then I crossed my arms as I walked towards where she is.
"You're sitting malapropos." I said authoritatively. Gulat itong napatingala sa'kin. Abala pala kasi siya sa paglalaro ng kung anong online game sa kanyang cellphone.
Ibinaba niya ang mga paang nakapatong sa center table at umayos ng upo. The moment she recovered from surprise, naging matapang ang expression ng kanyang mukha.
"It's up to me, Ma'm, kung ano'ng gusto kong paraan ng pag-upo. Tahimik lang naman ako dito o. Di naman ako nagpapapansin." Walang respeto niyang pagdadahilan. I smirked hideously. Kapansin-pansin na nga siya e, sa istilo palang ng pag-upo. Dati hindi pamilyar ang pangalan niya, pero dahil gumawa siya ng eskandalo, kilalang-kilala na siya ngayon.
"Wag mo kong kausapin ng ganyan. I'm one of your Bosses." Paalala ko. Mas bata nga ako ng 3 years sa kanya, pero hell, ako pa rin ang Company Secretary. Yup, I'm just 20 but I already got a position. Dito na kasi ako nag-OJT noong 17 pa lang ako. And when I graduated, naging Assistant ako ni Aki hanggang sa na-promote agad ako nung magbitiw yung former Secretary 9 months ago.
Ngumisi si Marikit. Tuluyan na ngang nawala ang respeto niya.
"Di magtatagal, ako na ang tatawagin niyong Madam. Magiging Lady Boss ako ng Hallsan Corporation." Confident at proud na proud niyang pahayag. Seeing her inclined face, tila siguradong-sigurado na siya sa kanyang mga sinasabi ㅡ that Aki will marry her, that she'll be the CEO's wife cause she's carrying an heir.
"Wag ka munang pakakasiguro, Marikit Dumagit. Kung ma-pro-promote ka, I believe na hanggang Department Manager lang." Sabi ni Papa, akitin ko daw si Aki. Pero ang sabi din niya, nabubuhay ako upang maging harang sa anumang darating na problema kay Aki. Ang galing ng Papa ko di ba? But I also think it that way. Dadaan nga muna sila sa mga kamay ko bago nila magapi ang aking Boss.
"Ipinagbubuntis ko ang anak niya!"
"Pakitaan mo ko ng pruweba na hindi gumamit ng contraceptives si Boss nung may nangyari sa inyo... He might be a philanderer, but he's smart enough to be careless." I'm doing my own investigation about this matter. Not because of the single reason that I want it, but also because the Boss, himself, ordered me to. He talked to me yesterday, yes, to me. Sinabi niyang naging babae nga niya itong si Kit ng isag gabi, pero duda siya kung nagsasabi nga ito ng totoo tungkol sa pagbubuntis nito. Aki is certain, that everytime he does it, he's using condoms. Oo nga, yun talaga yung nakaka-awkward na pinag-usapan namin kahapon, hindi pa kasi ako nakakakita ng condom sa personal.
Kit displayed a pointed look on her appearance. Nagngitngit ang mga ngipin niya. If she's not guilty, hindi magiging ganoon ang kanyang reaksyon. She's just pretending. If not, someone send her to pretend. But for what? Because of why? Iisa lang ang naiisip ko ㅡ someone wants to push Aki down. Kung sino iyon, malamang isa sa mga naghahabol sa CEO position. Reputasyon ni Aki ang una nilang sinisira and I'm not dumb not to notice it.
"Pakakasalan ako ni Achilles." Giit niya.
"Achilles?" I uttered with a smirk. She irrespectfully called him by his name! Diyos ko! Hindi pa naman sila kasal. Ni hindi siya nito girlfriend. Napaka-assuming naman niya.
"Oo, at hinihintay ko siya ngayon dahil magdi-dinner kami."
Napatunganga ako. Talaga ba? Ide-date ba talaga ni Aki itong babaeng to? Akala ko ba ayaw niya dito? Kaya nga siya nagpapa-imbestiga e. Tapos kakain sila ng dinner?
Nginisian ko na lang yung babae tapos umalis na ako. Bago ako nag-drive pauwi, tinext ko muna si Boss.
["May dysmenorrhea ako. Pauwi ka na ba? Pabili naman ng gamot."]
Sinend ko, saka ko pinaharurot ang kotse. Naku... sana pansinin niya ako agad-agad!
BINABASA MO ANG
Stone Cold ✔
Narrativa generaleAchilles Buenavista ('AKI' from His Naked Destiny) #wattys2018 Ranked 1 in #richboy Ranked 10 in #cold-hearted "Nang matuloy ang merging ng Hallsan at Vesta Corporations, saka naman nawala ang kasiyahan sa mukha ni Aki. Siya na nga ang pinakamakaman...